PAALALA: Sa Kabanata Dalawampo't-lima, may dinagdag ako sa chapter na iyon kaya sa mga di pa iyon nababasa makikibalikan po! :) Update ulit! Tulad ng sinabi ko, tapos na ito pero nawala yung notebook na pinagsulatan ko kaya naman nahihirapan akong alalahanin kung ano yung mga nangyari. Kaloka. Si Zandra at Rain sa tabi.
Enjoy Reading! :)
=======================================
[Pagkalipas ng dalawang taon]
“Surprise, Ma!”
“Anak! Akala ko bukas pa ang uwi niyo?! Welcome home!” hinalikan ako nito sa pisngi.
“Excited na si Sunny umuwi kaya nagdesisyon akong ngayon na umuwi.”
“Mukhang napagod sa byahe si Sunny.” ngiting-ngiti ito habang nakatingin kay Sunny na mahimbing na natutulog sa mga bisig ko.
“Hindi, mas napagod siya sa kakasabi na excited na siyang umuwi dito.” napatawa ako nang maalala kung gaano ito kasaya ng sabihin kong papasiyalan namin ang Lolo nito.
Hindi ko na iniisip pang bumalik ng Pilipinas. Masaya na ako sa ibang bansa, sa New York, masaya na kami ni Sunny pero dahil sa kondisyon ng puso ng Tatay ko kailangang kami ang bumisita dito.
“Ihiga mo na muna si Sunny sa kwarto mo.” inalok nitong bumatin di Sunny pero sinabi ko na masyado itong mabigat, isa pa baka magising ito.
Napatingin ako sa buong bahay namin, wala pa ring nagbabago, maganda pa rin dito at halataang pang mayaman. Ibang-iba sa bahay namin sa NY, simple lang kasi ang pinili kong bahay don pero ramdam kong sakin ang bahay na iyon… samin ng anak ko.
“Halika na sa taas.”
“Opo. Nasan nga pala ang Papa?”
“Nagpapahinga sa kwarto niya, katatapos lang ng operation, okay na siya pero pinatulog muna ito para makapagpahinga. Maya-maya lang ay magiging na ito, siguradong magiging masaya iyon paggising dahil sawakas umuwi na kayo.”
Unti-unti kong nilapag si Sunny sa dati kong kama.
“Ang laki na niya.”
“Oo nga po,” nakangiting tiningnan ko si Sunny.
“Masaya akong okay kana, anak.” napatingin ako dito. Hinawakan ako nito sapisngi na para bang sinasabi nito na sobrang proud siya sakin dahil napalaki ko ng maayos ang anak ko.
“Nakapagpasalamat na po ba ako sayo?”
“Ilang milyong beses na.”
“Salamat ulit.”
Niyakap ako nito.
BINABASA MO ANG
I'm a MAID?!!! (Completed)
RomanceMula sa pagiging Prinsesa ay napunta si Angela Bretaña sa pagiging isang katulong. Alamin kung paanong ang isang prinsesa ay nauwi sa pagiging alipin ng Mag-amang Rain at Sunny Buenavista! Magampanan nya kaya ang pagiging isang katulong kung ang sim...