○Kabanata Labing-apat

8.7K 251 13
                                    

Oh-em! Nakakatuwa talaga! Sawakas nakagawa na ulit ako dito ng update! Magbunyi! Salamat po sa pangungulit na mag-update na ako dito! Merry Christmas and Happy New nga pala salahat!

Papasko ko nga pala ito kay Julia Lerdon! Salamat sa araw-araw na pagtatanong kung may-update na ako dito! Hahahaha! Hindi ako nakukulitan... promise! Natutuwa pa nga ako dahil sayo eh! Salamat talaga! Salamat din sa mga patuloy na nag-aabangan ng update ko dito! =)

Enjoy Reading! =)

============================================

►Panglabing-apat na kabanata

“Ano bang nangyayari, Van?! Hindi ko siya maintindihan!” bungad ko dito na makarating kami sa bahay nito.

“Kung ano-ano sinasabi niya na hindi ko maintindihan! Amnesia? Bakit ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Ate Selena?!”

“Kumalma ka nga lang, Gel.”

“Kumalma?! Pagkatapos akong pagbintangan ng Ulan na yon, kumalma?! Naiintindihina mo ba sinasabi ko, Van?! Nasaktana ko sa mga pinagsasasabi niya sakin! Wala siyang karapa—”

“Ikaw ang Nanay ni Sunny.” Kulang ang sabihing nagulat para ipaliwanang ang pagkabigla ko.

“A-ano?”

“Sorry, Gel.”

“Nagbibiro ka lang, diba?” Alanganin ko itong tinginan. Kinabahan ako dahil seryoso ang mukha nito pero mababakas din don ang sobrang kalungkutan.

Kilala ko ito, bata pa lang magkakilala na kami. Ngayon ko lang nakita ang ganitong reaksyon sa kanya. Sobrang kalungkutan… halo-halo ang emosyon nito ngayon.

“I-imposible… pa-paano? Kilala mo ako, Van! Yung mga mata ni Rain, punong-puno siya ng galit sakin. Isa pa, si Sunny…”

Hindi ko gustong maniwala sa mga sinasabi nito. Gusto kong paniwalain ang sarili kong gino-goodtime lang ako nito pero hindi ko magawa.

Kilala ko siya kaya alam kong hindi niya magagawang gawing biro ang mga bagay na ganito.

I'm a MAID?!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon