○Kabanata Labing-anim

9.1K 237 10
                                    

Salamat sa paghihintay, salamat sa mga naglalagay nito sa RL nila, salamat sa mga new readers at sa mga nagfollow sakin!

Enjoy Reading! =)

=========================================

►Panglabing-anim na kabanata

“Pupunta ami ay Nanay! Pupunta ami ay Nanay! Uuwi ni Tatay chi Nanay! Uuwi na chi Nanay!” Maligalig na pagkanta ni Sunny habang nasa sasakyan sila ni Rain.

Wala na sanang balak si Rain na iuwi pa ang babaeng yon kaya lang hindi natigil sa pag-ikay si Sunny at nag-aalala na siya para dito. Dalawang araw na ang nakakalipas ng umalis si Angela sa bahay, hindi niya alam kung nasaan ito at hindi rin siya gumagawa ng paraan para mahanap ito. Sa nakalipas na araw na yon ay naging matamlay si Sunny, kapag nasa trabaho ako ay ang Lola nito ang nag-aalaga dito (Nanay ni Angela), kapag umuuwi ako ay bihira lang ako nitong pansinin. Hindi ako sanay na binabalewala ng sariling Anak.

Kagabi nagpasya na akong hanapin ito at sakto namang tatanungin ko na si Van tungkol kay Angela ay tumawag ito sakin para ipaalam na nandon ito sa bahay nila ni Zack.

Si Van at Zack ang dahilan kung paano ko nakilala si Van. Bestfriend ko si Zack at bestfriend din nito si Van kaya naging malapit ako sa barkadahan nila. Sa mga nangyari samin ni Angela, sa ginawa niya samin ni Sunny, hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya pa ang mas kinampihan ng dalawang yon. Naiintindihan kong asawa ni Zack si Van kaya mas sinuportahan niya ito pero si Van, parang kapatid na rin ang naging turing ko sa kanya, alam ko ring kahit na may pagkabaliw ito ay alam niya ang tama. Pero ng magkahiwalay kami ni Angela ay mas kinampihan niya pa ito kesa sakin, tinulungan nila ito at sinamahan sa kasinungalingan.

—Gela’s POV—

“Gela?” Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Van sakin, hanggang ngayon nagmumukmok pa rin ako. Hindi ko akalaing magiging madram ako. Kaloka sa kalog kong ito at sa sobrang baliw kong ito hindi ko akalaing magagawa kong umiyak ng ganito. T___T

“G-gela, papasok na ako.” Bago pa niya sabihin yon ay nakapasok na siya. Tsk.

“Bakit?” Cold na tanong ko sa kanya. Ang totoo pinipigilan ko lang ang sarili kong yakapin ito. Namimiss ko na ang presensiya nito. Nung nagkasagutan kasi kami ay hindi na ako nito kinulit pa.

“N-nasa baba si Rain.” Bigla itong umiwas ng tingin sakin.

Agad akong napabangon. “A-ANO?!!!” Huwag niya sabihing pinasundo niya ako sa lalaking yon?!

“Kasama din niya si Sunny.” Dagdag pa nito, bigla naman akong natigilan.

I'm a MAID?!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon