Peste! Pesteng luha yan! Argh, nakita ba nila? Nakakainis naman! Maghahalikan lang di pa pumuntang kwarto. Tsk.
“Akala ko ba may pupuntahan ka?”
Natigilan ako dahil sa boses na yon.
“Anong meron sa park?” lumapit ito sakin at umupo sa tabi ko.
“N..nagpapahangin lang ako.”
“Wala bang hangin sa bahay natin?”
Natin? Namin? Ano bang sinasabi nito. Nabibingi na ata ako.
BAKIT SIYA PUMUNTA DITO?!
Tiningnan ko yung phone ko. “Kailangan ko ng umalis.” Bago pa man ako makatayo’y mabilis na nitong hinawakan ang kamay ko. Para namang nakuryenteng inagaw ko iyon. “Ano ba, Rain! May kailangan akong puntahan!”
“Saan naman?”
“K-kay… sa… sa trabaho ko!”
Hindi nito alam kung san na kami nakatira ngayon kaya imposibleng malaman nitong nasa New York ang trabaho ko.
“Sa trabaho mo? Akala ko ba nasa new york ang trabaho mo? Isa pa, sa mga oras na to dapat nasa bahay ka dahil may usapan tayo.”
Paano niyang nalamang…
“Alam ko na ang lahat, kung anong trabaho mo, san kayo ngayon nakatira sa NY, saang school nag-aaral si Sunny. Kung umalis ka nanaman ulit, madali na saking sundan ka.”
Hindi makapaniwalang napatingin ako dito.
Nababaliw na ba siya?
“Ano bang ginagawa mo? Sundan… ako? Nababaliw kana ba? Magdidivorce na tayo!”
“Sino may sabi sayo?”
“M…may usapan tayo! Nangako kang peperma ka!”
“Sinabi ko lang yon para di ka umalis!”
Ano?! Nababaliw na nga to!
“Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Nababaliw kana ba? Hindi pwe—”
Niyakap ako nito.
Hindi ko na napigilang umiyak ulit.
“R-rain…”
“Please, dito kana lang.”
Mabilis akong umiling. “Hindi mo naiintindihan… h..hindi pwede…! Bakit? Bakit kailangan mong maging ganito kabait? Dapat magalit ka sakin! Iniwan kita… sinaktan kita… dapat magalit ka sakin…”
BINABASA MO ANG
I'm a MAID?!!! (Completed)
RomanceMula sa pagiging Prinsesa ay napunta si Angela Bretaña sa pagiging isang katulong. Alamin kung paanong ang isang prinsesa ay nauwi sa pagiging alipin ng Mag-amang Rain at Sunny Buenavista! Magampanan nya kaya ang pagiging isang katulong kung ang sim...