EPILOGUE

13K 309 33
                                    

—Rain’s POV—

“Nasan ako?”

Napabaling ako dito.

“Gela!” agad naman akong lumapit dito.

“Rain?”

“Buti naman gising kana, akala ko di kana gigising.”

Nakahinga ako ng maluwag dahil sawakas nagising na rin ito. Akala ko tuluyan na siyang mawawala sakin.

“Anong ibig mong sabihin? Nasan ako?”

“Sa hospital... nakalimutan mo na ba? Nahimatay ka dahil sa sobrang pagod.”

Hinayaan ko munang alalahanin nito ang mga nangyari, ilang saglit lang ay bumakas ang takot sa mukha nito.

“Si Sunny! Ang anak ko! Ang anak natin!” napangiti naman ako dahil sa sinabi nito.

Anak namin.

Pinigilan ko naman siya ng magtangka itong tumayo.

“Kumalma ka muna.”

“Kumalma? Paano ako kakalma?!”

“Relax ka muna, maraming nawalang dugo dito, akala namin wala ng pag-asa dahil hindi kayo magkaparehas ng blood type. Kailangan sa magulang nito manggagaling ang dugo pero—”

“P-pero… h-hindi ikaw…”

“Relax, okay na siya. Okay na si Sunny.” Nginitian ko ito para iassure siya na okay lang ang anak namin.

“Paano? Nasan siya, Rain?”

“NANAY!” napalingon naman kami sa pintuan.

“BABY!”

Napangiti naman ako dahil sa kacutean nito, yung ulo lang kasi nito ang nakalabas sa may pinto.

Tumingin naman sakin si Sunny para hingin ang hudyat ko. Tinanguhan ko naman siya.

“1… 2… 3!”

“Maligayang bati, maligayang bati… maligayang… maligayang…. Maligayang batiiiiii!” sabay na kanta namin habang lumalapit si Sunny. May dala-dala rin itong cake.

Nagtataka naming napalingon sakin si Gela. Sabin a nga ba nakalimutan nitong birthday niya.

“Happy Birthday, baby.” Dinampian ko ito ng halik sa labi.

“Paano? Si Sunny—”

May inabot akong envelope dito. Nagtatanong ang mga mata nito habang nakatingin sakin.

“Buksan mo.”

—Angela’s POV—

Blood Type Test Result

Yan ang nakasulat sa likod nung envelope.

Buglng bumilis ang tibok ng puso ko.

“Buksan mo.” Napatingin ako dito. Nginitian lang ako nito.

Unti-unti ko naman iyong binuksan.

Maraming nakalagay, name ni Sunny tsaka ni Rain at kung ano pa pero mas tumutok ako sa pinaka dulo.

…99.9% POSITIVE

Totoo ba to? Nagtatakang napatingin ulit ako kay Rain.

“Nawalan sila ng pag-asa, alam naman natin na hindi ako ang Tatay ni Sunny. Nanlumo rin ako ng sabihin ng Mama mo na hindi kayo magkaparehas ng blood type ni Sunny pero ng sabihin nung Doktor na AB+ si Sunny kahit papano nagkaron ako ng pag-asa. Tinest nila ako at nagpositive kaming dalawa. Pagkatapos non, nagpablood test agad ako para makasigurado. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ng magpositive kami. Anak ko din siya, Gela. Anak ko rin si Sunny.”

Agad ko itong niyakap.

“Anak NATIN siya.” 

====================================================

Thank you so much sa pagbabasa. <3 Sana nagustuhan nyo yung Ending. ^^

I'm a MAID?!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon