Hi, salamat sa paghihintay! Sa susunod na kabanata or sa susunod pa, malalaman nyo na kung bakit nga ba iniwan ni Gela ang mag-ama nya.Enjoy reading! :)
=========================================
►Panglabing-walo na Kabanata
Mabilis ang paglipas ng mga araw. Isang buwan na ang nakakalipas ng makapag-usap kami ni Rain ng seryoso at mukhang yon na ang last. :3
Tulad ng dati ang sungit pa rin nito sakin, para bang allergic siya sa maganda kong mukha. Tsk. Tsk. Palibhasa bitter dahil nakalimutan ko na siya! Belat~ xD
Ang totoo pinipilit ko rin namang alalahanin ang lahat tungkol dito pero bigo ako. >_____<
"Ako na ang maghahatid kay Sunny, maglinis ka naman dito." -______-
Tumingin ako sa paligid. Nakakalat mga laruan ni Sunny. Ang dumi rin ng sahig. Nakaramdam naman ako ng pagod este katamaran. xD Parang mas gusto ko pang ihatid na lang si Sunny sa school. TT____TT
Pagkaalis nung mag-ama ay nagsimula na akong magwalis. Once a week lang ata akong nakakapaglinis dito, paano naman kasi ako gumagawa ng lahat kahit na pwede namang kumuha na lang ng Maid si Rain. Ang lalaking yon, gustong-gusto niya talaga akong pinahihirapan! Paano ba ako mapapatawad ng Ulan na yon?
After 2hrs ay nagmukha na ulit bahay ang lugar na ito. Kanina kasi mukhang basurahan na, hahahahaha! Kasalanan ni Araw dahil malikot siya, hindi pwedeng sisihin ko ang sarili ko. xD
Papunta na sana ako ng kwarto ko para don naman mag-ayos ng mapansin ko ang kwarto ni Rain. Nakasarado iyon. Kabilin-bilinan nito na huwag na wag daw akong papasok sa kwarto nito pero lilinisin ko lang naman eh. :3
Dahan-dahan kong binuksan yung pinto na para bang may makakarinig kung buksan ko man iyon kahit na ako lang naman talaga ang tao ngayon sa bahay. Pero mahirap na may pagkamulto pa naman ang Ulan na iyon, baka mamaya bigla na lang siyang umuwi. Idadahilan ko na lang na naglinis ako. HOHOHOHO!
Isa pa, bakit ba ayaw niya akong papasukin dito? May tinatago ba siya ditong babae kaya ayaw niya akong papasukin? Piling niya ba magagalit ako? Limot ko na kayang asawa ko siya. xD
Nakaramdam nanaman ako ng pag-iinit ng mukha ng maalala yung sinabi nito na magiging mag-asawa ba kami kung hindi namin mahal ang isa't-isa. Grabe! Kahit di ko kita ang sarili ko noon, alam kong nagmukha akong kamatis! Kyaaaaah~ kahiya!
Aalis na sana ako sa kwarto nito dahil wala namang bago dito pero nahagip ng mga mata ko ang isang picture frame kung saan nandon ang larawan naming apat nina Van at Zac. Magkakasama kaming apat don. Nasa pagitan namin ni Van ang mga ito habang nakaakbay sila samin. Si Zac kay Van at si Rain sakin. Ang lapad ng ngiti naming apat, tingin ko college na kami dito.
Pinilit kong alalahanin kung kelan kinunan ang litratong ito at kung saan, pamilyar kasi yung lugar.
"Sa Unknown University ito, diba?" tanong ko sa sarili.
Tumitig ako saming dalawa ni Rain. Ang lapad ng ngiti niya dito habang nakaakbay sakin, naka peace sign pa kaming dalawa. Hindi ko mapigilang kunin ang lirtrato naming iyon para makita ng malapitan.
Talaga bang si Rain yung kalapit ko? Bakit ang saya niya? Nasan na ang lalaking ito?
Nakaramdam nanaman ako ng inis dahil hanggang ngayon, kahit katiting wala akong maalala tungkol saming dalawa.
Bakit ba ito at si Sunny lang ang nakalimutan ko? Bakit sila pa?
Nagulat ako ng biglang may magbukas ng pintuan kaya naibagsak ko yung litrato namin.
"Anong ginagawa mo dito?!" Agad nitong nilapitan yung basag ng frame at kinuha iyon.
"S-sorry..."
"Diba sabi ko sayo huwag kang papasok dito?!" galit na sigaw nito.
Agad ko naman itong tinulungan sa pagdampot ng mga bubog.
"Ako na! Umalis ka dit--aww!"
"Ayan kasi." agad kong hinanap yung bulak at alcohol nito. Nangkukunin ko na ang kamay nito ay agad nito iyong iniwas. "Huwag ka na ngang maarte." hinila ko na iyon ulit.
"Bakit ka pumasok dito?"
"Maglilinis lang naman san--"
"Hindi naman madumi dito. Hindi ako kasing burara mo."
Kailan kaya siya magiging mabait sakin? =______=
"Tsk. Sorry na, okay? Sungit." nilagyan ko na ng band-aid ang sugat nito ng malinis at magamot ko.
"Umalis kana."
"Wala manlang thank you?"
"Sinira mo na nga itong frame magpapasalamat pa ako sayo?" pagsusungit nanaman niya.
Wala na lang akong sinabi at naglakad na palabas pero bigla akong may naalalang itanong dito kaya hinarap ko ito muli.
"Ahmm... Rain...?"
"Ano nanaman?" =_______=+++
"P-paano kita nakilala?"
Halatang hindi nito inasahan ang tanong ko dahil sa pagkagulat sa mukha nito.
"Binangga mo ang sasakyan ko." simpleng sagot nito.
"Hindi iyon ang tinutukoy ko. Bakit kilala ka rin ni Van at Zac? Bata pa lang ako kilala ko na si Van, si Zac naman nakilala ko nung elementary na kami pero ikaw... sino ka ba? Bakit malapit ka kay Van at Zac?"
"Kailangan mo pa bang malaman iyon?"
"Oo naman, gusto kong maalala ang lahat... gusto kitang makilala."
Tumingin ito don sa picture naming apat.
"Bakit pa? Kinalimutan mo na ako, diba?" malamig na sagot nito pero mababakas sa mga mata nito ang lungkot.
"Hindi ko ginusto iyon, Rain. Gusto kong bumalik dito hindi lang dahil gusto kong makasama si Sunny kundi dahil gusto ko ring maalala yung dating ako na nakalimutan ko na. Inaamin kong puro sarili ko lang ang iniisip ko pero nung sinabi mong minahal natin ang isa't-isa, naisip ko na hindi lang pala iyon ang kailangan kong alalahanin. Hindi lang pala ang sarili ko ang dapat ko matandaan kundi pati na rin ikaw at si Sunny. Pagkatapos naisip ko rin na ikaw ang kasagutan para makilala ko yung dating ako. Tulungan mo naman ako."
"Hindi kita matutulungan."
"Ha?! Bakit naman? Higit sa sino pa man, ikaw ang mas nakakakilala sakin dahil asawa mo ako! Ikaw ang mas nakakaalam kung sino ba ako noon! Yung ako na gusto kong maalala! Paanong hindi mo ako matutulungan?!"
"Dahil kinalimutan na kita, iniwan mo kami at ngayon sinasabi mo na nakalimutan mo na kami ni Sunny. Ikaw ang lumimot samin kaya ikaw rin ang tumulong sa sarili mong maalala kami, yun ay kung gusto mo nga talagang alalahanin pa kami! Tandaan mo, sanay na akong wala ka at para ka na lang multo sakin. Para sakin namatay na ang asawa ko kaya huwag ka ng aasa pa sakin. Huwag mo ring isumbat sakin ang pagmamahal na naramdaman ko sayo noon, hindi mo alam kung gaano ko pinagsisihang minahal ko ang isang katulad mo."
Agad kong pinahid ang mga luhang masaganang pumapatak sa mga mata ko.
Bakit ba ako umiiyak? Bakit ako nasasaktan sa mga sinasabi nito?
"S-sorry ah... a-ang gusto ko lang naman ay ang maalala ka."
BINABASA MO ANG
I'm a MAID?!!! (Completed)
RomanceMula sa pagiging Prinsesa ay napunta si Angela Bretaña sa pagiging isang katulong. Alamin kung paanong ang isang prinsesa ay nauwi sa pagiging alipin ng Mag-amang Rain at Sunny Buenavista! Magampanan nya kaya ang pagiging isang katulong kung ang sim...