FOURTY THREE: Ugly Bad Guys

609 20 0
                                    

Chapter 43: Ugly Bad Guys



Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at lumabas ako sa loob ng sasakyan tyaka pumunta sa harap ni GD. Pagkatapos, pumustura ako na tulad ng isang boxer na handa ng makipag-laban.

Bahala na. Panigurado naman kasi na hindi niya kaya silang lahat. Sampu kaya sila! Tas ilan sakanila matatangkad at yung iba medyo mataba pa. Oh diba! Di lumpo na siya pagkatapos!

"Hoyy! Anong ginagawa mo?!" -Usap niya sakin na medyo irita.

Alam mo yung nakakainis? Yun yung tutulungan mo na nga siya pero siya pa yung may ganang mainis. Nakakairita din siya!

"Ano pa?! Edi tutulungan kita! As if naman na kaya mo tong mga to no!" -Usap ko din sakanya tas tumingin ako sa mga bad guys na to.

Geez! Hindi lang pala sila bad guys. Ugly guys pa.

Napahakbang ako paurong ng nagsitawanan sila.

"Tch. Tumabi ka na. Kaya ko sila." -Cool niya lang na sagot sa sinabi ko. Hinila pa nga niya ako papunta sa likod niya eh. Yan tuloy, mas lumakas pa yung tawa nila!

"Haha! Mga tol, marinig niyo ba yung sinabi ng ugok na to?" -Maangas na tanong ni isa sakanila.

"Huh! Maangas ka ha. Tignan natin ang galing mo." -Sabi naman ng nasa gitna nila. Yung may hawak ng tubo? Yun! Siguro siya ang leader.

"Huh!" -Maangas din na ngisi ni GD. "Sinong mas ugok sating dalawa?" -Tanong niya dito na may halong pang-aasar. Napatampal nalang ako sa noo ko.

"Ano ba?! Wag mo na silang galitin!" -Sermon ko sakanya. "May panahon para sa pag-mamayabang Mr. Kwon!"

"Tch." -Ngisi ulit niya. "Wag ka ngang matakot. Oo alam kong pangit sila pero hindi mo kaylangang mag-panic." -Cool na naman niyang sabi sakin.

Ok. Mukhang may balak na nga siyang magpakamatay! Kung gusto rin naman pala niyang kitilin yung buhay niya, 'bat di pa niya sinabi sakin?! Kating-kati pa naman akong bugbugin siya!

"Hoyy! Magdahan-dahan ka sa pananalita mo ha!" -Sigaw ng isa na naman na kasama niya.

"Tol! Hindi pwede 'to. Mukhang kaylangan na natin silang turuan ng leksyon." -Madiing sabi ng isa. Napalunok naman kami doon.

Bakit nila kami tuturuan ng leksyon?! Teacher ba sila? Ang dilim kaya dito! Hindi kami makakabasa! Aist! Ok. Walley na! *pout

"Hm. Sige." -Sabi ulit ni GD. Waa! Wala na! Mababawasan na naman ang magaganda ngayong gabi! Goodbye Phillipines! Goodbye world!

Agad-agad na tumakbo papalapit yung dalawa na nasa harapan. Ako naman, napalaki yung mata ko kaya agad kung kinuha yung cellphone ko at nag-dial. Alam kong walang signal pero wala naman mawawala kung susubukan ko diba? Atleast may chance pa na maburol kami ng maayos. *crying emoticon.

May narinig akong bumagsak ng pagkalakas-lakas kaya lumingon ako agad-agad. At laking gulat ko ng apat agad sakanila ang tumba na.

"G-GD." -Hindi ko makapaniwalang bulong. Tinaas ni GD yung ulo niya tyaka ako binigyan ng ngiti. Ayy mali, ngisi pala. Dahan-dahan akong napatakip sa bibig ko dahil sa nakikita ko ngayon. Paano niya napatumba ang apat na to ng ganun kabilis?

Akmang lalapit na siya sakin pero sumigaw ako. "GD! Sa likod mo!" -Agad-agad siyang lumingon pero huli na. Nasuntok na yung mukha niya.

"Sh*t!" -He cussed again. At dahil nga madilim at tanging sa kinaroroonan ko lang may ilaw --ilaw ng sasakyan ni GD-- hindi niya iyon nakita.

"Ji!" -Sigaw ko at agad-agad tumakbo papunta sakanya. Napahiga kasi siya sa lakas ng suntok. "Hoyy! Bakit mo yun ginawa?!" -Tanga na kung tanga pero sinigaw ko talaga yan sa ugly bad guys yan. "Ayos ka lang?" -Tanong ko naman kay GD tyaka marahang pinunasan yung dugong nasa gilid ng labi niya. "GD, d-dugo."

Mr. Pain-in-the-ass(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon