ΠKabanata Dalawampo't-isa

9.9K 239 10
                                    

Kyaaaaaaaaaah! Hi, sorry sa matagal na update! Thank you sa mga nagcomments sa last chapter, marami-rami rin pala nagbabasa nito! THANK YOU PO! Pero... YAH! Bakit ngayon lang kayo nagparamadam? Charut! Hahahahahaha! Sorry, writer's block kaya ngayon lang nakapag-update pero may nasimulan na ulit ako kaya sana naman mag tuloy-tuloy na ito! ^^

Dedicated dapat ito kay AllysaSandy kasi siya first comment sa last update ko kaya lang ayaw! Ewan ko kung bakit kaya yung next kabanata ko na lang dedicate sa kanya.. >____< Thank you sa lahat ng nagcomments! PM nyo lang ako kung gusto nyong magpadedicate dito! :)))

Enjoy Reading! :)

==========================================

—Angela’s POV—

Akala ko panaginip lang ang lahat pero ng magmulat ako ay tulog na mukha ni Rain ang bumungad sakin. Akmang tatayo na ako ng mapansin ang isang kamay nito na nakayakap sakin. >////<

Waaaaaaaaaaaah!!! Nakakailang! Ano bang natira ng lalaking ito at para siyang may tama? Tsaka bakit ditto siya natulog?! Dahan-dahan ko na lang inalis yung kamay nito, ayokong magising siya sa ganitong kalalagayan namin. Nakakahiya! Nang malapit ko ng tuluyang maalis ang kamay nito’y kumilos siya palapit pa lalo sakin at mas yumakap pa sakin kaya lalo akong nataranta.  

“H-hoy! Ba.. ba.. kit—”

“Good morning.” Sabi nito habang nakangiti pero nakapikit pa rin ang mga mata. Gising na siya? Hindi, hindi Gela. Joke lang yan! Waaaah. Nababaliw na talaga ako!

“A-ano bang nangyyayari sayong ulan ka?” di ko na natiis itanong. Imposibleng nagising na lang siya isang umaga na mabait na siya, hindi agarang nagiging tao ang halimaw! (“>3<)

Tinawag ko na rin siyang Ulan tulad ng tinatawag ko dito kapag nakatalikod siya sakin para mainis ito, hindi ako sanay sa anyo niyang tao!

“Nakalimot ka ba talaga?”

“Ha?” hindi iyon ang inexpect kong sasabihin niya kaya naguluhan ako.

“Ulan din kasi ang tawag mo sakin noon. Sabi mo bagay lang sakin ang pangalan ko dahil parang palaging binuhusan ng ulan ang mukha ko kaya nakasimangot palagi. Ikaw ang nagpangalan sa anak natin ng Sunny, kasi sabi mo kapag nagkaanak tayo siguradong magmamana sayo kaya magiging masayahin ito tapos since sayo na niya makukuha ang ugali niya itutulad mo na lang sa pangalan ko para hindi ako magtampo pero hindi bagay sa kanya ang Thunder kaya Sunny na lang dahil masayahin nga siya. Naalala mo ba? Tama ka, nagging masayahin nga si Sunny.”

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot, siguro dahil hindi ko iyon maalala. Kung ganon ako pala ang nagpangalan kay Sunny? Hindi ko maiwasang maipangiti.

“A-ano pa?” nahihiyang tanong ko dito. Natutuwa ako na willing na siyang tulungan akong makaalala.

“Ano pa bang gusto mong malaman?”

“Paano tayo nagkakilala? Kasi kasundo kana nina Van at Zac… nalilito ako dahil… hindi kita kilala.”

I'm a MAID?!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon