Chapter 36: Staff toy[ Sandara's POV ]
"Yung lalaking yun! Saang lupalop na naman kaya siya nang landi?!" -Inis kong tanong sa sarili ko. Kanina pa siya umalis pero hindi pa siya bumabalik. Kanina pa niya ako iniwan. Tch!
Naubos ko na nga yung inorder niya pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Hayy grabe talaga! Sa susunod hindi na ako sasama sakanya! Ito ba yung date?! Ito?! Tch! Halatang wala siyang experience bwisit!
Ilang minuto pa kong nag-hintay at dumating din ang playboy na to.
"Aba. Buti naman at naisip mo pa akong balikan?" -Pilisopo kong tanong. Kating-kati na 'kong umuwi ano!
Oo alam kong pwede naman akong umuwi ng mag-isa pero duh! Commute? Really? No way!
"H-huh? Ano.. May pinuntahan lang ako." -Palusot niya. Pinaningkitan ko naman siya ng mata. Halata naman na nagpapalusot lang siya. Tignan mo nga yang itsura niya oh, pinagpapawisan! Parang natatae! Eh ang lamig lamig dito sa loob. Sus! Mga pakulo niya! Walang effect!
"Ganoon ba?" -Sabi ko na kunwari ay naniniwala. "Sige. Kung wala ka ng pupuntahan, pwede bang iuwi mo na 'ko?"
"Sige." -Agad niyang sagot. See? Siguro may nakilala siya kanina at kinuha niya yung number nito. Tapos may date sila ngayon. Hayy. Kaylan ba mag-babago ang fiançe ko? Tch!
Nagtataka ba kayo sa sinabi ko? Well, wala naman kasi akong choice at wala din siyang choice. Wether we like it or we like it, meaning we don't have any choice. KAMI. Magkakaroon ng salitang 'KAMI' sa ayaw at sa ayaw namin. Oo,halata naman na ayaw namin ang isa't-isa diba? Pero ngayon... Parang iba na.
Hindi ko naman sinasabi na may gusto ako sakanya! A-ano.. M-medyo lang... Hehe.
Hindi ko alam pero ang lakas-lakas kasi ng hatak niya sa babae. Na maging ako nagawa niyang magkaroon ng gusto sakanya.
Pero alam kong mali ito. Mali nga ba? Kasi alam ko naman na sa bandang huli, ako rin ang iiyak. Ako rin ang talo.
Playboy siya remember? At nasubukan ko na ring mag-mahal ng playboy noon. Siya yun first and last boyfiend ko.
Alam ko na noon na playboy siya, pero dahil mahal ko siya, tinanggap ko siya.
Akala ko kasi, kaya ko siyang baguhin. Kaya ko siyang itulak para magmahal ng isa. Ang mahalin ako. Ako at wala ng iba.
Pero sabi nga nila, PLAYBOY WILL ALWAYS BE A PLAYBOY.
Kaya naman sa bandang huli, ako yung umiyak. Talagang FIRST WHO FALL WILL BE THE LOSER. At ako na naman ulit iyon.
Masyado kasi akong umasa sa mga bagay na malabong mangyari. Akala ko lahat ng bagay kaya kong gawin, hindi pala.
Sobra akong nasaktan ng nalaman ko na itinuturing lang pala niya akong isa sa mga koleksyon niya. He's my first crush. My first boyfriend. My first love. Pero anong ginawa niya? Nagtanim lang siya ng sakit na puso ko na tuluyan ng bumaon.
At heto. Heto na naman yung isang pagkakamali na nag-aabang sakin. Na kahit alam mong mali, hindi mo ito malabanan dahil puso na ang nagdikta. Hinding-hindi.
Tahimik lang kaming pareho sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam pero nalulungkot ako ngayon. Mas mabigat pa 'tong nararamdaman ko kaysa doon sa hindi ko pagkakuha ng Mickey Mouse na yon sa Tom's World. Nakakainis! Naalala ko na naman! Tch!
"Anong oras tayo bukas?" -Basag niya sa katahimikan. Nakita ko rin na napalingon siya sakin dahil sa repleksyon niya sa bintana. Pero hindi ako gumalaw at nanatiling nakadungaw lang sa labas.
BINABASA MO ANG
Mr. Pain-in-the-ass(COMPLETED)
Fiksi PenggemarSanDara and G-Dragon's life is living like in heaven. ( For them ) Can buy what they like, get what they desire and do what ever the hell they want. But then, their so-called-enjoy-happy-lucky-blessed-normal life was changed as they bumped into eac...