ΠKabanata Dalawampo't-pito

8.7K 210 8
                                    

Sawakas nahanap ko na rin yung notebook ko na may epilogue na nito! Natype ko na itong Kabanata27 at iniisip ko pa kung itatype ko na rin yung hanggap last chap. at kung ipupublish ko na rin ngayon, may mga nabago dahil sa Kab26 na ginawa ko, iba kasi yung sinulat ko sa notebook sa inupdate ko. Kaloka. Sala,at sa paghihintay. Comment na lang sa gustong magpadedicate.

Enjoy Reading! :)

======================================

—Van’s POV—

“G-gela?!”

Para akong nakakita ng multo habang nakatingin dito.

“Hi.” alanganing ngumiti ito.

“Nakabalik kana?!”

“Hindi ka pa rin nagbabago, ang shunga mo pa ring magtanong. Malamang, nasa haraman mo nga ako ngayon, diba?”

“Heh! Malaki atraso mo sakin! Lumayas ka!”

“Di pa ako nakakapasok.” pinigilan ko ang sariling yakapin ito. “Okay, sorry na.” sabi nito ng mapansing seryoso ako.

“Sorry, sorry ka diyan!” nagpuppy eyes ang bruha sakin. Wag kang papaloko sa babaeng iyan, Vanessa. “Tuloy.” lumawak ang pagkakangiti nito. Pasaway na katawan. =________=

Niyakap ako nito. “Salamat, Van!”

“Gaga ka! Pasalamat ka mahal kita kundi kinalbo na kita!”

“Sorry na nga at mahal din kita.”

“Oo na,” humiwalay na ako dito. “Halika na sa loob.” dumiretso kami sa sala.

“Walang masyadong nagbago.” tukoy nito sa bahay namin.

Napangiti naman ako ng mapagmasdan ito. “Gumaganda ka ata.”

“Matagal na akong maganda!”

“Yumabang na! Pero seryoso, parang may nagbago sayo. Bakit nagmukhang tao kana?”

Halatang nagmatured na siya, hindi lang sa pangangatawan, mukhang pati ang buong pagkatao nito.

“Mama!” napabaling kami sa anak ko.

“Mama?” tumingin ito sakin. “Sino siya?”

“Si Sophia, anak ko.” kinalong ko ito.

“Anak mo?!”

Siguro nagtataka ito dahil dalawang taon lang itong nawala pero ang laki na ni Sophia.

I'm a MAID?!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon