I'm a MAID?!!!

30.3K 474 20
                                    

Dedicated ito sa kanya dahil malandi sya! xD Hoy, Ateng Pula, huwag mo itong babasahin, VOTE at laitin mo na lang! Owkie?! 

Enjoy Reading! =)

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Prologue

Isa akong pinagpalang nilalang, maganda, mabait, mabuti ang kalooban, hindi nagsisinungaling at isang magalang na bata. Pero syempre lahat ng iyan ay isa lamang kasinungalingan, maliban don sa MAGANDA! Maraming nagsasabi na masama DAW ang ugali ko, laki sa luho, maarte, at walang direksyon ang buhay.  Pero ano bang pakielam ko sa iniisip nila?! Tss. Mga mahihirap! Kasalanan ko bang lumaki akong mayaman?! Duh. Sisihin nila mga magulang ko! Bakit ako sinisisi nila? Ako ba nagbibigay ng pera sakin? Kasalanan ko bang walang panahon ang mga magulang ko sakin kaya hindi na nila nasusubaybayan ang paglaki ko? Mas mahalaga sa kanila ang pera kaya bilang nag-iisang anak nila, tungkulin kong pakinabangan ang mga salapi nila!

Nabubuhay ako sa sarili kong kagustuhan, nakakamit ang lahat ng gusto kong makuha , sa madaling salita… isa akong PRINSESA!

Pero isang GABI, oo gabi, nakakasawa na kasi ang ARAW! Isang gabi, nagbago ang lahat, galing sa pagiging PRINSESA ay naging isa akong YAYA, KATULONG, ALILA o kung ano pa mang tawag sa pagiging isang ALIPIN! Wala akong choice dahil hindi nila ako binigyan! Hindi sa naging mahirap kami. Duh. Sa dami ng negosyo ng mga magulang ko, sigurado na ang kinabukasan ko, kahit nga ang mga susunod na henerasyon ng pamilya namin sigurado na dahil sa kayamanang pinapalago ng pamilya namin!

Kaya lang may isang MAG-AMANG gusto akong maging KATULONG! Gosh! Sa dinami-rami ng pwedeng ipagawa sakin, pagiging KATULONG PA?! Kasalanan ito ng lalaking yon! Pati na rin nung cute nyang tiyANAK! Pero kasalanan din ito ni Daddy eh, bakit sya pumayag na maging isa akong ALIPIN?!

HAH!  Pagsisisihan ng mag-amang yon ang pagkuha sa isang MAGANDANG si AKO na maging MAID nila!

I'm a MAID?!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon