Chapter 38: Savior
"What the!" -Agad akong napatingin sa nanggalingan ng pamilyar na boses na iyon at mas lalong lumaki yung mata ko ng nakita ko si CL na nakatayo sa may pintuan namin.
"C-CL?!" -Gulat na gulat kong tanong dito.
"What's happening?!" -Gulat at naguguluhan din niyang tanong.
"Istorbo." -Napalingon ako sa nagsalita ulit at doon ko lang napagtanto na nasa harap ko at sobrang lapit ng mukha ni JiYong sakin.
"W-wala!" -Sagot ko kay CL sabay tulak ng malakas palayo si JiYong. My god! Pwede bang lamunin nalang ako ng pader na to?! Nakakahiya!
CL saw us with that awkward position?! Syet! Ayoko na!
"Tch!" -Dinig ko lang na sabi ulit ni GD. Nakakapanibago ba? Eh yan lang naman ata ang alam niyang salita maliban sa pang-asar eh!
Napailing-iling nalang si CL saamin. Ako naman tumungo nalang sa sobrang hiya. This is my first time to do stupid things infront of my bestfriends--kay CL palang pala. Well, though ako ang biktima dito. Pero wala pa rin akong magagawa. Naparalized ako in that moment eh!
"Excuse me." -Paalam ni CL saamin at akmang papasok sa kwarto niya ng bigla itong hinapit ni GD sa braso. "What the?! Ano ba?!" -Inis niyang sabi kay GD.
Syempre, as very very slight --as in SLIGHT dahil medyo lang naman talaga-- judgemental, naisip ko na naman bigla na BAKA MAY GUSTO SIYA KAY CL. Ommo! Imagine?! Narealized niya yung tagong ganda ni CL?!' -Hindi ko makapaniwalang tanong sa isip ko.
Pero naglaho agad yung husga na namumuo sa utak ko ng nagsalita si
"How are you and TaeYang?" -Tanong niya dito kahit walang konekta sa sinabi ni CL. Nakita ko naman na biglang namula si CL.
Teka? Did I miss something? Anong meron? At sino si TaeYang?
"Anong 'how are you?'?! Bitawan mo nga ako!" -Pagsusungit lang ni CL dito tyaka nag pumiglas.
"Ohh." -Sambit naman ni Ji sabay bitaw at humakbang palapit saakin. "So the conflict between you and him didn't fixed yet?" -Plain na sabi nito.
Napa-awang nalang yung bibig ni CL habang tinuturo-turo siya. Yung tipong 'paano-mo-to-nalaman-style?!' yung itsura ni CL ngayon.
"Ugh! Manahimik ka nga!" -Inis lang nitong sambit sabay pasok sa loob ng kwarto niya. Halatang inis na inis siya dahil sobrang lakas ng pagsara -- or should I say pagkabalibag -- ng pinto nito.
"Teka, ano yun?" -Hindi ko maiwasang hindi magtanong habang nakatingin pa rin doon sa nakasarang pintuan ni CL. "Anong meron? At sino si TaeYang?" -Dagadag kong usyuso. Hindi ko kasi maiwasang hindi maging tsismosa sa mga lagay na ganito.
Lovelife na to ng kaibigan kong si CL. Si CL. Si CL! Aba! First ever buhay pag-ibig niya to 'pag nagkataon! Kaya hindi ako dapat maging outdated! Kaylangan, ako ang unang nakaka-alam sa lahat ng bagay tungkol doon. *Tango *Tango.
"Tch. Wala ka na don." -Inirapan ako bigla ni JiYong na siyang nagpa-salubong sa dalawang kilay ko.
"Itong bwisit na 'to talaga!" -Bulong ko nalang sa sarili ko tyaka napasimangot. Padabog kong pinulot yung mga gamit ko at tyaka naglakad ng mabibigat ang paa.
Nakakainis siya! Ni hindi man lang niya ako nagawang tulungan! Tch! Ano ba kasing nagustuhan ko doon sa lalakeng yun?! Hindi katanggap-tanggap!
Wala bang konsiderasyon dito?! Tch!
"Ang bagal." -Dinig kong sabi niya kaya tinignan ko naman siya ng masama. Nakatayo na kasi siya sa harap ng elevator samantalang ako e nasa harap palang ng condo namin.
BINABASA MO ANG
Mr. Pain-in-the-ass(COMPLETED)
FanfictionSanDara and G-Dragon's life is living like in heaven. ( For them ) Can buy what they like, get what they desire and do what ever the hell they want. But then, their so-called-enjoy-happy-lucky-blessed-normal life was changed as they bumped into eac...