ΠKabanata Dalawampo't-lima

8.7K 192 2
                                    

MAHALAGA: Gusto ko lang ipaalam na ito yung dating Kabanata Dalawampo't lima, may dinagdag po akong mga scenes dito kasi napansin ko na maiksi lang yung kabanta na ito. Sa mga nakabasa na sa kabanta na ito, don na lang kayo magsimula sa "AFTER 2MONTHS" don kasi nagstrat yung mga bagong scenes na nilagay ko. Salamat.

Enjoy Reading :)

========================================

—Van's POV—

"Rain? Oh, kamusta? Himala naliga--"

"Nandito ba ang mag-ina ko?"

"Ano?" nabingi ata ako.

Hinahanap nito si Gela at Sunny?!

"Pakiusap, Van, sabihin mo sakin na nandito sila."

Gusto kong isiping ginugoodtime lang ako nito pero sobrang lungkot ng mukha nito mababakas din don ang takot.

"Wala sila dito."

"Please... Vanessa..."

"Rain," hindi ko alam kug ano ang dapat sabihin, punong-puno ang mata nito ng pagsusumamo. "Wala talaga sila dito." niluwagan ko naman ang pagkakabukas ng pinto. "Pumasok ka muna."

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Baka naman may pinuntahan lang sina Gela? Imposibleng umalis ito ng hindi nagsasabi sakin. Isa pa, san naman ito pwedeng pumunta?!

"Hindi kaya nakakaalala na siya?!" nakaramdaman ako ng takot. Huwag naman sana.

Imposible pero iyon na lang ang nakikitang kong dahilan para magawa nitong iwan si Rain at isama si Sunny.

Tiningnan naman ako nito ng may pagdududa.

"Maniwala ka sakin wala talaga akong alam kung nasan sila. Baka naman may pinuntahan lang? Tinanong mo na ba kena Tito at Tita kung nasan sila?!" sinusubukan kong magpakakalmado pero sa totoo lang gusto ko ng sumabog sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.

"Wala din silang alam." mas lalo itong nalungkot.

"Baka may pinuntahan lang?"

May inabot itong sulat...

"Thank you for everything. Sorry and goobye."

Nababaliw na ba ang babaeng yon?!

"Sinama niya si Sunny."

"S-si Sunny?" nag-aalalang napatingin ako dito. Nakaramdam din ako ng kaba sa pwedeng mangyari dito.

Halos buong buhay nito binigay niya kay Sunny. Naging matatag ito para dito. Natatakot ako sa pwedwng maisip ni Rain tungkol sa sarili, mahal na mahal nito ang pamilya niya kaya naman sinusubukan niya maging matatag para sa kanila. Pero ngayon... my gosh, Angela! Ano nanaman bang iniisip mo!

I'm a MAID?!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon