TWENTY FOUR: Blackmailer

722 28 3
                                    


Chapter 24: Blackmailer

Iminulat ko yung mata ko ng naramdaman kong tumigil yung sasakyan niya. Kunti lang naman yung nainom ko pero hindi ko alam kung bakit ako nahihilo. Bakit kaya? Hindimkaya dahil hindi ako sanay na konti lang ang iniinom kaya masakit yung ulo ko? O may inilagay yung gagong yun ng hindi ko namamalayan kanina.

"Ugh." -I sighed then massage my temple. Ok. Alam kong kelangan --- I mean, DAPAT pala akong magpasalamat kay Ji. Ang mahirap lang... Hindi ko alam kong saan ako magsisimula. *kagat sa labi.

"Oh." -Natigil ako sa pang-uusap sa sarili ko ng biegla siyang nagsalita. "Oh!" -Ulit niya ng tinignan ko lang siya at yung inaabot niya ng salitan. "Kukunin mo o sapilitan kong ipapainom sayo?!" -Ngayon galit na naman siya.

"Eh, ano ba yan?!" -Medyo inis ko na ring sabi. "Malay ko ba kung lason yan o hindi!" -Dagdag ko sabay halukipkip at tumingin sa labas ng bintana. Malay mo yan pa yung dahilan ng pagkamatay ko 'no! Mukha kasi siyang gamot. Pure white pa.

"This is a pain reliever ignorant." -Sagot niya kaya bigla akong napalingon sakanya sabay simangot. "Just eat it! You don't need water for this." -He explained. Tinignan ko nalang siya ng ediwow-look. As if naman na may magagawa ako sa bossy'ng tulad niya!

Kinain ko iyun at tama nga siya, hindi ko na kelangan ng tubig dahil napakatamis nito. 'Ano kayang klaseng gamot to? Oh di kaya, baka drugs na?! HALA!' -Sigaw ko sa isip ko sabay tingin sakanya agad-agad. "Ano yung pinainom mo?!" -Praning na kung praning pero may laman yung tanong kung iyan. Malay mo ba kasi drugs yun?! Hala talaga! Kung nagkataon, super gangster na si GD kung ganoon! Playboy tapos drug addict?! Boom! Bad boy!

Medyo kinakabahan na ako dito pero siya chill lang na nakatingin sakin. Syet! Ramdam kung pinagpapawisan na ako ng malamig! Drugs kaya talaga yun?! Kung oo, anong klase kaya? Waa! Wala na! Sira na ang pagkatao ko!

*tukkk! "Arayy!" -Hiyaw ko sabay sapo sa noo ko. "Ano ba?! 'Bat ka nangpipitik ng noo?!" -Inis kong tanong sakanya habang hawak-hawak pa rin yung noo kung pinitig niya.

"I said, pain reliever yun, RELIEVER." -Pagdidiin niya. "Natanggal nga yang headache mo, hallucination naman ang pumalit. Safe yan! Tanga." -Sabi niya. Wow diba? Wow talaga!

"Edi salamat Mr. Kwon JiYong! Salamat ha?! Salamat! Dahil sa pitik mo, bumalik yung sakit ng ulo ko!" -Sakrastik kong sagot. Umirap lang siya sakin tyaka tumingin sa harapan ng sasakyan niya.

"Sa susunod, mag-iingat ka kasi." -Mahinang sabi niya. Napatigil naman ako sa paghaplos sa noo ko at napatingin sakanya. Totoo ba yung narinig ko?

"H-huh?" -Tanong ko. Gusto ko kasing makasigurado kung tama yung narinig ko. Yung matangos niyang ilong lang naman kasi ata niya ang nakaintindi eh!

"Tch. Wala! Ang sabi ko, isusumbong kita kay ninang!" -Inis na sabi niya habang nakatingin sakin. "Umuwi ka na nga lang. Gabi na." -Sabi niya sabay lapit sakit at binuksan mismo yung pinto. Ok, ano ba ang dapat kung isipin dun? Nagpapakagentleman siya? O, desidido lang talaga siyang paalisin ako?

