Prolouge

392 13 1
                                    

"I pronounce you husband and wife"

Yang mga salitang palagi kong naaalala kapag tinitignan ko 'tong picture namin ng ikasal kami. Yup, I'm married. Ang bilis noh? At the age of 17 married na agad yung status ko. Huhuhu. Ni hindi manlang ako pinag graduate ng high school bago ako ipakasal. Jusmiyo! 4th year palang kaya ako. At Two years na kaming kasal. Yes, napagtiisan ko yung alien kong asawa sa loob ng dalawang taon. Kung di lang kasi dahil dyan sa pisteng arrange marriage na yan. Masyadong mahabang story para ikwento ko pa sainyo. Huhuhu. Good bye single days. Kung inaakala nyo masaya ang magkaroon ng asawa. Pwes! Nagkakamaki kayo!

"Hoy babo anong tinutunganga mo dyan?"

Yan! Isa pa yan! Napakasamang asawa! Sobrang hindi qualified para maging asawa. Sobrang sungit. Akala mo laging may dalaw. Eh ang ba--------

"Hoy Babo! Nakikinig ka ba?!"

Ayyy sipao! Sabi sainyo wag gagalitin si Vann eh. Nagiging monster pa naman yan.

"O-Oo. Ano ba yun?"

"Psh. Babo. Sabi mo nakikinig ka pero tinatanong mo naman kung ano"

Eh? "Ewan ko sayo!" sabi ko at inirapan sya. Bakit ba ako nakaroon ng asawang napakasungit.

"Psh. Why do I have a stupid wife" sabi nya at umalis.

Ako si Kaillene Venice Choi ang asawa ni Vann Gabriel Kim. At basahin ang aming walang kwenta------Este not so perfect love story.

Married To The  IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon