Hello, salamat sa paghihintay! Happy 1k reads/views nga pala! Thank you ng marami! <3
Enjoy Reading! :)
========================================
“Hindi ba masarap?” bumalik ako sa katinuan dahil sa tanong ni Rain.
“Masarap.”
“Bakit di ka kumakain?”
“Kumakain kaya ako!” tinuon ko na lang ulit ang sarili sa pagkain.
“Masama ba pakiramdam mo?”
“Okay lang ako.”
“Sigurado ka?”
“Diba may usapan tayo?”
“Nag-aalala lang naman. Tsk. Bahala ka na nga! Kumain ka na nga lang!” pagsusungit nito.
Lihim naman akong napangiti dhil don. Hindi kasi talaga ako sanay na sweet o nag-aalala ito kaya nakiusap ako sa kanya na huwag itong aaktong ganon sakin.
“Onga pala, wala ka bang pasok?” takang tanong ko kasi ng makabalik ako dito sa bahay pagkahatid kay Sunny sa school ay nandito pa rin ito.
“Bawal ba akong magpahinga?” halatang pinasungit lang nito ang boses.
“Dapat ang isasagot mo sakin, ‘Wala kang pakielam, ikaw ba nagswesweldo sakin?’ o kaya di mo na lang ako sinagot.”
“Bakit ko naman gagawin yon?!” sa pagkakataong ito totoo ng naiinis siya.
“Dahil ganon ka sakin.” Simpleng sagot ko tapos tumutok na ako sa pagkain.
Ang totoo sinusubukan ko lang din kung hanggang saan ang haba ng pasensiya nito. Isa pa gusto ko ring malaman niya kung gaano siya nakakainis noon. Tsk.
“Pwede ba, kalimutan mo na lang yon? Nagawa ko lang naman yon dahil,” natigilan ito.
“Dahil?” hindi ako nito sinagot. “Dahil galit ka sakin, diba? Bakit? Dahil ba sa nagawa ko sayo noon? Ano bang ginawa ko? Ha?”
“Kalimutan mo na iyon.” Pag-iwas NANAMAN nito.
Naiinis talaga ako sa twing sinasabi nito na kalimutan ko na lang... na huwag ko ng pilitin ang sariling alalahanin ang lahat. Mas gjnugusto ko tuloy na makaalala dahil ramdam kong may nililihim ito.
"Kung ganon, para mo na ring sinabing kalimutan ko ng mahalin ka... ulit." natigilan ito.
"A-ano?"
"Yung dating ako na gusto mong kalimutan ko ang nagmahal sayo noon. Pano kita mamahalin kung ayaw mo na yong ipaalala sakin?"
"Bakit hindi ba pwedeng mahalin ako nung ikaw ngayon?"
BINABASA MO ANG
I'm a MAID?!!! (Completed)
RomanceMula sa pagiging Prinsesa ay napunta si Angela Bretaña sa pagiging isang katulong. Alamin kung paanong ang isang prinsesa ay nauwi sa pagiging alipin ng Mag-amang Rain at Sunny Buenavista! Magampanan nya kaya ang pagiging isang katulong kung ang sim...