ΠKabanata Dalawampo

9.4K 267 24
                                    

Hiiiii! Emegesh, sawakas nakaabot na rin ako sa kabanata na ito!

Enjoy Reading! =)

=========================================

—Van’s POV—

Tatlong araw na ang nakalipas simula ng umalis si Gela dito sa bahay, ang sabi nito sumama lang ang loob niya kay Rain pero okay na siya.  Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Zac ay naisip ko na tama ito na karapatan malaman ni Rain ang nangyari kay Gela noon.

“Bakit mo ako pinapunta dito?” iritang tanong agad nito.

Sanay na ako sa pagiging masungit nito, dati na naman kasi siyang ganyan. Parang palaging galit sa mundo, siguro dahil nabuhay itong mag-isa. Si Angela ang nagbigay ng kulay sa mundo nito noon.

Hindi ko na lang pinansin ang pagsusungit nito.

“Umupo ka, marami akong kailangan sabihin sayo.”

“May trabaho pa ako.”

“Sandali lang ito, Rain. Naalala mo pa ba ang lugar na ito? Marami tayong magagandang ala-ala dito, pati na rin si Zac at Gel—”

“Kung wala kang trabaho at may panahong alalahanin ang lahat, pwes ako wala.”

Nagsimula na itong maglakad palayo sakin.

“Hindi mo anak si Sunny.”

Agad naman itong natigilan at bumalik palapit sakin.

“Anong sinasabi mo? Nababaliw ka na ba?!”

“Mukhang interesado kana sa mga gusto kong sabihin.”

“Huwag mo akong pinaglolo-loko, Van! Putcha! Huwag mong idadamay dito ang anak ko! Huwag mong gamitin si Sunny para lang mapatawad ko si Gela! Kahit anong sabihin mo hinding-hindi ko na mapapatawad yang kaibigan mo!”

“Hindi ko kailangang idahilan si Sunny para tuluyan mo ng mapatawad si Gela!” Kung galit ito, mas galit ako!

Nagpabalik-balik muna ito sa harapan ko bago tuluyang umupo sa tabi ko.

“30 minutes.”

“Mukhang tama si Zac, mahal mo pa si Angela.” Agad naman niya akong tiningnan ng masama, hindi ko maiwasang mapangiti.

“Wala akong panahong makipagbiruan sayo, Van.”

“Huwag kang magalit, ang totoo gusto ko munang siguraduhing hindi pa rin nawawala ang pagmamahal mo sa bestfriend ko, kahit na iniwan ka niya noon.  Gusto kong makita ko at mapatunayan ko mismo sa sarili na mahal mo pa nga siya bago ko sabihin sayo ang dahilan kung bakit ka niya iniwan.”

“Alam mo?”

“Bestfriend niya ako, Zac. Pero hindi ko rin naman agad nalaman kung ano nga ba ang nangyayari sa kanya noon. Hindi ko siya kinampihan noon dahil lang bestfriend ko siya. Naalala mo ba nung tinanong kita kung bakit ang selfish mo? Naging makasarili ka dahil hindi mo inalam ang lahat. Nilamon ka ng galit at binulag nito."

“Diretsuhin mo na lang ako.”

“Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat. Pero simulan na lang natin kung sino nga ba si Angela.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Anak lang sya sa labas, hindi na lingid sayo na arrange married lang ang nangyari sa mga magulang nito. May ibang mahal si Tito Mic, ang tunay na Nanay ni Angela ay ang dati nilang katulong. Hanggang ngayon natatandaan ko pa ang lungkot at sakit sa mga mata nito habang sinasabi ang mga salitang ‘Ang kapal ng mukha kong mangmata ng mga katulong pero ako pala mismo ay kauri nila’, sobra siyang  nasaktan noon dahil hindi niya matanggap na anak lamang siya sa labas, na hindi siya anak ng tinuring niyang Nanay.”

“B-bakit hindi niya sinabi sakin?!”

“Dahil nahihiya daw siya, alam mo naman kung gaano kababa sa paningin nito ng mga katulong. Nahihiya siya dahil iniisip nito na ganon din siya dahil ganon ang tunay niyang Nanay.”

