Chapter 34: Stepping Closer
Pagkatapos naming lumabas sa elevator, agad kaming tumungo sa pinagbibilhan ng token.
Mukhang may balak nga ata siyang mag-stay ngayon dito at mag-laro ng magdamag.
Guess what, bumili siya ng token worth 1000 pesos.
Oh diba? Titira na siya dito!
"Oh." -Napakunot ang noo ko kay GD ng inabot niya sakin yung bolang hawak niya.
"Aanhin ko naman 'to?" -Tanong ko sabay tanggap sa binigay niya.
"Kainin mo." -Sakrastik niyang sabi kaya naman napasama agad ang tingin ko sakanya. Napa-'TCH' naman siya. "Malamang ishoot mo sa ring. Ayon oh!" -Turo niya sa ring. "Kita mo ba ha?!"
"Malamang!" -Medyo pasigaw kong sagot sabay irap. Medyo maingay kasi dito sa Tom's World. Sama-sama yung tunog ng bawat machine na nilalaruan nila tapos idagdag mo pa yung videoke na sobrang lakas ang tugtog. Buti nalang magagaling lang yung kumakanta. Kung nagkataon, basag ang eardrums namin.
"Go. Try it." -Utos niya sakin tas kumuha siya ng isang bula tyaka i-shinoot doon. At alam niyo ba kung anong resulta? Ayon, swak! Pasok na pasok! Three points pa nga yung nadagdag sa sa scoreboard eh. Galing! "Kaya mo ba yun?" -Nanghahamong tanong niya. Nagpantig naman iyon sa tenga ko.
"Aba! Hinahamon mo ba ako?!" -Mataray kong sagot. "Panis yun sakin!" -Angas kong dagdag.
Pero sa totoo lang, WALA AKONG ALAM DITO! Nayabangan lang ako sakanya kaya ko nasabi yan. Ang epal kasi niya eh! Porket varsity siya sa school, ginaganito na niya ako?! Hindi pwede!
"Then go." -Sabi niya sabay hakbang patalikod. He's giving me the space.
*gulp. Mukhang napasubo na naman ata ako ah.
Pero hindi! Hindi ako aatras.
"Go!" -Game na game kong sagot tyaka pumustura tulad ng sakanya kanina.
Itinaas ko yung bola gamit ang dalawa kong kamay at tinignan ng taimtim yung ring. 'Dapat ko siyang ipasok doon. Dapat ko siyang ipasok doon.' Utos ko sa sarili ko habang concentrate na concentrate na tinititigan yung butas ng ring.
At ng naka-buwelo na ako para i-shoot yung bola, malakas ko itong binato---yung katamtamang lakas lang base on our gap--- papunta sa ring. Nang nabitawan ko na yung bola, agad kong pinahtaklob yung dalawa kong kamay tyaka nagdasal na sana pumasok ito.
Tahimik naming pinanood yung bula. Paikot-ikot ito sa ring kaya mas lalo akong napakapit sa mga kamay ko ng sobrang higpit. Di nagtagal...
*shoot!
"HUH!!!" -I gasp in shock. "P-pumasok!" -Gulat na gulat kong sigaw. Oo, sumisigaw na ako! "GD, pumasok! Pumasok yung bola! Waaa! Pumasok!" -Masayang sabi ko sabay talon talon pa. "Waa! Pumasok siya!" -Sambit ko. Hindi pa ako nakontento at napahawak pa ako sa braso ni GD habang nagtatalon-talon.
Though mukha na akong tanga sa ginagawa ko --pinagtitinginan na nga rin kami eh-- pero wala akong pakialam. Mukhang wala rin naman pakialam si GD dahil hinahayaan niya lang ako sa ginagawa ko habang nakangiti.
"Good." -Sambit niya sakin habang nakangiti pa rin. Saglit akong tumigil sa kakatalon sa harap niya at huminga ng medyo malalim. Nakakapagod yung ginawa ko ah.
"Of course." -Proud na proud na sabi ko habang nakangiti din. Para na siguro kaming tanga dito na nag-ngingitian. Pero bakit ba? Philippines is a free country right? *smart grin.
"Then.. Let's play." -Bigla niyang sabi kaya naman nawala yung ngiti sa mga labi ko at napalitan ito ng kunot na noo.
"Huh?" -Tangin nasagot ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Pain-in-the-ass(COMPLETED)
FanficSanDara and G-Dragon's life is living like in heaven. ( For them ) Can buy what they like, get what they desire and do what ever the hell they want. But then, their so-called-enjoy-happy-lucky-blessed-normal life was changed as they bumped into eac...