►Kabanata Una

19K 385 18
                                    

Akala ko makakayanan kong hindi mag-AN ! Dedicated ito sa Chix ko kasi hindi ko pwedeng Idedicate sa sarili ko! xD

Enjoy Reading! =)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

►Unang Kabanata

"Nanay, ito pa oh!" tiningnan ko ng masama yung Tiyanak na nag-aabot sakin ng isa pang plato. Kahit nabwi-bwiset ay pinigil ko na lang ang sarili kong masapak ito. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa paghuhugas ng pinggan! Sa nakalipas na isang linggo ay kahit papaano naman ay natututo na ako sa mga gawaing bahay. Pero syempre kahit papaano lang yon!

*Crack* (Tunog yan ng may nabasag! xD)

Napatingin naman sakin itong Tiyanak na ang sarap ihulog sa bangkong pinagtutungtungan nito. Kapag kasi naghuhugas ako ng pinggan ay tinutulungan nya ako, ito yung taga abot sakin ng hugasin.

"Ano? Bakit nakatingin ka?! Aba, hindi ko kasalanang madulas yung sabon!" inis na sabi ko kahit na wala naman talaga pa syang sinasabi o reklamo dahil nakabasag nanaman ako ng isang pinggan.

Sa halip na umiyak tulad ng dati dahil sa sinabi ko ay tiningnan lang ako nito ng inosente tapos bumungisngis. Dati kasi nung mga unang araw ng pagiging alipin ko ay umiiyak ito kapag pinagsasabihan ko o sinisigawan ko sya pero ngayon mukhang nasanay na ito.

"Sorry, Nanay." nakangiti sabi nito, nawala naman yung inis ko dahil sa Kacute-an ng Tiyanak na ito.

Unang-una sa lahat hindi ko sya anak! Tss. Ewan ko ba kung  bakit ako nito tinatawag na NANAY! 

*Phone ring...*

Agad kong kinuha yung phone ko sa bulsa nitong Apron na suot ko.

"BAKLAAAAAAAAAAAAA! Oh, my Gosh! Nabalitaan ko yung nangyari! ALIPIN KANA NGAYON?!" bungad ni Vanessa sakin. Bestfriend ko.

"Tss. Chismosa ka rin talaga, noh?"

"So, totoo nga?!" kahit hindi ko ito kita kasi nga magkatawagan lang kami, naiimagine ko na ang paglaki ng mga mata nitong magatagl ng malaki!

"Oo nga, sino ba nagsabi sayo? Bakla ka, huwag kang maingay na nag-aalipin ako ngayon!"

"Oh, my gulay! Ikaw, Angela Brateña, 19 yrs old, nag-aaral sa Unknown University, SINGLE, mayaman, maarte, walang kwenta ang buhay, at higit sa lahat sakit sa ulo ng mga magulang nya ay isa na lang ALIPIN ngayon?! Bakla, bakit? Itinakwil ka na ba ng pamilya mo?!"

I'm a MAID?!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon