Naalimpungatan ako dahil sa pagbukas ng pinto sa k'warto, pero tuloy pa rin ako sa pagpikit at pagtulog.Nakakatamad pang bumangon. Narinig ko naman and pagbukas ng bintana dahilan para pumasok ang simoy ng hangin kasabay nang pagdampi ni haring araw sa 'king balat, pero nakahilata pa rin ako sa kama.
Rinig ko ang yabag ng mga paa kasabay ng pag-upo nito sa kama.
Unti-unti kong dinalat ang mga mata ko nang mapagtantong lalaki ang nakaupo at nakatalikod siya sa 'kin.
"Kuya Danic?"
Bigla akong napaupo sa kama. Teka hindi ko 'to k'warto. May kalakihan ito ng kaunti kumpara sa k'warto ko at maraming mga paintings ang nakasabit sa pader.
May maliit ding vase na nakapatong sa maliit na kabinet katabi ng higaan isa itong carnation, ang bulaklak na binigay ni Nacio kahapon. Napatingin ako sa damit ko nakapantulog na 'kong damit.
Gulat akong napatingin sa lalaking nakaupo sa gilid ng kama na ngayon ay nakatitig na sa akin.
"Fely."
Nakatulala lang akong nakatitig sa kan'ya sabay na napatingin ulit sa pantulog kong damit at tinakpan ang sarili ko nang kumot.
Nagpipigil naman ng tawa si Nacio. Teka sandali pagkatapos niyang lapastangin ang katawan ko?! Hin-napatigil ako sa pag-iisip nang bigla ulit siyang nagsalita.
"Walang katotohanan ang iyong iniisip. Si Aling Nita ang nagpalit ng iyong damit."
Napatungo naman ako nahiya sa masamang kaisipan na dumaan sa isip ko.
"Dinalhan na kita ng makakain. Tanghali na ay tulog ka pa rin," sambit niya at may kinuha sa gilid ng kama.
"Teka anong oras na ba? At bakit ako andito asa'n sila Kuya Rheden?"
"Alas dose ng hapon."
Nagulantang naman ako. Alas dose na pala, pero hindi ba pag nakakatulog ako bumabalik ako sa kasalukuyang panahon? Bakit andito pa rin ako? Anong nangyayari?
Bigla naman may sumaging alaala mula kahapon.
Malamig ang simoy ng hangin, andito pa rin kami sa may kubo at panay na ang hikab ko sa antok, "May gusto ka bang kainin binibini?" Wala naman ako sa sariling tumango kay Nacio, "Sandali kukuha ako ng makakain."
Ilang minuto rin ang lumipas at unti-unti nang sumuko ang mga mata ko.
Ilang sandali pa narinig ko ang mga yabag ng paa papunta sa kubo, pero masyadong pagod ang katawan ko para bumangon, "Nakatulog ka na Fely."
Unti-unti ko namang naramdaman na kinumutan niya ko gamit ang coat na suot-suot niya.
BINABASA MO ANG
Take Me Back in Time #Wattys2019Winner
Narrativa Storica"I am hopelessly in love with a memory. An echo from another time, another place." - Michael Faudet Deane Peñalosa a young lady is ought to discover her past, as her family decide to move to their hometown in Legazpi. It is a tranquil rural place, w...