“Yun lang? Nahihiya siya kaya nilihim na lang niya sakin? Asawa niya ako Van!”

“Sasabihin na dapat niya sayo kaya lang,”

“Kaya lang?”

"Inisip niya, hindi, pinalabas ni Ate Selena na siya talaga ang mahal mo at hindi si Gela.”

“Ano?!”

“Si Ate Selena ang unang nakadiskubre na anak lamang sa labas si Angela. Galit na galit ito dahil naaawa ito kay Tita Lyn, galit na galit ito sa Tatay niya at sa tunay na Nanay ni Angela. Patay na ang tunay na Nanay ni Gela, pumunta ito sa bahay ng mga Bretana para kahit saglit man lang ay makapiling nito ang anak. Si Ate Selena ang naabutan nito sa bahay pero sa halip na tanggapin ay pinagtabuyan nito ito. Napuno siya ng galit at kay Gela niya inibuntol ang lahat. Araw-araw pinapamukha nito na anak lamang si Gela sa labas, na wala itong karapatan sa pamilya nila. Pero hindi lang don natapos ang lahat, unti-unti rin pala nito kayong sinira. Sinabi nito na matagal ka na niyang mahal at inagaw ka ni Angela sa kanya, huli na ng malaman ko ang lahat, huli na ng sabihin niya sakin ang lahat. Kilala natin siya Rain, mahal na mahal nito ang Ate niya kaya ayaw niyang magmukha itong masama satin lalo na sa mga magulang nila. Lahat iyon kinimkim niya para sa Ate Selena niya pero hindi pa ito nakuntento sa pagpapahirap kay Gela… hanggang sa…” hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaiyak.

Nakakainis dahil wala itong kapaguran. Ilang beses ko nang iniiyak ang lahat pero sa twing maaalala ko ang paghihirap na dinanas nito, hindi ko mapigilang maiyak sa galit.

 “Hanggang sa ano, Van? Anong nangyari sa kanya noon?!”

—Angela’s POV—

Nagising ako dahil sa naramdamang kamay na yumayakap sakin galing sa likuran ko. Agad ko naman itong hinarap.

“R-rain?! Anong ginagawa mo dito?!”

Waaaaah! Nananaginip ba ako?!  Bakit siya nandito sa kwarto ko?! Sa kama ko?! At bakit niya ako yakap?!  >//////<

“Ssshhh…”

Lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sakin. Kinulong ako nito sa mga bisig nito kaya hindi ko na makita ang mukha niya.

Panaginip nga lang itoooo!!!!

“R-rain.. anong ginagawa mo dit—”

“Ssshhh, hayaan mo lang ako, Angel.”

Angel?

Bakit parang pamilyar?

Piling ko narinig ko na iyon dati.

“Magiging pamilya ulit tayo. Ikaw, ako at si Sunny.”

“H-ha?”

Naguguluhan ako, kaninang umaga lang ay ang sungit nito pero ngayon nag-iba na siya. Maging yung paraan ng pagsasalita nito ay nag-iba na rin, hindi na iyon galit. May lambing na ito ngayon.

“Gusto mo dibang bumawi kay Sunny?”

Tumango naman ako.

“Pumapayag na akong bumawi ka saknya kahit habang buhay pa. Sa isang kondisyon,”

“Ha? Ano?”

“Mahalin mo ako.”

Anudaaaaaw?! O____O

“Handa akong gawin ang lahat, kung gusto mong suyuin kita ulit gagawin ko. Madali lang naman akong mahalin, tuturuan kita kung gusto mo. Ang totoo wala ka naman talagang kawala sakin dahil kasal na tayo at wala na rin akong balak pang ipawalang bisa ang kasal natin. Ayaw ko lang pilitin kang mahalin ako kaya tuturuan na lang kitang gawin iyon.

Emegesh!!!! Nababaliw na ata ako kaya nag-iilusyon ako kahit gising!!! 

=========================================

Exited na ako sa susunod na Kabanata! Kayo din ba?! Hahahahaha!

I'm a MAID?!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon