EiGHTTEEN: Baby Ji's Fiançe

894 35 10
                                    

Chapter 18: Baby Ji's Fiançe

Pagkatapos niya akong hilahin palabas sa salon, he immediately draged me inside his car. Grabe nga siya kung makahila eh, akala mo hindi ako naka-hills! Tch.

"Pwede ba, kung kaladkaran din lang naman pala ang gusto mo eh sana sinabi mo naman sakin ng nag-chinelas nalang ako!" -Bara ko sakanya pero promise, may halong katutuhanan to!

"So anong gusto mo, maglakad tayo ng parang model 'don habang nakatitig sayo yung mga lalake ng napakalagkit?!" -Inis niyang sagot. Huh? Ano daw?

"At ano naman ang gusto mong iparating aber?!" -Inis ko ring bulyaw sakanya.

"Wala!" -Sagot niya.

"Eh bakit ka sumisigaw?!" -Sigaw ko na rin. Kung makabulyaw naman kasi, akala mo wala kami sa loob ng sasakyan niya!

"Hindi ako sumisigaw! Ikaw ang sumisigaw! Masaya lang ako! Get's mo?!"

"Hindi rin ako sumisigaw! Masaya lang din ako! Naintindihan mo ba?!" -Sigaw ko ulit.

"Pangit!" -Sagot niya.

"Abnormal!" -Sagot ko naman.

"Anong sabi mo?!" -Inis niyang tanong habang tinitignan na ako ng sobrang sama.

"Abnormal! Bad boy! Malandi! Timer! Manloloko! Mama's boy!--" -Napatakip ako sa bibig ko dahil sa nasabi ko. Patay. Secret ko lang sana yun eh! Nag-kwento kasi sakin ng konti si Patty. Konti lang naman. Wala kasi kaming mapag-usapan eh!

"ANO?!" -Sigaw na niya sa sobrang pikon. Kulang na nga lang umusok yung ilong niya eh. *gulp.

"Wala! *ehem *ehem." -Napaubo ako bigla dahil sa pagsigaw na yun. Naramdaman ko kasi na medyo sumakit yung lalamunan ko eh.

"Oh, ano na namang nangyari sayo?!" -Tanong niya ng napansin niyang nakahawak ako sa leeg ko.

"Wala. Just talk to me later. Bigla lang sumakit yung lalamunan ko." -Paliwanag ko tyaka tumingin sa labas ng bintana.

"Gusto mong pumunta sa hospital?" -Tanong niya habang may maalumanay na boses. Anyare?

"Hindi na. Ipapahinga ko lang to." -Sagot ko ng medyo mahina.

"Tch. Yan kasi. Masyado kang masaya para sumigaw." -Sabi niya kaya napatingin ako sakanya ng masama. Pagtripan pa 'ko. Tch!

**

"Hoy gising. Nandito na tayo." -Napabangon naman ako dahil sa sinabi niya. Nilibot ko yung tingin ko at badtrip! Eh nasa parking lot lang naman kami ng condo niya eh. Hinanap ng mata ko si GD at nakita ko siyang may kinukuha sa likod.

"Hoyy. Anong pinagsasabi mo eh nasa condo mo lang naman tayo." -Saad ko ng nakalapit na ako sakanya.

"Syempre para mag-palit. Tignan mo nga yang itsura mo. Gusgusin!" -Sabi niya sabay pinaningkitan ng mata. At siya pa talaga ang may balak na tignan ako ng ganun?!

"Aba! Nahiya talaga ako sa ogre na tulad mo ha!" -Sagot ko habang sinusundan siya maglakad. Ang lalaki kasi ng hakbang eh!

"Manahimik ka na nga lang." -Sabi niya sabay pindot dun sa floor niya. May elevator kasi dito sa parking lot na derekta sa mga floors ng building. "O, kunin mo." -Sabi niya. Napatingin lang ako sa inaabot niyang paper bag.

"Ano yan?" -Taka kong tanong sabay kuha tyaka tinignan kong ano yung nasa loob.

"Yan ang suutin mo wag yung kung ano-ano. Gusto ko, desente yang itsura mo." -Paliwanag niya. Desente daw? Eh ano naman kaya itatawag mo sa ipinapakita niyang damit kanina? Tch!

Mr. Pain-in-the-ass(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon