Kabanata 31

3.2K 159 9
                                    


Maingat naming binaybay ni Leonora ang mga pasilyo patungo sa direksyon ng k'warto ni Sita. Si Leonora ang nagsisilbing look out sa paligid. Habang ako naman ay nakapokus lang ang isip kung papaano ko makukuha ang sulat nang madalian na hindi kami mabubuko.

"Pangalawang pinto Señora," pabulong na saad ni Leonora.

"Tawagin mo na lamang ako sa aking palayaw Leonora, kung ano ang iyong nais itawag sa'kin maaaring Felicita, Fely at p'wede rin namang Deane."

"Sige ho, Deane? mukhang ngayon ko lang iyon narinig?"

"Ah, este Fely nalang Leonora, akin na pala ang klip." May pagmamadali namang inabot ni Leonora ang clip, habang wala hindi naman siya mapakali sa pagmamasid sa paligid.

Habang clinilip ang pintuan ay napatingin ako kay Leonora dahil sa panginginig ng kamay niya.

Hinawakan ko ito at nginitian siya.

"Mabilis lang ito Leonora, papasok ako sa loob at kung may maririnig kang mga yabag ng paa ay kumatok ka lamang ng tatlong beses sa pintuan at magtago ka na. Ako na ang bahala kung saan ko itatago ang aking sarili sa silid ni Sita. Magagawa natin ito," saad ko at pinisil ang kan'yang kamay. Tumango naman siya at agad na pinakalma ang kan'yang sarili.

Nang mabuksan na ang pinto ay napatigil ako saglit. Kinakabahan man ay kailangan kong kumilos agad para mahanap ang liham.

Gininaw naman ako sa malamig na pagsalubong ng hangin na tila ba hindi ito nasisiyahan sa pagpasok ko na agad nagpatayo sa aking balahibo. Agad kong niyakap ang aking sarili at napahinga nang malalim.

Kaya mo 'to Deane Aja! #TeamLeolicita.

Una akong naghanap sa aparador ni Sita, pero puro mga bestida, saya, at kimona lamang ang naroroon. Meron ding maliliit na kabinet na naglalaman ng mga kolorete at mga mabulaklaking pang-ipit ng buhok. Gayundin ang laman ng isa pang aparador mga kasuotan at mga alahas.

Pero may kaisa-isahang alahas doon ang nakapukaw sa atensyon ko.

Pinagmasdan ko ito ng ilang segundo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pinagmasdan ko ito ng ilang segundo. At napahawak nalang ako sa aking bibig ng italikod ko ang pendant na saranggola ay nakita ko roon ang maliit na initial na LFAS at kung hindi ako nagkakamali ang ibig sabihin nito ay Leonidas Felicita Ayla Solon.

"Fely, kumusta na riyan? Kailangan mo ba ng tulong?" dali-dali kong ibinulsa ang kwintas bago tumugon kay Leonora.

"Sandaling minuto na lamang," saad ko at binalik muli sa ayos lahat ng mga alahas at ilang mga gamit na naikalat ko sa paghahanap.

Sunod akong naghanap sa lamesang mistulang study table ni Sita, pero mga ilang papel at tinta lamang ang naroroon. Tiningnan ko na rin ang ilalim ng kama, pero tanging mga alikabok lang ang sumalubong sa'kin na nagdulot para sunod-sunod akong mabahing.

"Seño-este Fely ayos ka lang ba?" Hindi na 'ko nakatugon kay Leonora dahil sa labis na pangangati ng aking ilong na sinabayan pa ng kawalan ng pag-asang mahanap ang liham.

Sinunod kong halughugin ang ilalim ng mga unan at kutson ngunit bigo pa rin. Napatulala ako saglit ng biglang kumatok ng tatlong beses si Leonora sa pintuan dahilan para dali-dali akong magtago sa ilalim ng kama.

Rinig na rinig ko ang papalapit na mga yabag kasabay ng pagbukas ng pinto. At kung minamalas ka nga naman dito pa talaga ako nagtago sa ilalim ng kama at ngayon pinipigilan kong mabahing.

Tanging isang naka pormal na kasuotan ang naaaninag ko mula rito base na rin sa tunog ng kan'yang sapatos at kan'yang pananamit na
hindi naka bestida at dress mukhang isa itong lalaki. Hindi ko lang matukoy kung isa ito sa mga guwardiya o isang bisita ni Sita na may mataas na katungkulan. Ngunit bakit naman siya didiretso sa k'warto ni Sita? kataka-taka.

Nakatayo lang siya sa gilid ng kama na pawang nakamasid sa bintana. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng tunog ng papel at pag-urong ng upuan.

Kailan ba aalis ang bisitang ito? nangangati na ang aking ilong. Mababahing na sana ako nang biglang mahulog ang plumang ginagamit niya at gumulong ito sa ilalim ng kama na agad ko namang pinagulong pabalik.

Kinakabahan at halos tagaktak na ang pawis ko nang bigla siyang yumuko para abutin ang pluma ay agad kong naaninag ang mukha niya...

Nacio

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko, 'di magkamayaw sinabayan pa ng pawis, kaba at pangangati ng ilong. Kapit na kapit ako sa ilong ko maiwasan lamang na mabahing ngunit katulad ng paghahanap sa liham ay nabigo ako.

Pinakawalan ko na ang bahing na kanina ko pa pinipigilan. Susundan pa sana ng isa pang pagbahing ng magkatitigan na kami ni Nacio na ngayon ay nakasilip na sa ilalim ng kama.

Nagkatitigan kami, parehong may matang nangungusap. Ilang segundo pa ang lumipas, at siya na mismo ang nagtapos ng aming titigan, agad siyang may kinuha sa kan'yang bulsa at iniabot sa akin ang isang panyo.

Nanginginig man ay inabot ko pa rin ang panyo mula sa kan'yang kamay, mula roon hindi ko na namalayang magkahawak kamay na pala kami at tanging ang panyo nalang ang nagbibigay distansya sa aming mga palad.

Tumayo siya saglit na hindi naghihiwalay ang aming mga kamay at agad na may iniabot sa aking liham.

Kasabay noon ang unti-unting pagliit ng distansiya ng aming mga mukha, at sa isang iglap naglapat muli ang aming mga labi na animoy sabik na sabik sa isa't-isa. Ilang segundo rin nagtagal ang aming mumunting romansa hanggang sa ako na rin mismo ang humiwalay kasabay ng pagpatak ng luha sa magkabila kong pisngi.

Wala ni isa sa aming dalawa ang nagbalak na magsalita. Ang mga mata na mismo namin ang naghatid ng mga salitang nais naming ipahatid sa isa't-isa.

Nakarinig muli kami ng tatlong katok na senyales na may paparating, agad na napatayo si Nacio sa kan'yang p'westo at ilang sandali pa bumukas ang pinto, iniluwa nito ang isang babaeng naka abaka. Naunti-unting lumalapit sa p'westo ni Nacio.

Mula sa tindig, halimuyak at nakakapanindig balahibo na hagikhik. Walang iba kundi si Sita.

Wala naman akong magawa kundi makinig at tumahimik lang.

At kahit napakabigat na ng aking pakiramdam ay sinikap ko pa ring buksan ang liham na iniabot ni Nacio...

"Mahal kita."

--
Photo not mine.

Happy reading
♡⃛◟( ˊ̱˂˃ˋ̱ )◞⸜₍ ˍ́˱˲ˍ̀ ₎⸝◟( ˊ̱˂˃ˋ̱ )◞♡⃛

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon