►Kabanata Pangwalo

9.9K 254 8
                                    

Hindi ko alam kung bakit dito lang ako sinisipag mag-update, dahil ba n aka ON-HOLD?! xDD Siguro mga 20Chapters lang ito, hohoho!

Pinag-iisipan ko pa kung mamimigay ako ng Soft Copies nito, buti na lang nung naisipan kong pag-iisipan ko yon, nasa kabanata walo pa lang ako, medyo matagal pa namang guman a utak ko, kaya matatagal din pagdedesisyon! Haha! Dedicated nga pala sa kanya dahil isa siya sa mga active reader dito! Hi, Girlaluuu, salamat sa pagbabasa!

Salamat din sa pito kong Readers dito... JudithMaquiling, NicoleGrata, ArianSoliveres, COMPACshuttdlers, Winx08, Riel1723 at NicoleDeniseNLaygan, dahil sa kanila patuloy ko pa ring itong pinagpapatuloy! Sila lang kialal ko dahil sila lang nam an ang mga pala comments. Salamat sa suporta! =)

Enjoy Reading! =)

==================================================

►Pangwalong Kabanata

“Ayoko na, Daddy!” bungad ko saking Ama ng pumasok ako sa Office nito. Tiningnan lang niya ako saglit pagkatapos ay tumingin na ulit sa hawak nitong mga papel.

“Hindi pwede.”

“Pero, Dad! Pagod na pagod na ako, para akong working student na wala namang sweldo!”

Isang buwan n a ang nakakalipas pero suko na talaga ako. hindi ko inasahang mararanasan ko ang ganitong klase ng pang-aalipin. Palaging kailangan kong maagang magising para sa pag-aandar ng Umagahan taglay na rin yung maluto naming ni Sunny para sa tanghalian. Pagka-uwi ko naman galling school hindi pa rin ako n akakapagpahinga dahil kailangan kong maglinis at maghugas, kailangan ko ring magluto para sa hapunan. Paulit-ulit nag anon at ganon na lang ang nangyayari, idagdag pa yung mga pangmamaliit sakin ng Ulan na yon! Sinong hindi susuko?!

“Ikaw ang pumasok sa gulong yan, sawang-sawa na akong tulungan ka. Isa pa, wala kang ibang choice dahil wala ka namang pangbayad kay Rain.” Sabi nito na hindi pa rin natingin sakin.”

“Fine! Babayaran ko ang lalaking yon sa sarili kong pera kung yon ang gusto niya, magtra-trabaho ako pero huwag sa kanya! Huwag lang sa lalaking yon!”

Sawakas ay tumingin na ulit ito sakin. “Alam mo ba kung magkano yung sasakyang sinira mo?”

“100k o mas mababa pa! Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sakin samantalang napakamura naman  nung sasakyan niya, eh kayang-kayang nga nyang bumili ng ganong sasakyang kahit isang daan pa! Tapos halatang luma na naman yung sasakyan niya!” inis na bulyaw ko. Totoo n aman  kasi yung sinasabi ko, mahilig ako sa sasakyan kaya alam ko kung anong klase yung sasakyan niya.

“Hindi lang ito tungkol sa pera, Angela, isang napakahalagang bagay ang sinira mo para sa batang yon. Ipinamana pa yon sa kanya ng namayapa niyang Nanay, ilang taong iningatan ng batang yon ang sasakyan niya, ang nag-iisang bagay na magpapaala-ala sa kanya sa Nanay niya. Pero sa isang iglap lang, sinira mo ito.”

I'm a MAID?!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon