○Kabanata Labing-siyam

9.1K 231 3
                                    


Hellooooooo! Alam kong binitin ko nanaman kayo sa last update kaya naman uunahan ko ng sabihing bibitinin ko ulit kayo dito. xD Malapit na kasi itong matapos, baka isumpa nyo ako sa mga mangyayari. Hahahahahaha! xD

Enjoy Reading! :)

=====================================

--Rain's POV--

Muli akong napamulat dahil hindi maalis sa isip kong ang mga sinabi ng babaeng yon.

"Gusto lang naman kitang makilala."

Para itong sirang plakang paulit-ulit sa isip ko.

Simula ng bumalik ito mas lalong naging komplikado ang lahat. Mas dumami ang mga tanong ko, nagsasawa na rin naman akong magtanong lalo na kung wala itong kasagutan.

Ang dami kong gustong itanong sa kanya, gusto kong tanggapin siya muli pero sa twing maaalala ko lahat ng sakit na ipinaramdam niya sakin natatalo non ang kagustuha kong patawarin ito.

"Isang malaking pagkakamali ang kasal natin, Rain."

Akala ko sawakas magkakaroon na ako ng matatawag kong pamilya--yung sariling akin. Nagkamali ako.

Kung nakalimot nga ito, mapalad siya. Sana ako na lang ang nawalan ng ala-ala. Ako lang naman kasi ang nasasaktan, diba? Ako lang ang nakakaramdam ng sakit dahil ako lang naman ang nagmahal saming dalawa.

Napatingin ako sa phone ko ng mapansing umiilaw iyon.

Van's calling...

"Bakit?"

Paniguradong nandito siya ngayon para sermonan ako dahil ako nanaman ang pinalabas na masama ng bestfriend nito. Kay Van nanaman ito lumapit. Tsk.

"Bumaba ka! Nandito ako sa labas ng bahay mo!"

"Umalis kana. Wala tayong dapat pag-usapan."

"Bababain mo ba ako o gigisingin ko lahat ng kapit-bahay mo?!"

"Tsk." Wala na akong magagawa, masyadong isip-bata ang bansot na ito kaya paniguradong mag-iiskandalo ito.

Isa pa, ayokong magising pa si Sunny. Paniguradong hahanapin nito si Angela at malalaman nitong hindi pa ito nakakauwi.

Marami akong dinahilan sa batang iyon para lang tigilan na akong kulitin kung nasaan ang Nanay nito. Tsk!

"Hindi ko pinalayas ang kaibigan mo! Nagkusa siyang umalis." Bungad ko dito na kasama pala si Zac.

Hindi nito pinansin ang sinabi ko, nagdire-diretso lang ito sa pagpasok hanggang sala.

"Gabi na kaya umuwi na kayo." taboy ko sa kanila. Wala akong pakielam kung kaibigan pa rin ang turing nila sakin. Iniwan nila ako noon para lang sa babaeng walang isang salita.

I'm a MAID?!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon