ΠKabanata Dalawampo't-apat

9.5K 220 4
                                    

--Rain's POV--

"A-anong sabi mo?" 

"Magdate tayo." ngiting-ngiti pa ito habang sinasabi yon.

Hindi ako makapaniwala, si Gela pa talaga to?

"Bakit ganyan ang mukha mo? Ayaw mo ba?"

"Hindi sa ayaw kaya lang diba sabi mo--"

"Gusto mo naman pala edi tara na!"

Bago pa man ako makapagsalita ulit ay hinila na ako nito papuntang sasakyan. Kakahatid lang naming kay Sunny, mukhang plinano talaga nito iyon bago ako tanunging makipag date. Nakakatuwa lang dahil ito pa ang nagyaya. xD

Ano naman kayang nakain nito, ang saya niya kasi.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ko.

"Kay Ate."

Natigilan naman ako.

"Bakit don?"

"Bakit hindi? Namimiss ko na siya."

Akala ko ba date naming to? Okay lang sana sakin kaya lang, bakit sa Ate pa nito? Sa Ate nito na sumira ng lahat.

*Sementeryo*

Nagsindi muna ito ng kandila at pinaltan yung mga lumang bulalak ng bago. Nanatili akong nakatayo habang ito ay umupo kalapit ng puntod ng Ate nito.

Noon, pumupunta ako dito para makapaglabas ng loob dito. Ngayon iba na ang nararamdaman ko, kung maaari nga ayoko na munang pumunta sa lugar na to. Ayoko kasing makaramdam ng sobrang galit at hindi ko iyon maiwasang maramdaman sa twing maaalala kong ito ang dahilan ng paghihirap ni Angela.

"Hi, Ate. Sorry kung madalang na lang akong makabisita sayo. Siguro nalulungkot ka dahil minsan lang kita mabisita." panimula nito.

Ayoko man pero naiinis ako sa kalungkutang meron sa boses nito. Nakakainis dahil nagugilty itong madalas na lang niyang mabisita ang Ate nito. 

"May gusto nga pala akong ipakilala sayo, Ate." bumilis ang tibok ng puso ko ng tumingin ito sakin. "Hindi ko na matandaan kung napakilala na kita sa kanya pero gusto kong malaman mo at maipakilala sayo ang isa sa pinakamahalagang lalaki sa buhay ko ngayon." titig na titig ito sakin. "Si Rain--asawa ko."

Nabingi ata ako, talaga bang sinabi niyang asawa niya ako?

Tinawag niya akong asawa?

"G-gela." muli itong ngumiti sakin. Yung ngiting matagal ko ng gusto ulit na makita sa kanya habang nakatingin sakin.

"Gusto lang kitang ipakilala sa A-ate ko."

I'm a MAID?!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon