►Kabanata Pangalawa

14.7K 330 16
                                    

Dedicated sa sis ko kasi wala lang, hahaha! Tinatamad akong magdahilan! Salamat nga pala sa mga new readers nitong bagong kong story! Sana subaybayan nyo hanggang sa matapos! Hohohohho!

Enjoy Reading! =)

-------------------------------------------------------------------------------------------------

►Pangalawang Kabanata

"NANAY!"

"Ice creeeammm~ hmmmm, daming iceee cream!"

"Naaaaaaaaaaay!" unti-unti akong napamulat. May nakita akong cute na ice cream tsaka gwapong anghel sa tabi nito.

"Hoy, gumising kana dyan, marami ka pang dapat gawin." napakurap-kurap ako ng ilang milyong beses dahil gusto kong magpaka-OA. Agad akong napabangon sa banig na kinahihigaan ko. Oo, banig! Gusto kong magpaawa sa mga readers kaya nagpipiling akong pinahiga nila ako sa banig kahit na ang totoo ay sobrang lambot nitong kamang tinutulugan ko. Dito na rin kasi ako nakatira sa bahay nung mag-amang umampon este umaalipin sakin. Kasama ito sa usapan, para daw hindi na ako mahirapang magpabalik-balik sa bahay namin tsaka sa bahay ng mag-amang salot na ito ay dito na lang nila ako pinatuloy! Grabe, hindi ko alam kung talaga bang ibinigay na ako ng Ama ko dito sa kanila o talaga ayaw na lang nya akong makita!

"Ano ba? Linggo naman ngayon ah! Pahinga naman, pwede?!" naiinis na reklamo ko habang tinatanggal yung muta ko sa mata. Nakakainis, panira ng panaginip itong mga bwiset na ito! Ayon na eh, nandoon na ako! Makakakain na sana ako ng ice cream eh, konting-konti na lang kaya lang umeksena itong maliit na duwendeng ito!

Halos dalawang linggo na rin pala akong nagpapaalila sa dalawang itey, nung lumipat kasi ako dito ng SAPILITAN ay tinanggalan din ako nung magaling kong Ama ng LUHO! Waaaah, impyerno! Luho ko ang kinondisyon nito para mapapayag nya akong magpaalipin sa dalawang ito, pumayag ako kasi akala ko madali lang maging ALIPIN pero nagkamali ako! MALING-MALI! T________T 

"Pero, magchichiimba po tayo neyon, Nanay." ^u^

"Ano?! Simba?! Nagpapatawa ka bang Araw ka? Mukha bang may pakielam ako sa pagsisim..." napatingin naman ako kay Mr.Sungit ng tumikhim ito sabay lipat ng tingin  sa paiyak nang mukha nung bwiset na TiyANAK nito! 

"Magbihis kana, ayaw kong mahuli sa church." pagkasabing yon nung lintek na Ulan na yon ay umalis na ito akay-akay yung anak nyang araw! Waaaaaaaaaaaaaaaah! Seryoso? Nananaginip pa rin ba ako? Ako, ang babaeng never pang nakatungtong sa simbahan ay basta-basta na lang aakayin nung mag-amang yon! Eh kung masunod ako don? Duh, hindi pa ako ready na mamatay! Marami pa akong hindi nasusubukan sa buhay ko!

NO WAY... AS IN, NO WAY, HIGH WAY! HINDING-HINDI AKO SASAMA SA DALAWANG YON SA SIMBAHAN!!!!!!! 

I'm a MAID?!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon