TWEENTY NiNE: His words

672 23 0
                                    

Chapter 29: His words

"Ok class, dismiss." -Sabi ni Prof saamin. Nakahinga naman daw ako ng maluwag doon. Sa dami-dami ng sinabi niya, yun lang ang nagustuhan ko. Kulang na nga lang mabingi ako sa katahimikan namin eh. Mukhang terror siya kasi walang imik yung mga maiingay kong classmate.

Napansin ko kasi na sa tuwing ito yung subject namin, tikom ang mga bibig nila. Syempre sila lang. Hindi naman ako maingay ano. Likas sa mga magaganda ang pagiging tahimik. *Wild grin.

But anyway! Bakit ba natin prino-problema yun? Ang mahalaga, uwian na at makakapagpahinga----- *ring *ring *ring.

Natigil ako sa pagmomonologue sa isip ko ng biglang tumunog yung cellphone ko. At laking gulat ko nalang ng nakita kong tunatawag si Luther. 'Patay! May usapan nga pala kami kagabi! Tanga!' -Sermon ko sa sarili ko.

Ok. Ok. Hindi ako tinuruan ng magulang ko para maging bastos kaya sa ayaw ko man o sa ayaw--meaning I don't have any choice!-- eh, sasagutin ko 'tong tawag niya.

[Asan ka na?] -Bungad nitong tanong saakin. Ni hindi ko pa nga nabubuka yong bibig ko para magsalita, sumagot na siya agad. Wow ha.

"Nasa school pa din. Asan ka na ba?" -Balik kong tanong.

[Sa parking lot ng school niyo.] -Sagot naman niya.

"Ah. Sige, hintayin mo nalang ako."

[Hm~] -Sambit nito na para bang nakangiti mula sa kabilang linya. [See you then, I'm wearing a white V neck shirt... You know, in case...] -Pagpapa-alala niya.

I chuckled. "Makikilala kita wag kang mag-alala."

[Sure? Wag ka. Baka pagsisihan mo yang sinasabi mo.] -Napakunot naman ako sa sinabi niya.

"What do you mean?" -Hindi ko maiwasang hindi magtanong.

[Naa. Basta, naka-white. Seeyah.] -Pagtatapos niya sa usapan namin. Wala naman na akong nagawa dahil pinatay niya ito kaagad.

"Hindi ka pa rin nagbago." -Sambit ko nalang habang umiiling-iling.

Tahimik akong naglalakad sa corridor ng school. Pangiti-ngiti sa mga taong bumabati saakin kahit hindi ko kilala.

Ano na kayang balita sa Elite Web? Mula kasi ng na-suspend si TaeYeon, hindi na ako bumisita doon. Tyaka wala na din kasi akong pakealam sakanila. Isipin nalang nila ang gusto nilang isipin. Basta sa away namin ni TaeYeon, ako ang nanalo. AKO!

Tulad nga ng sabi ko, tahimik lang akong naglalakad sa corridor ng biglang may humila sakin papunta sa gilid.

"Hoyy! Ano ba?!" -Panic kong sabi. This past few days kasi, nakakaramdam ako ng matatalim na tingin ng mga babae sa school. Siguro mga fans ng mga galonggong (GG). "Bitawan mo nga--GD?!" -Put*! Shit! Hindi ko tuloy maiwasang mapamura dahil sa takot! Letche 'to! Nakakagulat ha! "Ano ba?! Bakit?!" -Inis kong tanong dito. Hindi na nga ata INIS eh, galit na. GALIT!

"And where the hell are you going?" -Poker faced na tanong niya sakin. Napa-awang naman yung bibig ko sa inasta niya.

As in? Yun na yon? Kulang-kulang beast mode na nga ako dito tapos siya, chill chill lang? Aba! Hanep! Iba siya!

"Ano? Tititigan mo nalang ako dito magdamag?" -At mas napaawang pa yung bibig ko sa dagdag niyamg tanong.

"Pwede ba.." -Nagtitimpi kong babala. "Bitawan mo nga ako."

"NO." -Agad at matigas nitong sagot sakin.

"NO?!" -Hindi ko makapaniwalang ulit sa sinabi niya. "Ano bang problema mo ha?!" -Ngayon hindi ko na maiwasang hindi magtaas ng boses. "Ano na naman ba?!"

Mr. Pain-in-the-ass(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon