Hi, happy 10k reads/views po dito! :D Thank you sa lahat ng readers ko dito! Waaaaaaah! Di ko akalaing susubaybayan nyo ito dahil puro kalokohan lang ata ang pinagsusulat ko dito, hahahaha! xD
Yung mababasa nyong 'ASDFGHJKL' ang ibig sabihin po niyan ay 'bad words'. Hindi ba sabi ko babawi ako sa kabanata na ito? Ito na! As in ito na talaga! Hahahahahaha! Goodluck. :)
Enjoy Reading! :)
===========================================
(Paalala lang: Yung eksena po dito ay yung kasunod nung part after na makausap ni Rain si Van. Baka kasi malito kayo kung bakit ganito yung mga eksena dito. xD)
—Zac’s POV—
“R-rain.” nagulat ako dahil ito bumungad sakin pagbukas ko ng pinto.
“Kilangang ko ng kausap.” simpleng sabi nito, niluwagan ko naman ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ito .
Kilala ko ito, nilapitan niya ako dahil merong gumugulo sa utak nito ngayon at mukhang mabigat iyon dahil matagal na nung huli siyang lumapit sakin para may makausap ito. Simula kasi nung samahan namin si Angela dahil nga nawala ang ilang mga ala-ala nito ay hindi na ako nito pinansin.
“Anong problema?” paninimulang tanong nito. Napansin kong namumula ito, mukhang nakainom pa ang loko.
Kinabahan ako dahil sa nakitang galit sa mga mata nito, para bang handa siyang pumatay ng tao ngayon. Hindi ko napansin ang mga mata nito kanina dahil nakayuko ito pero ngayon malapitan ko na siyang nakikita.
“Gusto kong pumatay.”
“A-ano?”
Nagulat ako ng magsimulang pumatak ang mga luha nito. Para bang kanina pa niya iyon pinipigalingan hindi tumulo.
“G-gusto kong pumatay…. hindi ko na alam…sobrang sakit, parang sasabog na yung puso ko sa sobrang sakit. Ang hirap huminga… gusto kong pumatay… gusto kong mamatay… gusto kong maalis ang sakit pero kailangan kong mabuhay…” pinapahid nito ang mga luha nito pero patuloy lang ang mga iyon sa pagpatak. Nakatingala na ito pero wala pa rin itong tigil sa pag-iyak.
“Anong bang problema?!” lalo akong kinabahan dahil sa mga sinasabi nito. Seryosong-seryoso ito ngayon. Punong-puno siya ng galit, hindi ko maintindihan, pero yung reaksyon niya… ganong-ganun din ang reaksyon ni Van noon… hindi, mas malala pa ito… mas matindi ang galit nito. Ito rin ang unang pagkakataong nakita ko siyang umiyak, hindi lang dahil nasasaktan siya kundi dahil na rin sa galit… sobrang galit.
BINABASA MO ANG
I'm a MAID?!!! (Completed)
RomanceMula sa pagiging Prinsesa ay napunta si Angela Bretaña sa pagiging isang katulong. Alamin kung paanong ang isang prinsesa ay nauwi sa pagiging alipin ng Mag-amang Rain at Sunny Buenavista! Magampanan nya kaya ang pagiging isang katulong kung ang sim...