Hi! Salamat sa paghihintay.
Enjoy Reading! =)
========================================
►Panglabing-limang kabanata
Nagising si Rain dahil sa mainit na pagtama ng sikat ng araw sa mukha nito. Napahawak ito sa ulo dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi na niya namalayan na nakatulog na siya kagabi sa sobrang kalasingan.
“T-tatay…”
Agad tumayo si Rain sa pagkakahiga ng marinig ang boses ng anak. Nang mapagbuksan niya ito ng pinto ay ang umiiyak nitong mga mata ang bumungad sa kanya.
“Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?!” tarantang tanong nito.
“Chi Nanay… ala ti Nanay.” Sabi nito habang humihikbi.
Natigilan naman si Rain dahil sa sinabi nito. Wala si Gela?
“Batit ala chi Nanay?”
“Baka nasa kusina lang o sa banyo, huwag ka ng umiyak.” Pero sa halip na tumahan si Sunny ay lalo pa itong nagngangawa.
“Ala don Nanay… ala.” Umiling-iling pa ito habang nagpupunas ng mata. Agad naman itong kinarga ni Rain.
“B-babalik yon, akong bahala.” Sabi na lang nito sa anak para tumahan na ito kahit na ang totoo ay ayaw na niyang pabalikin pa si Gela.
Umalis ito kaya bakit pa niya pababalikin?!
—Angela’s POV—
“Kumain ka naman, Gela.” Nag-aalalang alok sakin ni Van.
“Hindi ako nagugutom.” Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagyakap sa mga tuhod ko. Magang-maga ang mga ko dahil sa pag-iyak. Wala ng pumapatak na luha sa mga mata ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Hindi ko matanggap ang mga nangyari sa buhay ko. Ang dami kong naiisip, ang dami kong gustong maalala pero kahit anong isip at pagpipilit ko… wala pa rin akong matandaan. Gusto kong magwala pero nanghihina ako.
Napatingin ako kay Van, galit ako sa kanya pero kahit papaano naiintindihan ko siya. Galit ako dahil nagawa niyang maglihim sakin, ilang taon akong nagmukhang ewan. Sa loob ng apat na taon ay naging malaking kasinungalingan lang ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
I'm a MAID?!!! (Completed)
RomanceMula sa pagiging Prinsesa ay napunta si Angela Bretaña sa pagiging isang katulong. Alamin kung paanong ang isang prinsesa ay nauwi sa pagiging alipin ng Mag-amang Rain at Sunny Buenavista! Magampanan nya kaya ang pagiging isang katulong kung ang sim...