"T-thank you." -Medyo utal kong sagot. Naiisip niyo yun? Yung magpapasalamat ako sa isang Kwon JiYong dahil sa mga walang kasiguraduhang bagay? Ang awkward diba?!

"Para 'san naman?" -Tanong niya tyaka isinara ulit yung pinto. Oh, ano 'to? Pagpapaliwanagin niya ako ganun?

"Para 'san?" -Balik kong tanong. Pa-humble pa kasi! Tch!

"May gusto ka bang sabihin Ms. Park?" -Nagbabadya niyang tanong. Patanong-tanong pa eh alam naman na niya kung ano yun! *sigh.

"Ano... Uhm.. S-Salamat, sa pagliligtas kanina? Salamat, sa pain reliever? Salamat sa ginawa mo para makaganti ako kay TaeYeon. Salamat, sa... Sa lahat-lahat na! Basta, kung ano man yun, salamat nalang. Thank you." -Paliwanag ko at syempre, may halong sinseridad na yan! Ngayon ko nga lang narealize, ang dami pala niyang naitulong sakin.

Alam mo yung feeling na ang seryo-seryoso mo tapos yung taong kinaka-usap mo tinaasan ka lang ng kilay? Alam niyo yung feeling na ganun?! Yung tingin niyang 'anong-kadramahan-yan-look?!

"Ano ba GD! Seryoso ako! Thank you, ok?!" -Medyo irita kong sabi. Alam kong hindi ganito yung tamang pagtha-thank you pero kung siya rin lang naman yung kausap mo, wag nalang. Dahil sakanya, WALANG TAMA!

"Yea. I really need that 'thank you'. But don't mention it, I need you to do it." -Sabi niya saakin. Naging napakalaking HUH naman daw yung sa mukha ko.

"Ano?! Ano na naman ba GD?! Kung yung kasal kasal na yan---"

"You can't run. Wala kang choice." -He cut me on my mid sentence.

"No!" -Agad ko namang sagot. "I can run GD! I have a lot of options!" -Dagdag ko though alam kong wala akong takas sa pamilya ko pero ayokong tanggapin yung salitang WALA AKONG CHOICE.

"Sige. Subukan mong hindi magpakasal sakin, sasabihin ko kila Tita na may bar kayo." -Banta niya. Napalaki naman yung mata ko sa sinabi niya. "At, sasabihin ko rin na muntik ka ng matangay ng isa sa mga costumers mo." -Dagdag niya sabay ngisi. Now his blackmailing me! Ganito ba siyakadesidido?!

"Wag! GD naman! Walang ganyanan uyy!" -Taranta kong pigil. Hindi kasi alam nila mama na may bar kami. Pag nalaman niya, siguradong ipapaclose nila 'to! Ayaw kasi nila eh. Ang pangit daw tignan! Tch.

"Then do what I want. Magpapanggap lang naman tayo, walang tutuhanan. Wag kang mag-alala, hindi kita type." -Sabi niya kaya tinaliman ko siya ng tingin. Kung nakamamatay lang ang titig, gutay-gutay na siya!

"Excuse me Mr. Kwon, hindi ako nag-aassume at hindi ako mag-aassume. As if naman na gusto kong magkagusto ang isang tulad mo sakin no! Duh! No way!" -Sagot ko naman sabay irap at flip hair. Nakakakulot siya ng bangs ha!

"Then good. Mabuti yan. Pero sana panindigan mo yang mga sinasabi mo para hindi ka masaktan." -Sabi niya ng nakangisi.

"Masaktan? At 'san naman ako masasaktan? Sayo? Sus! Asa!" -Sagot ko na medyo natatawa-tawa pa. Ako? Masasaktan? Sakanya? End of the world na ba?

"Tignan natin." -Sabi niya sabay kibit balikat. "Deal?"

"Go! Sus! Tignan lang talaga natin!" -Sagot ko naman na may tonong game na game. Napa-exercise pa nga ako sa kamay ko ng wala sa oras eh.

"The one who fall losses."

"The one who fall losses." -Ulit ko sabay tango-tango.

Hindi mo ko type GD? Then tignan lang natin kung mapanindigan mo yang salita mo.
-

Mr. Pain-in-the-ass(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon