Nagising ako dahil sa pagbukas ng pinto sa k'warto.
Pumasok si kuya na may dalang agahan kaagad naman akong napaupo.
"Ang tagal mo magising bunso, dinalhan nalang kita ng pagkain hinihintay ka ng Ate Aries mo." sambit niya sabay baba ng tray ng pagkain.
Agad ko namang sinubo ang dalawang bacon habang nagsasalita, "Ah sorry kuya, salamat sa pagdala ng pagkain. Bababa na agad ako pagkatapos kong maligo."
"Ang masunuring tupa," tugon niya na kinainis ko.
"Kuya," saad ko habang patuloy lang siya sa pagpat ng ulo ko.
"Paalam bunso, kain nang marami." huling habilin niya bago lumabas ng k'warto.
Pagkatapos kong nguyain ang bacon agad ko na ring kinain ang pancake na may palamang hotdog at ininom ang mainit na tsokolate.
***
Naligo na ako at nagbihis, pagkatapos ay bumaba na, pero wala akong nadatnang tao.
Mabuti nalang nakita ko si Aling Lenny na inaayos ang kinainan, "Aling Lenny sila kuya po?"
"Nasa labas nagpipicnic sila," tugon niya.
"Ah, sige salamat po."
Bukas na pala ang uwi ni Ate Aries, kaya siguro sinusulit niya na ang huling araw niya rito.
Agad na akong lumabas at nakita sila kuya sa may puno ng mansanas.
Naglatag sila sa ibaba nito.
"Ate." Umupo ako sa tabi ni Ate Aries, na katabi ni kuya inabutan niya naman ako ng hiniwa niyang mansanas.
"Kain lang, enjoyin natin 'tong araw na 'to," sambit ni Ate Aries.
"Uuwi kana talaga ate? Bakasyon naman ah. Dito kana muna." saad ko ng maubos ko ang mansanas na inabot niya.
"Sorry Deane, may pasok kami ngayon. June at July naman bakasyon ko."
"Astig ng school mo Ate," tugon ko ng may pagkamangha.
"May pasok naman ng April at May. Marami rin kasi akong mga nakasched na gawain at remedial class. Hindi ako nakaattend ng klase, dahil sa pagkawala ni mama." humina ang pagkasabi niya sa huli, pero narinig ko iyon.
Napansin naman 'yon ni kuya at agad iniba ang topic.
"Tara, bike tayong tatlo?" pag-iiba niya ng paksa.
Kinuha kaagad ni kuya ang tatlong bike. Ang bike ko at sa kanya at ang isa ay kay papa.
Nag bike kaming tatlo hanggang sa makarating kami sa isang lumang theme park.
Sa gitna nito ay isang malaking puno nagandahan si Ate Aries kaya napagpasyahan naming tumambay muna rito.
Wala ring masyadong tao, kaya sobrang tahimik at napakapayapa ng paligid.
Umupo ako sa bench na katabi ng puno, habang sila kuya nag momoment together na nagswiswing sa may playground.
May napansin akong nakaukit sa puno 'NFB x LFA'
Hinawakan ko ito at pinagmasdan pero nagulat nalang ako sa biglang pagsigaw ni kuya ng pangalan ko.
Kailangan na raw naming umuwi, dahil magpapahinga pa si Ate Aries para sa biyahe niya bukas ng umaga.
Pagkauwi namin tinanggal na ni Aling Lenny ang bandage dahil kailan daw makahinga naman ang sugat.
Unti-unti na rin itong naghihilom. Natatakpan naman ng bangs ko ang sugat kaya 'di masyado halata.
BINABASA MO ANG
Take Me Back in Time #Wattys2019Winner
Fiksi Sejarah"I am hopelessly in love with a memory. An echo from another time, another place." - Michael Faudet Deane Peñalosa a young lady is ought to discover her past, as her family decide to move to their hometown in Legazpi. It is a tranquil rural place, w...