Nagbaon na kami ng mga pagkain at damit si Kuya Rheden nagdala pa ng kung ano-ano siguro mangingisda ulit sila ni Nacio.
Lumabas na kami pero wala pa sila Marina usapan daw nila ni kuya na pumunta rito at sabay-sabay na kaming pupunta.
Pumasok muna kami sa loob at umupo sa may sala.
Ilang sandali pa bumukas ang pinto at pumasok sila mama, "Mukhang bihis na bihis kayo ah, sa'n kayo pupunta?" tanong ni mama.
"Opo, balak naming pumunta sa batis. Ipapaalam ko po sana si Fely. Ayos na raw ang kanyang pakiramdam, ilang araw na rin naman siyang nagpapahinga." tugon ni kuya.
"Nako, basta ba mag-iingat kayo. Tingnan mong mabuti ang kapatid mo." sambit niya at tumabi na samin, "Fely, kagagaling mo lang sa sakit baka mapano ka." pahabol niya sabay yapos sa ulo ko.
"Ayos naman na po 'ko, nababagot na po sa bahay." tugon ko naman.
"Sige, basta't ingatan mong hindi ka mabinat at 'wag kayong magpapagabi." bilin ni Inang Rosella.
"Opo." sabay naming sabi ni kuya.
Binuksan naman ni ama ang radyo at naupo na rin sa tabi namin.
Ibinalita sa radyo ang holocaust na nangyayari sa mga Jewish nakakaawa sila. Ba't kasi galit na galit si Hitler sa mga Jewish?
Ilang sandali pa, nakarinig na kami nang tawanan ng dalawang tao siguro sila Nacio na iyon.
Nagpaalam muna kami kayla Ina, bago lumabas.
"Ang tagal n'yong dalawa, tara na malapit ng magdapit-hapon." saad ni kuya.
Naglakad lang kami papunta sa batis. Nakalimutan ko pa naman magdala ng panyo kaya tagaktak ang pawis ko.
"Señorita Fely pawis mo."
Nagulat ako sa biglaang pagtabi sa 'kin ni Nacio at may inabot na panyong may burda ng pangalan niya.
"Salamat." ang tanging nasambit ko. Hindi ko naman maiwasang hindi amoy-amuyin ang panyo. Panay punas ko nalang para hindi n'ya mahalata.
***
Nang makarating kami sa batis parang nawala lahat ng pagod ko.
Kulang ang salitang ganda para ilarawan ito. Napansin ni kuya ang pagkatulala ko.
"Oy Fel, kay ganda hindi ba? Ayaw mo kasi sumama pag naliligo kami nakakapanibago ka talaga." saad ni kuya.
Sinuklian ko na lamang siya ng ngiti.
Nilapag at inayos muna namin ang mga gamit namin.
"Tara na ligo na tayo." sigaw ni Marina.
Medyo takot pa rin ako sa tubig dahil sa pagkalunod ko.
Si Marina na ang nauna sa pagligo sa batis nakasuot siya ng malaking t-shirt at short na hanggang tuhod.
Sumunod naman si kuya. Tumalon siya kaya natalsikan ng tubig si Marina na agad namang kinatawa ni Nacio.
Nasa tabi ko na pala siya.
"Tara sabay na tayo." hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming napatalon sa batis.
Bumalot sakin ang alaala nang tumalon ako at nalunod. Napapikit ako at mabilis na umahon.
"Ba-t mo ginawa 'yon." halos pasigaw kong sabi kay Nacio.
Bago pa siya makasagot agad na 'kong naglakad palayo binilisan ko ang lakad ko kailangan kong mapag-isa.
"Fely sandali ano ba'ng problema?" may pag-aalalang sabi nya.
BINABASA MO ANG
Take Me Back in Time #Wattys2019Winner
Fiksi Sejarah"I am hopelessly in love with a memory. An echo from another time, another place." - Michael Faudet Deane Peñalosa a young lady is ought to discover her past, as her family decide to move to their hometown in Legazpi. It is a tranquil rural place, w...