Chapter 4

169 10 0
                                        

"Hahaha!"

"Oy pre penge naman ako!"

"Hoy! Ang ingay nyo nanunuod yung tao eh!"

Putakte naman! Ang aga-aga may nambubulabog! Alam ba nila na Sabado ngayon? Ngayon na nga lang makakaligtas dahil wala akong pasok eh. Tsaka wala naman akong matandaan na may inimbita akong bisita dito sa bahay.

Siguro BTS yang mga yan. Sila lang naman yung nambubulabog sa bahay eh.

Tumayo na ako sa pagakakahiga ko. Tutal wala na akong maitutulog mas mabuti pang bumaba nalang tsaka nagugutom na din ako. Nandyan pa naman si Jin. Baka mamaya may dala syang pagkain.

"Oh, Si sister-in law nagising na!" sigaw ni Jeros. Kaya naman pala ang inggay eh. Nandito si Jeros.

"Hello sainyo" masaya kong bati sakanila. Syempre kailangan hospitable ako sa mga bisita------Or should I say bwisita.

Binati din nila ako. Except lang kay Vann. Ano pa bang bago? Tinungo ko nalang yung kusina dahil nagugutom na ako. Pagkapasok kong kusina naandun si Manang Ester.

"Good Morning po manang" bati ko kay manang.

"Good Morning din hija"

"Manang ano pong pagkain?" tanong ko. Gutom na talaga ako eh.

"Ay nako hija! Naubusan ka na. Ipagluluto nalang kita ulit" sabi ni manang.

Sabi ko na nga ba eh. Kapag talaga nandito yang BTS nauubos ang mga pagkain namin.

"Wag na manang. Black bean noodles nalang po" sagot ko.

Ilang minuto pa akong naghintay bago ko nakain yung black bean noodles ko.

Gusto ko ring imbitahin si Patch dito sa bahay. Gusto ko ring magsleep over kaming dalawa. Kasi naman si Vann eh.

Kung magpaalam kaya ako kay alien na sa bahay muna ako nila Eomma at appa matulog.

Tama!

Niligpit ko na yung pimagkainan ko at naglakad pa puntang sala. Ngayon na kaya ako magpapaalam? Baka good mood 'to?

"Ugh..... V-Vann...." shete kinakabahan ako.

"Bakit?" may halong inis na tanong nya. Sabi sainyo eh, baka wrong timing ako.

"Wala. Wag na" sagot ko. At umakyat na akong kwarto. Tsaka nalang kami magiisleep over ni Patch.

---B---T---S---

Ano ba yan! Wala namang magandang mapanuod. Kung hindi cartoons puro balita. Ano kaya yun? Kung ipinapalabas nalaang nila yung magagandang K Drama eh di sana may napapanuod ako.

Kanina pa rin ako nagwa-wifi. Kaso puro facebook, twitter at youtube lang ginagawa ko.

Malapit ng mag ten o'clock hindi pa rin ako inaantok. Tsaka hindi pa rin dumadating yung asawa kong alien. Sumama kasi sya sa BTS kanina. Baka gagala o di kaya may gagawin para sa showbiz. Malay ko ba dun sa asawa ko kung anong ginagawa. Eh minsan lang naman kami mag-usap.

*Beep! Beep!*

Speaking of the alien.

Lumabas ako ng pinto at pinagbuksan sya ng gate. Nakakahiya naman kung hahayaan ko lang sya sa labas. Eh di nasigawan ako nun.

Matapos nyang mag park ay nauna na akong pumasok. Sumalampak agad ako sa sofa. Hindi pa nga kasi ako inaantok kaya mamaya na ako aakyat sa kwarto ko.

"Alien! Kumain ka na?" tanong ko sakanya ng makapasok sya ng bahay.

Tinaasan nya ako ng kilay. "Oo" at umupo sa kabilang sofa.

Mabuti naman at hindi nya naisipang tumabi saakin. Bakit ba? Eh sa hindi ko sya feel na katabi eh.

