THiRTY THREE: Feelings

660 18 0
                                    

Chapter 33: Feelings

Napakatalim pa rin ng tingin ko kay GD habang nakikipag-usap sa babaeng nasa front desk ng restaurant na to. Hindi pala siya nakikipag-usap, nakikipag-landian! Aba!

Yung babae todo pa-cute naman! Ateng, your so obvious! Mukhang siya pa nga yung may pinakamataas na posisyon dito! Malandi!

Napatingin sa gawi ko si Great Dork at inirapan ko lang siya. Ito na naman! Sinisira na naman niya yung araw ko! Lagi nalang! Tch!

Di nagtagal at bumalik na siya. At alam mo kung ano yung nakakainis? Yun yung prente lang siyang umupo sa harap ko na parang hindi umuusok yung ilong ko.

Ito yung isa sa pinaka-ayaw ko sakanya! --though, halos lahat ayaw ko naman talaga sakanya-- Yung mga galaw niyang WALANG PAKIALAM. Gustong-gusto ko talaga siyang pagsasampalin eh! Kung pwede lang!

"Anong binubusangot mo dyan?" -Napatingin ulit ako sa Great Dork na to ng nagsalita siya.

"Ano?!" -Mataray kong tanong habang nakataas kilay.

"Tch" -Natatawa niyang sabi sabay iling-iling. "Ganyan ka pala magselos?" -Sabi niya sakin habang nakangisi. Napalaki naman ang mata ko ng wala sa oras dahil sa sinabi niya.

"A-ano?! A-ang kapal mo ha!" -Agad kong sagot. Ako? Magseselos?! Para saan naman?! Kanino?! At sino?! Duh!

"Sus!" -Sabi niya na halatang-halatang hindi naniniwala. "Defensive." -Pa-cool niyang sagot sa sinabi ko.

"Anong defensive?! Ang kapal mo talaga Great Dork!" -Inis kong sagot. Nanghuhusga eh! "Kahit kailan hindi ako magseselos! At kanino naman? Sayo? Sakanya?!" -Sabi ko sabay turo sa babaeng kinausap niya kanina. Ni hindi ko namalayan na nakuha ko na naman yung atensyon ng ilang sa mga costumers nila. Pati yung babaeng yun. Pero wala akong pake! "Huh! No way!" -Sabi ko sabay iling-iling. Ni wala nga yan sa kalingkingan ko eh!

"Ok." -Kibit balikat niyang sagot habang naka-ngiwi. Hindi siya naniniwala!

"Ikaw!" -Sabi ko sakanya sabay turo. "Tigil-tigilan mo ko! Wag mo kong igaya sa kanila!" -Hindi ko alam pero nasabi ko nalang iyon. Nakakainis kasi siya! Halatang iniisip niya na nagseselos ako! Hindi naman!

Tinignan ko siya ng sobrang sama sabay inirapan. Siya naman,tinitigan lang ako with his famous-poker-face look.

'Ang cute nilang couple!'

'Oo nga'

'Sana ganyan din kami'

'Truths! Ang cute pa ng boy!'

'Badboy type'

'at gusto ko yun'

Wala sa sarili akong napalingon sa nanggalingan ng bulungan. At mula sa kumpulang babae, isa isa ko silang tinignan ng masama tyaka inirapan.

Mga tsismosa! Mga panget!

Ugh! Bwisit! Napapa-away tuloy ako ng wala sa oras dahil kay GD! Tch!

Ilang minuto na ang lumipas at tuluyan ng nangibabaw ang katahimikan. I mean, no one among us dare to speak.

Naka-cross lang yung dalawa kong braso sa harap ng dibdib ko habang nakasandal ako sa upuan. Pasulyap-sulyap lang sakanya sabay irap. Nakakairita yang itsura niya habang nagtetext. Makangiti wagas! Malamang may nilalandi na naman! 'Malandi talaga! Playboy!'

Nang hindi na ako nakatagal sa itsura niya, sinipa ko siya mula sa ilalim ng mesa.

"What the fuck!" -Mura niya tyaka tinignan ako ng sobrang sama. "Problema mo?!" -Inis niyang tanong tyaka tinignan yung sinipa ko at pinagpag ito. Akala mo naman madumi yung paa ko!

Mr. Pain-in-the-ass(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon