FOURTY: Date Trip-Anklet

624 18 0
                                    


Chapter 40: Date Trip-Anklet

"Hindi niyo ba alam na delikado yung ginagawa niyo ha? Hindi niyo ba naisip na pwede kayong mahulog doon?!" -Sermon saamin ng isa sa mga officer nila dito.

"S-sorry po Sir. Balak naman na po talaga namin umalis kanina, na ano lang kami.. Ano.. " -Hindi ko masabi yung rason. Ano nga ba kasi yung rason at na-stack kami sa ganoon posisyon kanina? Diba, diba? Sandara, naiisip mo ba kung ano yung rason na yun?! Tch!

"Hayy." -Malalim na buntong hininga ng pulis. "Sige na. Pasensya na kayo kung napagalitan ko kayo. Wag niyo ng uulitin yun ha?" -Tumango nalang ako. Si GD naman nakatingin lang sa pulis. Tinging angas? Ganoon!

"Salamat Mr. Officer. Sorry ulit." -Sabi ko sabay bow pa. Nadinig ko naman na napa-TCH si Ji. Hayy! Ang sama talagang ugali niya!

"Oh sha-sha. Ang mabuti pa, puwesto nalang kayo doon at ako nalang ang kukuha ng letrato niyong dalawa." -Pareho kaming natigilan ni Ji sa sinabi ng mamang pulis.

"Po?" -Takang tanong ko.

"Sige na. Diba torista kayo dito? Sabi nila, malas daw sa couples kapag hindi nakapag-picture sa blue beach namin." -Blue beach? Malas? Couples?!

Bago pa ko naka-angal sa pinagsasasabi ng officer na to, naramdaman ko nalang na nahatak na ako ni GD palapit sakanya.

"Ayan. Perfect! Sige, One, two, three." -Ngumiti nalang ako agad-agad. Kahit hindi pa tapos mag-process sa utak ko yung sinabi niya, kaylangan maganda ako doon. Isang shot lang eh.

"Thank you." -Agad akong napalingon kay GD ng nag-thank you siya sa Officer. Weh? Anyare?

"Your welcome sir." -Sabi naman 'nun tyaka nakipag-shakehands. "For sure kayo na ang magkakatuluyan. Bagay na bagay din po kayo." -Namula naman ako sa pinagsasasabi niya. First time ko yung marinig ha! "Tyaka Ma'am, Sir. Pwede po kayong pumunta sa dulo, may mga remembrance po kaming naka-stand by doon. Pwede po kayong bumili kung gusto niyo." -Sabi niya sabay turo sa dulo ng tulay. Nakita naman namin yung mga tao na nagkukumpulan. Siguro bumibili sila.

Nakapila kasi yung mga nagbebenta sa gilid ng kalsada. Medyo malayo naman iyon kaya hindi nakakadulot ng traffic. Mukhang pasadya nga iyong nagawa eh, may upuan din kasi sa gilid gilid niya.

"Sure officer. Thank you ulit." -Nabalik ang atensyon ko sa dalawa ng nagsalita ulit si GD.

Hala? Anong meron at todo thank you siya sa officer na to? Eh kanina nga lang mukhang banas siya eh!

"Tara." -Aya niya sakin tyaka hinawakan yung kamay ko papasok sa sasakyan. Ayy! Anobeyy! Wag kang ganyan GD. Kenekeleg ako!!!!

Tch! Para tuloy akong bumalik sa pagiging teenager. Tch!

Mabilis kaming nakarating doon dahil hindi naman na kami kalayuan kanina. Aayain ko na sana siyang umalis dahil nakagawa kami ng konting --konti lang naman-- eksena na nakakahiya pero parang may balak ata talaga siyang mamili.

Lumabas siya sa sasakyan niya na hindi nagsasalita. Ako naman, pinanood ko lang siya na maglakad papunta doon. Pero ng naramdaman niya na hindi ako lumabas, lumingon siya sakin at lumapit. Hindi ko tuloy alam kong naiinis siya o galit dahil nakashades siya. Naman! Hindi ko mabasa yung facial expression niya!

Kumatok siya sa bintana kaya naman binaba ko ito. "Bakit?" -Pasimple kong tanong. "May nakalimutan ka ba?" -Tanong ko tyaka ngumiti ng konti.

Pero alam mo kung ano ginawa niya? Tinaasan niya lang ako ng kilay! Aba! Ang lupit!

"Bumaba ka na dyan." -Utos niya. Napa-TCH nalang ako at padabog na lumabas. Syempre nagsuot muna ako ng shades. Nakakahiya kasi yung nagyari kanina eh. Malay mo ba kung nakita nila diba? Tyaka, kami lang daw yung kauna-unahang tumigil doon para mag-picture! Tch!

Mr. Pain-in-the-ass(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon