Lumabas kami ni George sa kubo at agad naman niyang hinila ang kamay ko papunta sa itaas na bahagi kung saan matatanaw ang karagatan.Napapikit nalang ako at tahimik na dinama ang simoy ng hangin. Sabay napahinga ako nang malalim. Lahat ng alaala namin ni Nacio ang naiisip ko, mula sa umpisa sa aking kaarawan hanggang sa huli naming pagkikita sa may dalampasigan.
Gano'n lang ba ako kadaling iwan?
Pinunasan ko ang luhang namumuo na sa mga mata ko. Niyaya ko na rin si George na umuwi na at nag dahilan nalang ako na masama na ang pakiramdam ko.
Buong biyahe namin pauwi ay tulog ako.
"Ginabi na kayo ah," sambit ni Ina.
"Oo nga po, medyo traffic ay este matagal po ang biyahe," tugon ko.
"I'll go now Fely and Señora Solon." agad naman tumungo si Ina at nagpasalamat sa pagpasyal ni George sa'kin.
"Till next time," rinig ko pang sabi ni George bago nito pinaharurot palayo ang awto.
Tataas na sana ako ng bigla akong pinigilan ni Ina.
"Aba'y sandali lang anak, may sasabihin ako. May mahalaga tayong okasyon na pupuntahan sa Maynila. Isa pa sinabi rin ni Brigadier General McDermott na mahalagang maghanap na ng simbahan para sa kasalang magaganap sa inyo ni George," dire-diretsong sambit niya
"Ano naman pong okasyon iyon Ina?"
"Isang salo-salo kasama ang may pinaka mataas na ranggo sa US Army anak. Ang five star General na si Douglas McArthur at naimbitahan ang ating pamilya. Aba, akalain mo nga naman malakas talaga ang iyong ama sa mga kano!" natutuwa niyang sabi, habang pumapalakpak pa.
Napabuntong hininga nalang ako. Allergic pa 'kong lumabas ngayon at gusto ko lang talagang mag mukmok sa k'warto. Malapit na rin ata akong marecruit sa Anti Social Club.
Hinatid na ko ni Ina sa k'warto at sinabihang mag beauty sleep na raw ako. Sleep lang talaga walang beauty.
Pagkapasok ay agad na kong naglatag ng banig sa lapag at nagpalit na ng mas komportableng kasuotan. Wala nga lang pajama at t-shirt, kaya nagbestida nalang ako.
Pikit mata at nakatulog na'ko.
Kinabukasan agad akong kinatok ni Ina dahil kailangan na raw namin mag-impake ng susuotin at kagamitan.
Niyaya niya rin niya akong mamili sa labas ng bagong kasuotan para sa dadaluhan naming okasyon.
Sa buong maghapong paglilibot namin, wala akong ginawa kundi panuorin lang si ina habang naglilibot siya sa isang pamilihan ng mga mamahaling damit. Siya na rin mismo ang pumili ng susuotin ko. Wala naman akong magawa kundi magsukat ng paulit-ulit siya naman ang nagdadala ng damit sa silid sukatan.
"Lahat ata ay bagay sayo anak," magiliw niyang sabi.
Teka, parang naulit na ang pangyayaring ito, mula sa pagbili namin no'n ng susuotin sa kasal.
BINABASA MO ANG
Take Me Back in Time #Wattys2019Winner
Fiksi Sejarah"I am hopelessly in love with a memory. An echo from another time, another place." - Michael Faudet Deane Peñalosa a young lady is ought to discover her past, as her family decide to move to their hometown in Legazpi. It is a tranquil rural place, w...