ΠKabanata Dalawampo't-walo

8.9K 226 16
                                    

—Angela’s POV—

“Si Rain?” natigilan ako saglit pero agad ding nakarecover ng mapagbuksan ng pinto si Zandra.

Halos isang lingo na ang nakakalipas ng makapag usap kami ni Rain at tulad ng gusto nito kinabukasan din ay nangatulong ako sa kanya. Akala ko magiging mahirap pero nagpapasalamat ako na masyadong naging busy si Rain sa trabaho kaya naman madalas na wala ito sa bahay niya. Hindi katulad dati na dito ako nakatira, 8am to 5pm ang naging usapan naming schedule ko sa paglilinig, pagluluto ng umagahan, tanghalian at hapunan nito at pghuhugas ng pinggan. Maaga itong naalis at halos pahapon na nadating kaya naman saglit lang kaming nagkikita.

“Nasa kwarto niya, tulog pa ata. Pasok ka.” naiilang na sabi ko. Ngyaon lang kasi ito pumunta dito. Siguro sa ibang lugar sila nagkikita ni Rain kasi nakakailang nga naman kung nandito ito na girlfriend ni Rain at ako na soon-to-be ex wife niya.

“Salamat.” ngumiti ito at pumasok na, dumiretso naman ito sa itaas—siguro papunta sa kwarto ni Rain. Bigla naming parang gusto kong umiyak, siguro nga masyadong special kay Rain si Zandra kaya hinahayaan nitong pumasok ito sa kwarto niya ng ganon-ganon na lang.

Pagkalipas na ilang minute at bumaba na rin sila.

“Nakaandar na yung umagahan mo sa mesa. Marami iyon kaya kakasya sa inyong dalawa.” sinubukan kong itago ang nararamdaman kong selos.

Nakakainis bakit ba ako nagkakaganito? Tandaan mo, Angela, ikaw ang pumila niyan!

“Naku, hindi na kailangan, may baon akong almusal para saming dalawa. Kumain kana ba?” tanong ni Zandra.

“Ahh, oo, bago ako pumunta dito. Sige, maglilinis pa ako.” aalis n asana ako ng pigilan ako ni Rain.

“Siguradong hindi ka masyadong nakakain dahil kailangan mong pumunta dito ng maaga. Masarap magluto si Zandra, siguradong magugustuhan mo iyon.”

Anong gusto niyang palabasin? Panget ang lasa ng luto ko?!

“Okay lang ako—”

“Pumayag kana, Angela. Promise hindi mo pagsisisihang tikman ang luto ko.” nakangiting sabi nito. Mukha namang gusto lang ako nitong kilalanin.

“Hindi—”

“Tara na,” inakay na ako nito papuntang kusina.

Piling ko inaakay niya ako papunta sa sarili kong lubingan! >_____<

“Okay lang ba?” alanganing tanong ni Zandra ng makasubo ako ng niluto nitong pancit canton.

Ngumiti naman ako—totoong ngiti.  “Masarap siya!”

“Woah! Mabuti naman nagustuhan mo,” ngiting-ngiting sabi nito.

I'm a MAID?!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon