Chapter 6

156 9 0
                                        

"Okay, everyone as for your research paper about the great scientist. I will group you in to two. Para mas mapadali ang gawain."

Psh. Research paper. Tapos groupings pa! Jusme naman! Sana hindi mapunta saakin yung tatamad-tamad kong kaklase. Sana si Patch nalang kagrupo ko. O kaya sana matalino para konti lang gawain ko. O kaya sana----------

"Mr. Kim and Ms. Choi. Both of you will be partners"

What the effff??!!! Sabi ko sa matalino sana ako mapartner. Hindi sa asawa ko. Lugi naman kasi eh! Paano busy yan ngayon. Syempre ako gagawa ng lahat. Mula sa pagriresearch hanggang sa explanation. Naku naman!

"Okay everyone! Your research paper's submution will be next week. That's all"

Matapos magpaalam ng Teacher namin ay tinungo ko kaagad yung ulo ko sa desk. Huhuhu. Humanda talaga saakin yang alien na yan kapag hindi nya ako tinulungan.

"Hoy Kai! Gumising ka nga!"

Inangat ko yung ulo ko at tinaasan ko ng kilay si Patch. "Hindi ako tulog no!"

"Iiiihhh!!! Ang swerte mo Kai!!!"

Huh? Ako swerte? Bakit nanalo ba ako sa lotto? Ehhhh? Hindi naman ako tumataya nun?!

"Huh? Bakit naman?"

"Syempre! Kapartner mo lang naman si V ng BTS!"

So yun na yun? Kailan pa ako sinwerte dahil kapartner ko 'tong alien na asawa ko? Kung pwede lang makipagpalit ng partner ginawa ko na eh.

"Tss... Di rin! Lugi kaya. Busy yang tao no! Kaya ibig sabihin ako lang gagawa nung research paper"

Totoo naman eh. Si Vann gagawa nyan?! Ang tamad kaya nyan! Siguro kay RM yan nagpapagawa o kaya nagpapatulong kaya hindi bumabagsak.

"Psh. Di yan. Basta Kai ang swerte mo!"

Aish! Mas swerte ako kapag nakita ko na si Song Jongki!

---B---T---S---

Nandito ako sa may field. Mag-isa lang ako. Iniwan kasi ako ni Patch. May gagawin pa daw kasi. Tss.. Gagawin! Hahanapin lang nun yung BTS.

Actually naeenjoy ko 'tong swing. Favorite ko kasi 'tong sakyan simula bata palang ako.

Simula nung bata palang kami ni Vann.

Haaayyyy. Akalain nyo yun? Magiging asawa ko yung kababata ko.

Yung naging kaibigan ko ng matagal na panahon. Yung laging nasa tabi ko kapag inaaway ako. Yung lagi kong tagatulak ng swing.

Haaayy. Memories.

Aishh! Tama na ang drama! Nag bago na si Vann, Kai! Hindi ba halata? Eh sobrang sungit na nga-------

"Aahhggg!!!"

Ouch! Ang sakit! Yung pwetan kooo!

"Uhmm.... Miss sorry. Ayos ka lang ba?"

"Hindi ako okay kuya."

Nakakainis naman eh. Nananahimik ako sa swing tapos bigla nya akong itutulak. Aba nice. Tapos tatanungin nya ako kung okay lang ako? Eh kung sya kaya ilaglag ko sa swing ng malaman nya?!

"Sabi ko nga." at inalalayan nya ako hanggang sa makaupo kami sa isang bench. "Uhm.... Miss sorry talaga. Hindi ko sinasadyang matulak ka. Maaaout of balance kasi ako. Siguro reflexes na lang kaya kita natulak"

Napatingin ako sakanya.

And Oh My Gosh! Ang pogi nya!

Pero! Hindi! Mamaya na ang harot. Galit ka sakanya Kai.

"Ahhh ganon? Mas pinili mong ako yung malaglag kesa sayo?"

"Hahaha. Hindi ah. Hindi ko yun sinasadya"

"Tss... Oo na."

Kawawa naman. Tsaka mabait ako kaya papatawarin ko sya.

"Sorry talaga miss."

"Oo na nga! Ang kulit!"

Napangiti naman sya. Wiiihhh!!! Kuya wag kang ganyan. Baka magkasala ako. Baka maisipan kong makipagdivorce kay Vann at ikaw ang ipalit kong asawa.

"Uhmm.... Ano nga palang pangalan mo?"

"Uhmm... Kaillene Venice Choi. Kai nalang. Eh ikaw?" sagot ko.

Bahagya syang nagulat sa tinanong ko. Bakit? May nakakagulat ba sa tanong ko?

"Ahhhh. I'm Klyde Delos Santos"

"Ahhh. Hi Klyde"

Hmm.... Klyde Delos Santos pala pangalan mo. Sounds familliar.  Maisearch nga sa fb. Hahaha.

"Ahhh. Sige Kai. Mauna na ako. May hahanapin pa ako eh" sabi nya at umalis.

Wala na sya. Aish! Asan na ba kasi yung si Patch. Gusto ko ng ikwento sakanya 'to eh.

Vann's POV

"Oo na nga. Ang kulit"

What the fvck?!

Yan lang yung narinig ko ng mapadaan kami sa field. Tapos nakita ko sya sa may swing na may kasamang lalaki. Yeah. Nandito kami ngayon sa Xavier, sa field to be exact. Kahapon pa natapos yung pictorial kaya ngayon nandito na kami. Bale bukas shooting na para sa teaser.

Pero teka! Nakikipag relasyon ba sya sa iba?

"Hala V! May bago na ata si Kai" gulat na sabi ni Jeros.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Aish! Subukan nya lang"

Subukan nya lang at isusumbong ko sya sa parents namin.

"Hmp. Ang sabihin mo nagseselos ka lang" mapang-asar na sabi ni JK. Kaya nagtawanan silang lahat.

"Tsss.... Why would I?"

Of course. Hindi ako magseselos. Kahit ilan pang lalaki ang idate nya. I don't care. Basta wag syang papahuli sa magulang namin kasi ayokong masira 'tong marriage namin.......

Kasi ayokong matangalan ng mana.

"Tss.... Our V is falling inlove" si Justin.

"Fvck you, Justin!" sigaw ko.

"Ayy oo nga pala. Nabalitaan nyo na? Lumipat na daw si Klyde dito sa Xavier Academy" sabi ni Sceven.

Tinaasan ko sya ng kilay. Hindi ko alam na chismoso pala 'tong si Sceven.

"Oh? Saan mo naman nalaman yan?" tanong ni RM.

"I just heard."

"Psh. Chismoso" sagot ko.

Ano nanaman bang kailangan nitong Klyde na 'to at dito pa talaga nag-aral. Pwede namang hindi nalang sya mag-aral. Tsss....

Married To The  IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon