Chapter 41: Date Trip-Couple Shirt
[ G-Dragon's POV ]
Nakakainis naman 'tong mga babaeng to. Lapit ng lapit!
"Sir ito oh. Bagay sayo tong V-neck." -Malanding sabi sakin ng babaeng nagbebenta. Napa-iling nalang ako tyaka nilagpasan sila.
Lahat sila inaalok ako pero wala ni isa akong nagustuhan. Hindi ko nga din alam kung bakit ako nandito. Kung ano ang gagawin ko dito. Tch.
Mula ng umalis si Sandara, nagsilapitan naman na 'tong mga babaeng to. Sabagay, hindi nakakapagtaka. Sa gwapo kung to? Malamang sa malamang, lalapit talaga sila. *grin.
"Sir, wanna try this?" -Sinimulan na naman akong landiin ng isang babae. Kakausapin ko sana siya na lumayo-layo saakin ng biglang may nahagip yung mata ko.
Isang couple shirt.
Wala sa sariling lumapit ako doon. Napansin naman ako ng matandang nagbebenta dito.
"Oh Hijo, bibili ka?" -Tanong niya saakin.
"Ah, yes please. Pwede bang tignan yan?" -Sabi ko tyaka tinuro yung couple shirt.
"Ah, yan. Swerte mo Hijo may natira pa." -Sabi niya.
"Po? Anong ibig niyong sabihin?" -Tanong ko habang kinikilatis tong T-shirt. Maganda siya, malambot ang tela. Simple lang yung design eh. Nakasulat, 'His Property' tapos yung isa 'Her Property'. Couple shirt nga eh. Tapos yung ginamit nilang letrang 'O' ay heart shape.
Dati nacocornihan ako dito. Pero hindi ko alam kung ano yung nagtulak sakin para bilhin siya. Tch. Nababaliw na ata ako.
Aalis na sana ako ng biglang nagsalita yung matandang nagbebenta.
"Hijo, dapat yung pagbibigyan mo niyan, yung totoong mahal mo ha." -Napakunot ako ng noo.
"Ano?" -Pero ngumiti lang siya.
"Sa taong mahal mo. Kasi, kung kanino mo yan ibibigay, siya ang makakatuluyan mo." -Muntik na akong matawa sa sinabi niya.
"Ano 'to? Magical T-Shirt?" -Natatawa kong sabi. Ano ba kasing pinagsasasabi niya? Ang weird ng mga tao dito ha.
"Hijo, hindi basta-bastang Couple Shirt yan. Alam mo ba, lahat ng bumibili ng ganito samin, kapag bumalik, mag-asawa na sila." -Paliwanag niya.
"So?" -Sabi ko na para bang naghihintay sa susunod niyang sasabihin.
"Teka Hijo, hindi mo ba alam ang istorya ng bundok na 'to?" -Takang tanong niya sakin. Mas lalo pa tuloy lumalim yung kunot ng noo ko. Tinawanan naman niya ako doon. "Hijo, Love Mountain ito. Lahat ng mga couples na nagpupunta dito, nagkakatuluyan." -Eh?
Nakatitig lang ako sakanya. Ok, nagets ko kung ano yung sinabi niya. Ang hindi ko lang makuha, does mountain like that really exist? Ang weird ha.
Di nagtagal, nagpaalam nalang ako at umalis.
"Love mountain? Ps."
***
"Tagal naman ng babaeng yun!" -Inis kong binato yung cellphone ko sa likod. Napakatagal! San na ba nagsususuot yung babaeng yun? Baka naman nawala na? Tch!
Agad kong kinuha yung phone ko at tinawagan siya. Pero nagulat nalang ako ng may nag ring sa likod ko.
Ay lintik! Naiwan niya yung cellphone niya! Tch! Tanga talaga!
Binaba ko muna yung bintana ko para makalanghap ng preskong hangin.
Wala sa isip kong titigil kami. Ang balak ko, derederetso sana kami sa pag-byahe para mabilis makarating sa resort nila ninang pero anong nangyari? Isang oras na ata kaming na stop over.
BINABASA MO ANG
Mr. Pain-in-the-ass(COMPLETED)
FanfictionSanDara and G-Dragon's life is living like in heaven. ( For them ) Can buy what they like, get what they desire and do what ever the hell they want. But then, their so-called-enjoy-happy-lucky-blessed-normal life was changed as they bumped into eac...