"Hoy babo bakit hindi ka pa natutulog?"

Medyo nagulat pa ako sa tanong nya. Aba, concern ba sya saakin?

"Kasi hinintay pa kita"

Napangisi naman sya. "Are you falling for me already, babo?"

Napanganga ako sa tanong nya. Wow naman! Porket inintay ko sya ibig sabihin may gusto na ako sakanya. Ako na nga 'tong nagmamalasakit eh. Kung magte-thank you nalang kaya sya?!

"Hah! Asa!" sabi ko at inirapan sya.

Hindi na nya ako pinansin. Nakita kong pumunta sya sa cd rack at tumitinhin ng mga cd. Balak pa ata nitong mag movie marathon.

"Nice. This will do" sabi nya at ipinasok yung cd sa dvd player.

"Psst. Alien, anong papanuorin mo?"

Syempre makikinood din ako. Pampatanggal bordness lang.

"Insidious 3" sagot nya.

Haluh? Horror! Makikinood pa naman ako! Hindi sa takot akong manuod ng horror, kasi naman eh! Gabi na kaya. Mag-isa pa ako sa kwarto.

Kaya, hindi nalang ako manunuod. Tumayo na ako nagsimulang malakad. Kaso......

"Yah! Babo, kumuha ka ng mga junk foods dyan o kahit anong makakain sa kusina" utos saakin ni alien.

Nagmadali akong kumuha ng kahit anong junk foods na makita ko sa cabinet. Kumuha na rin ako ng isang 1.5 na coke at dalawang baso.........Eh? Dalawa? Eh hindi nga ako manunuod diba? Kaya isinoli ko yung isa.

"Oh" sabi ko at ipinatong yung mga pagkain sa lamesa.

Paalis na sana ako ng bigla nyang hawakan yung wrist ko.

What the fvck?!

Nilingon ko sya. "Oy alien bitawan mo nga ako"

Kasi naman eh! Sinabi ng hindi nga ako sanay sa ganito.

"No. We'll watch this movie" sabi nya at hinigit ako paupo sa may tabi nya.

Ano nanaman ba 'to? Bakit kailangan kasama pa ako? Sanay naman syang manuod mag-isa eh. Ano 'to naduduwag na sya kasi Horror movie yung papanuorin nya? Nakunaman!

Hindi na ako nakapalag kasi nagsimula na yung movie. Tsaka nakahawak parin sya saakin. Kinuha ko nalang yung unan para may pang takip ako mamaya.

Ilang nakakatakot na parts pa ang dumating at puro sigaw lang ang nagawa ko. Minsan napapakapit pa ako kay Vann. Kasi naman eh! Malay ko bang sobrang nakakatakot pala 'tong Insidious 3.

Waaahhh!!! Ayoko na talaga!

Tumayo na ko sa pagakakaupo ko.

"Yah! Babo, ang weak mo naman!"


Oo na ako ng weak! Sa lagay na natatakot na ako eh.

"Ehhh! Alien naman eh!" pagmamakaawa ko sakanya.


Huhuhu. Sana talaga makatulog ako nito. Kundi sasapakin ko talaga yang alien na yan.



"No." at hinawakan nya nanaman ang kamay ko at hinigit ako paupo.


Waahhh!!! Ano bang balak gawin nitong alien na 'to? Pagtitripan nanaman ako.


"Alien kasiii"

Huhuhu. Feeling ko maiiyak na ako.


"Wag ka ngang oa! Gost are not real. Tsaka nandito naman ako eh. Kaya pwede ba? Manuod ka na!"



Bigla akong napahinto sa pagpupumiglas ko.



Ewan ko pero feeling ko naging safe ako sa sinabi nya. I know ghost are not real pero hindi ko parin maiwasang hindi matakot.


Pero nung narinig ko yung pangalawa nyang sinabi parang nawala yung takot ko. Aish! Ano ba 'to?!

Married To The  IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon