TWENTY ONE: Decision

840 34 3
                                    

Chapter 21: Decision

"Hoyy hoyy! Ano yun ha?! Anong 'Then let's do it, Let's do it!' ka dyan? Hoyy! Ok ka lang? Kasal na yun Ji! Kasal! Are you aware with that?!" -Talak ko sakanya. Pagkatapos kasi niyang sabihin yang 'Let's do it let's do it' churva niya eh hinila nalang niya ako bigla tapos dinala dito sa loob ng kotse niya.

Ang paalam niya sa mga magulang namin ay ipapagamot niya daw ako, eh hindi naman na siya gumalaw mula ng nakapasok kami dito.

"Kwon JiYong." -I said in warning tone. Nai-magine niyo yun, yung parang nakikipag-usap lang ako sa hangin? Ang hirap ano?! Buti pa yung aso, kapag kina-usap mo tatahol, eh ito? Wala! Nganga!

"Pwede ba, utang naloob, magsalita ka naman. Maawa ka naman sakin Ji! Kelangan kong malinawan! Naiisip mo ba ang nangyayari ngayon ha at ang pwedeng mangyari? Ji, kapag sila nakipag-alegro sa isa't-isa, wala na tayong takas!" -Sobrang haggard kong explanasyon. Once my parents and his parents deal to our marriage, wala na. Tapos na ang buhay ko!

Tanggap ko naman ang fix marriage thingy na yan. Ang kaso pag sakanya, Kay Ji, wag nalang. Panigurado kasing wala naman akong mapapala sakanya. I mean, hinding-hindi --as in kahit kelan-- magiging masaya ang buhay pag-ibig ko.

He's a playboy remember? At ayoko sa playboy. Iniisip ko palang na magiging asawa ko ang lalaking 'to,...

"Yuck! Eiw! Never!" -Bigla kong sigaw tyaka binuksan yung sasakyan ni Ji.

"Hey! Where the hell do you think your going?" -Tanong niya ng nakalabas na ako.

"Wow! Nagsalita ang hangin." -Sakrastik kong sagot.

"Pwede ba. Hindi ako nakikipag-lokohan sayo. Come back here..."

"Eh sino ba kasing nagsabi na nakikipag-lokohan ka?" -Singit kong tanong.

"NOW." -Ma-awtoridad niyang tuloy sa sinasabi niya sabay pinandilatan pa ako ng mata.

"Neknek mo. Manigas ka dyan!" -Sabi ko naman sabay dinilaan siya at binalibag pasara yung pintuan niya.

"HEYY!" -Dinig kong sigaw niya pero hindi ko nalang pinansin. Ano, kanina kinaka-usap ko siya, Ni HA, ni HO wala akong natanggap na sagot! Ang kapal naman ng mukha niya kung ganon!

"HOYYY!"

"ARAYY!" -Reklamo ko ng marahas niyang hinila yung kamay ko para maiharap ako sakanya. "Ano ba! May balak ka bang balian ako ng buto?!" -Inis kong bulyaw.

"Babalian talaga kita kapag sinubukan mong kausapin ang magulang natin." -Seryosong sagot niya. Nanigas pa nga ako sa kinatatayuan ko ng narinig ko yun mismo sa bunganga niya eh.

Nakakatakot.

Ewan pero ramdam na ramdam ko yung panginginig ng kamay ko. Dahil ba sa sinabi niya? Hindi. Dahil sa mga mata niya. Nakita ko kasi na seryoso siya sa sinabi niya. Na para bang kahit anong oras, kaya niya akong saktan.

Ganito ba siya? Ganito ang isang Kwon JiYong? Kayang manakit at mambali ng buto sa isang babae?

"Pasok." -Nabalik ako sa katotohanan ng bigla siyang nagsalita. Ni hindi ko man lang namalayan na nasa harap na naman pala kami ng sasakyan niya.

I hopped immediately as fast as I could. "Grabe. Hindi ko alam na may pagka-demonyo pala siya!" -Bulong ko sa sarili ko habang pinapanood siyang naglalakad patungo sa pintuan ng driver's seat.

Pagkapasok niya, agad niya itong pinaandar at pinaharorot palayo.

"May balak ka bang magpakamatay? Pwede --kung pwede lang naman-- wag mo kong idamay." -'Mahinhin' kuno kong sabi. Kahit sa loob loob ko, gusto ko na siyang pagmumurahin. Grabe! Ang bilis niyang magpatakbo! Kulang na nga lang lumipad 'tong sasakyan niya sa sobrang bilis eh!

Mr. Pain-in-the-ass(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon