○Kabanata Labing-pito

9.2K 246 4
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwalang naka ON-HOLD ito pero nag-update pa rin ako! Hahahahaha! Sorry, may pagka autistic lang talaga ako, sinisipag ako kapag naka ON-HOLD mga stories ko. xD 

Hi nga pala kay Julia Lerdon na nagpaalala saking isa nga pala akong Writter sa Watty na kailangang mag-update! Mianhe kung matagal! >____<v Hi din sa mga bagong readers na naglalagay nitong story kong ito sa RL nila! Pati na rin sa mga masisipag na naghihintay, nagcocomments at nagvo-vote! SALAMAT! <3

Enjoy Reading! =)

=========================================

►Panglabing-pitong Kabanata

"Ngayong alam mo ng anak mo si Sunny, kahit Nanay ka nga ng Anak ko wala kang obligasyon sa kanya. Hindi mo na siya pag-aari o kung ano pa man, apat na taon kang wala sa buhay niya at hindi naman niya ikinamatay yon. Wala kang karapatan sa kanya dahil unang-una sa lahat ikaw mismo ang umayaw sa bata."

Napakunot noo ako dahil sa sinasabi nito. 

Nandito kami ngayon sa bahay ng mga magulang ko dahil dito na dumiretso si Rain pagkaalis namin kena Van.  Buti na lang nandito sina Mama at Papa kaya sila ang kasama ngayon ni Sunny. Gusto akong makausap ni Rain ng private kaya nandito kami ngayon sa kwarto ko.

Nawala yung kaba at pagkailang ko dahil sa presensya nito sa kwarto ko pero napaltan naman iyon ng inis. Balak niya bang ilayo ilayo si Sunny sakin?! Kaya niya ba ako gustong makausap ng sarilinan dahil alam nitong hindi papayag ang Anak ko!

"W-walang karapatan? Kailan pa nawalan karapatan ang isang Ina sa kanyang Anak?!" Hindi makapaniwalang tanong ko dito. 

"Sa oras na iwanan niya ito." makahulugang sagot nito. Natamik naman ako saglit dahil don.

"Hindi ko siya iniwan." Siguradong sagot ko. 

Alam kong sinasabi ng lahat na iniwan ko si Sunny. Kung nakalimot man ako, alam ko sa sarili kong hindi ko magagawang mang-iwan ng isang inosenteng sanggol! Baka nilayo talaga nila sakin ang Anak ko at iyon ang aalamin ko.

"Hanggang ngayon ba ididiin mo pa rin yan, wala kang maalala, diba? Hindi pa rin ako naniniwala sa mga pagkukunwari mo pero kung nagkaamnesia ka nga paano mo nasabing hindi mo iniwan ang Anak ko?!"

"Wala nga akong maalala pero hindi ibig sabihin iniwan ko nga ang Anak ko tulad ng iginigiit nyo sakin!"

"Anak mo? Anak mo, ha?! Huwag mong tawaging Anak ang Anak ko!" Mababakas ang galit sa mukha nito. Kahit na natatakot na ako dito ay hindi ako nagpatinag.

I'm a MAID?!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon