○Kabanata Labing-isa

9.1K 232 6
                                    

Walang kasawaang Note! xD

Hello~! Salamat sa naghihintay, ito na, sabi na nga ba tamad lang ako magtype eh! HAHAHAHA! May-naiisip utak ko pero di ko kasi nita-type, katamaran! Pasensya na, muli, gusto kong magpasalamat s amga sumusunod na nilalang... Julia, Winx, Andy at Nicole! Hanggang ngayon nagbabasa pa rin sila, nakakatuwa! SALAMAT! ^^

Dedicated kay Marneli: Hello, bakla! Salamat sa pagbabasa! I miss you! *u*

Enjoy Reading! =)

===================================================

►Panglabing-isang Kabanata

"Sino ka ba talaga?" tanong kay Rain ng makauwi kami sa bahay nito galing sa sementeryo. Sa bahay na namin dumeretso ang mga magulang ko, si Sunny naman ay tulog na. Ito na ang pagkakataon kong malaman ang katotohanan. Siguro naman alam ng Ulan na ito kung ano ang nangyari sa Ate ko.

"Anong klaseng tanong yan?"

"Bakit kilala mo ang Ate ko? Bakit alam mo ang araw ng pagkamatay niya? Sino ka ba talaga... sino ka sa buhay ng pamilya ko?" Sunod-sunod na tanong ko dito.

"Ako ang partner ng Daddy mo." simpleng sagot nito.

"Sinungaling! Ang Ate ko... s-siya ba ang Nanay ni Sunny?"

Hindi ito nakaimik, parang may gusto itong sabihin na hindi niya masabi. Silent means YES, diba? Kung ganon ang Ate ko nga?

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nakaramdam ng inggit, kung ganon minahal niya ang Ate ko? Mahal ni Rain ang Ate Selena ko.

"Matutulog na ako." Paalam ko dito, hindi ko alam kung bakit bigla akong natamlay. Papasok na sana ako sa kwarto ko ng mapansin ang kwrato ni Sunny, magkatabi lang kasi ang kwarto namin.

Nagulat ako pagpasok dahil wala don si Sunny, magpapanic na sana ako pero hinanap ko na lang ito. Tiningnan ko siya sa banyo ng kwarto nito, wala siya. Sa banyo dito sa taas, wala din. Maging kwrato ni Rain pumasok na rin ako, pero wala siya, buti na lang nasa baba pa ang lalaking yon.

Sasabihin ko na sana kay Ulan na wala si Sunny sa kwarto nito, pero dinala ako ng mga paa ko sa kwarto ko. Pagkapasok ay mahimbing na pagtulog nito ang bumungad sakin, piling ko sa unang pagkakataon... ngayon lang ako naging ganito kakuntento, ang makita ang mahimbing na pagtulog nito ay sobrang nakakagaan sa pakiramdam.

I'm a MAID?!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon