Pagkadating namin sa bahay ay nauna ng lumabas ng kotse si Vann. Sya na din ang nagbuhat sa apat na paper bags.
Parang ayoko na ngang umalis dito sa kotse eh. Hindi ko alam pero kinakabahan ako, pakiramdam ko may kasalanan ako na hindi ko naman alam kung ano.
Huminga ako ng malalim at lumabas ng kotse. Dahan dahan akong naglakad papasok.
Naabutan ko si Vann na nakaupo sa sofa. Lalagpasan ko na sana kaso tinawag nya ako.
"Where do you think you're going?"
Kabado akong tumingin sakanya. "Ugh.... Room?" sagot ko.
"Stay here" maootoridad nyang sabi.
Wala na akong ibang choice kundi ang lumapit sakanya. Dahan dahan akong lumapit papuntang sofa.
Hindi pa ako nakakaupo ay nagsalita na agad sya.
"Why are you with that @sshole? Hindi ba sabi ko wag kang lalapit don?!"
"Huh?" maka @sshole naman 'tong si Vann.
"Answer me!" inis na sabi nya.
Shet pakingshet. Ano bang nagawa ko dito?
"Na-Nagkasama kami ni K-Klyde kasi ano... nagkabunguan kami kanina sa grocery store, ayon hanggang sa sinamahan nya na ako maghintay ng sasakyan ko pauwi. Y-Yun lang naman, Vann." pag eexplain ko.
"Bakit hindi ka nagtext sakin?! Do you know how long I'm waiting? Ano bang silbi ng cellphone mo?"
"Susunduin mo ba ako kung sakaling nagtext ako? Alam ko namang di mo gagawin yon" katwiran ko. Sa two years na pagsasama namin kilang kilala ko na ang asawa ko. Alam ko ang mga ginagawa nya para sakin at hindi. At yang pagsundo na yan, hindi nya ginagawa yan.
Natahimik sya sa sinabi ko. Ayan magagalit galit ka pa kasi, wala naman akong ginagawang kasalanan. Hmp.
"Whatever. I don't wanto to see you again with that @sshole, are we clear?" tanong nya.
"Bakit ba kasi?" di ko kasi talaga alam kung bakit bawal akong lumapit kay Klyde. Kasi ba artista sya?
Mas lalong nagmukhang inis yung mukha nya. "DON'T ASK ANY QUESTIONS! JUST FOLLOW MY GODDAMN ORDER!" pasigaw nyang sabi sakin at umalis.
Woah. Natameme nalang ako at napaupo. Pang ilang beses na akong nasisigawan ni Vann pero hindi pa din ako sanay. Lalo na't hindi ko naman alam kung ano yung kasalanan ko.
Naiiyak ako, ay mali umiiyak na pala ako.
Nakakainis. Ganito nalang ako palagi kapag nasisigawan ako ni Vann, kakaiba pa kasi hindi ko naman alam kung ano yung kasalanan ko.
Ano bang mali sa nagawa ko?
Ako na nga 'tong bumili ng mga pinapabili na. Nagreklamo ba ako? Oo sa una nagreklamo ako pero sinunod ko pa din. Pero bakit galit pa din sya? Tsaka teka, anong kinalaman ni Klyde? Ano bang masamang nagawa ni Klyde?
Yang takbo ng utak talaga ni Vann hindi ko na maintindihan. Nakakainis.
"Nag away nanaman kayo"
Nagpahid ako ng luha at tumungin kay manang Ester, nandito na pala si manang. "O-Opo" sagot ko.
"Hay nako kayo talagang mag asawa kayo" naiiling na sabi ni Manang tsaka ako niyakap.
"Wala naman po akong kasalanan manang pero bakit nagalit sakin si Vann" naiyak nanaman ako. Kainis. Sumbong ko na kaya si Vann sa magulang ko?
"Hayaan mo nalang ang asawa mo, hija."
"Manang gusto ko pong umuwi" sabi ko. Kumalas ako sa yakap namin ni manang.
![](https://img.wattpad.com/cover/67998367-288-k214490.jpg)
BINABASA MO ANG
Married To The Idol
FanfictionAno sa tingin nyo ang feeling na ikasal sa idol ng lahat? Siguro masaya, maswerte, nakakainggit, feeling mo ikaw na ang pinaka swerte na tao sa mundo. Pwes, NAGKAKAMALI KAYO! Sino ba naman ang taong gustong ikasal sa napakasungit na nilalang, hin...