Hindi pa rin maalis sa isip ko ang halik na naganap sa aming dalawa ni Nacio at kinakapa-kapa ko pa rin ang labi ko hanggang ngayon. Totoo ba talagang nangyari 'yon?Kasabay ng pagtili ko sa aking isip ay sabay na pagbukas ng pinto.
"Kuya usong kumatok," inis na sambit ko kay Kuya Danic.
Andito na ulit ako sa kasalukuyang panahon at hindi ko maalala kung paano ako nakabalik.
Pagkatapos ng halik na naganap ay bigla akong nahilo kasabay ng pagbalik ng isang alaala...
Isang batang babae ang masayang naglalaro ng saranggola sa kanilang hardin. May nakasabit na bulaklak ng gumamela sa tenga nito na lalong nagpatingkad sa kagandahan niya.
Mas lalong nakita ang lahi nitong intsik, kastila at pilipino. Habang sa 'di kalayuan palihim na nakamasid ang isang batang lalaki na nasa sampung taong gulang pa lamang. Matagal na siyang may pagtingin sa batang babae na iyon na napag-alaman niyang ang ngalan ay Fely. Labis din siyang nalulungkot ngayon dahil magtutungo na siya ng Europa para doon na mag-aral nais niya na masulyapan muli ang kaisa-isahang babaeng kinahuhumalingan niya, at ang unang tibok ng kanyang puso sa huling pagkakataon habang may oras pa at hindi pa sila tuluyang nakakaalis.
Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon nagtungo ang saranggolang pinapalipad ni Fely sa kanyang direksyon at napadpad ito sa sanga ng puno kung saan siya lihim na nakamasid.
Kinabahan siya at tila nanlamig at hindi malaman nito kung magtatago ba siya o haharapin ang batang babae na tinitibok ng kanyang puso. Agad naman nagtungo sa kanyang direksyon si Fely ngunit hindi siya napansin nito dahil nakatuon lang ang buong atensyon ng bata sa saranggolang sumabit sa sanga.
BINABASA MO ANG
Take Me Back in Time #Wattys2019Winner
Historical Fiction"I am hopelessly in love with a memory. An echo from another time, another place." - Michael Faudet Deane Peñalosa a young lady is ought to discover her past, as her family decide to move to their hometown in Legazpi. It is a tranquil rural place, w...