"Grabe may partner research nanaman tayo, hindi ko manlang nakapartner si Justin" sabi ni Patch at binaba yung tray ng pagkain nya sa lamesa kanina.
Inanounce na kasi kanina ni Sir Liman kung sino yung kapartner ng mga absent sa research paper. Si Jino yung kagroup ni Patch sya yung vp ng classroom namin. Hindi na ginawang by seatmate ni sir yung sa mga absent, sya na mismo nag arrange, well exept sa BTS na by seatmate pa din. Kaso si Justin talaga yung gusto nyang kagrupo. Pero si Justin ang partner ay si Jeros.
"Better luck next time Patch" sabi ko at sumubo sa pagkain ko.
Inirapan nya ako. "Ikaw sinong partner mo?" tanong nya.
"Ako? Hmm.... Si Klyde" sagot ko.
Nilapag nya yung kutsara nya at tinignan ako maige. "Seryoso?" tanong nya.
Tumango naman ako bilang sagot at kumain ulit.
"Hala ang daya naman ehhhh! Bakit ikaw palagi nalang artista nakakapartner mo? Di ka naman nila fan huhu ang daya talagaaaa" nanlulumong sabi ni Patch. May pag dabog dabog pa.
Napailing nalang ako. Ganyan din ang iniisip ko Patricia Nicole. "Hindi ko din alam" sabi ko at napanguso nalang.
"Pagtalaga si Justin naman sunod mong nakapartner, nakoooo nakooo sinasabi ko sayo Kaillene Venice" sabi nya at tinuro turo pa ako ng tinidor nyang may tusok na porkchop.
"Edi sasabihin ko kay Justin na wag nyang papansinin si Patricia Nicole Villanueva" sabi ko at nginitian sya.
"Wow thanks, napakasupportive" sarcastic nyang sabi sakin at inirapan ako.
"Welcome" sabi ko at sumubo ng pagkain ko.
-------
Pagdating ko sa bahay ay napasalampak agad ako sa kama. Napagod ako. Nagkaroon kasi kami ng biglaang p.e. Volleyball game kalaban ang section two. Marunong kasi akong mag volleyball kaya gamit ako kanina sa game. Tapos naglakad pa ko hanggang dito sa bahay pauwi kasi walang shuttle. Haaaaays.
"Pagod na pagod?"
Napabalikwas agad ako ng upo at napadilat.
"V-Vann?" taka kong sabi. Ang aga naman ata umuwi nito.
"Why?" tanong nya at tinaasan ako ng kilay.
"Bakit ang aga mo umuwi?" tanong ko naman.
"Interview lang ginawa namin ngayon" sabi nya.
Akmang uupo pa sana sya sa tabi ko kaso tumayo na ko.
"Ugh... Ano akyat na ko sa kwarto ko. Pagod ako eh. Bye" sabi ko at tumakbo sa kwarto ko.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay sumalampak agad ako sa kama.
Bakit ang weird ng pakiramdam ko ngayon kay Vann. Ang awkward. Hindi ako sanay. Hindi naman ako ganto sakanya dati eh. Sanay na sanay ako sa presensya nya pero ngayon naiilang na ako. Bakit ganon?
Kung bakit naman kasi nagsasabi ng mga ganung salita si Vann eh! Alam kong alien sya at iba mag isip. Di naman ako dapat maniwala don diba? Sabi nya nasa akin kung maniniwala ako o hindi. Baka pinagtitripan lang ako non. Selos? Wala yan sa bokabularyo ng isang Vann Gabriel Kim.
Kalokohan!
Sa sobrang pag iisip at pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako sa pag tawag at pagkatok sa pinto ko.
Tamad akong tumayo at lumapit para buksan ito.
Pero napamulat agad ako at napatayo ng tuwid ng makita kong si Vann yung kumakatok.
BINABASA MO ANG
Married To The Idol
FanficAno sa tingin nyo ang feeling na ikasal sa idol ng lahat? Siguro masaya, maswerte, nakakainggit, feeling mo ikaw na ang pinaka swerte na tao sa mundo. Pwes, NAGKAKAMALI KAYO! Sino ba naman ang taong gustong ikasal sa napakasungit na nilalang, hin...