Vann POV
*Click*Click*Click*
"And done! Break muna. Mamaya na yung iba" sabi nung photographer.
Nandito ako sa studio para sa photoshoot para sa comeback namin. You know, idol's life. Buti nalang at pogi ako kaya hindi na ako nahihirapan sa pag papapicture. Sige umagal kayo. Kotong kayo saakin!
Buti nalang at puro photoshoot lang ngayon. Bukas yung shooting para sa comeback trailer. Tapos tuloy-tuloy na hanggang sa mismong shooting. Haayysst! Mapapagod nanaman kami.
"Uy V! Tubig oh!" sabi ni JK at binato yung bote ng tubig saakin. Buti nalang at nasalo ko.
"Salamat"
Oh gulat kayo? Marunong akong magpasalamat. Akala nyo naman saakin?!
"Kailan mo balak magcompose nga kanta?" biglang tanong ni JK.
Compose? Tss.... Ilang beses narin nila akong pinagtry kaso ayoko. Wala akong hilig sa composing. Buti pa 'tong si Sceven nakakapagcompose. Para saakin kasi kailangan ng magandang inspirasyon para sa composing. Ang bakla no? Pake nyo ba?!
"Tsk. Ayoko nyan"
"Haayyy. Ano pa nga bang bago?"
Napangiti nalang ako. Maya-maya pa ay tinawag na kami ng photographer at magsisimula na ang pagpipicture.
Kai POV
Waahh! Ayoko na. Suko na ako sa math! Kanina sabog yung utak ko dyan. Feeling ko babagsak nanaman ako kapag nagkaroon ng quiz. Huhuhu..... Isa nanaman ako sa nga lowest nito. Hindi ko nga alam kung paano ako nakapasok sa Star section kung ang hina ko naman sa math.
Buti pa yung asawa kong alien ligtas sa math ngayon. Palibhasa artista eh.
Psh. Kung hindi pa sinabi ni Manang Ester kanina saakin na hindi makakapasok si Vann, iisipin kong tinatamad lang yun.
"Okay, that's all for today"
Yes! Sawakas natapos na din ang math.
"Oy Kai tara sa canteen" sabi ni Patch. Tamang-tama. Nagugutom pa naman ako.
Nakipagsabayan na kami sa mga taong lumabas galing sa room. Alam nyo naman, hindi marunong maghintay ang taong gutom.
Nang makarating kaming canteen ay umorder agad kami ng pagkain. Isang cheesy burger, sundae, tsaka large coke yung binili ko. Haayyysss. Kahit gaanong kadami pa ang kainin ko hindi naman ako tumataba.
"Emegesh Kai! Excited na ako sa comeback ng BTS" kinikilig na sabi Patch.
Ikaw na talaga Patricia Nicole Villanueva. Wala pa ngang comeback trailer o kaya balita alam mo na agad na magkacomeback ang BTS. Wow nemen!
"Tss... Tapos bibili ka nanaman ng album?"
Ganyan yan si Patch. Imbis na pagkain yung bilhin inuuna pa yung album ng BTS.
"Che! Napaka mo talaga Kai!" inirapan ko nalang sya at kumagat ng burger ko. "Haayyy. Sana wala silang kapartner na babae sa comeback nila" sabi nya.
Napatigil ako sa pagnguya.
Tinaasan ko sya ng kilay. "Oh eh ano naman ngayon? Nagkaroon na ba sila ng partner?"
Psh. For sure liligawan ni Justin yung kung sino man ang magiging partner nya. Eh yung asawa kong alien kaya? Nakuuuuu!!!!! Subukan nya lang harutin yung magiging partner nya at malalagot sya saakin-------Este kina mommy at daddy!
"Hmmm..... Oo. Yung MV ng Beautiful nila JK, Justin, Jeros at V. Yung last part nga eh, yung nagyakapan si V at yung babae dun. Naku naku! Sana wag ng maulit yun!"
Sana nga! Kasi kung mauulit man yun makakalbo ko yung babae!
Ehhhh????
What the fvck?!
Why do I sound like a jealous wife?
Ako magseselos? Duh! Kahit ilang babae pa ang yakapin nyan ayos lang. Wala naman saakin yun eh.
Wala!
"Hoy Kai! Ayos ka lang? Durog na yang burger mo oh"
Ehhh??
Nadurog na nga! Haluh? Kawawa naman yung burger.
"Tsss..... Ano ba yan?!"
wala na kong burger! Konti pa lang yung nakakain ko eh. Bakit kasi nadurog yun?
Nagkibit balikat lang sya. "hahaha. Ayos lang yan"
Mapasimangot ako at kinain yung nadurog na burger ko. Kahit durog na yan burger parin yan. Hmmm..... Smash burger ang tawag dyan. Hahaha.
---BTS---
Naglalakad ako papasok ng village namin. Huhuhu. Walk trip ako ngayon. Actually palagi naman. Pero kasi nakakapagod kaya. Medyo dulo pa naman yung bahay namin. Psh. Buti pa yung asawa kong alien nakakotse. Bakit kaya hindi nya itry na mag space ship? Hahaha
Paliko na sana ako ng......
*Beep!Beep!*
Ehhhh??? Anong problema nitong driver na 'to? Ang lawak-lawak ng daan dito sya makikisiksik kung saan naglalakad ako. Aba!
*Beep!Beep!*
Putek naman ano bang kailangan nito? Bakit ba----------Teka!
Kotse ni Vann 'to ah.
Anong problema nito?
Hininto nya yung kotse nya sa may gilid ko. Binababa nya yung salamin tapos dumungaw sya.
"Yah! Babo! Kanina pa kita binubusinahan hindi mo ba naririnig?!"
"Aba malay ko bang ikaw yun? Tsaka ano bang kailangan mo?"
Malay ko ba dito. Tsaka heller?! Hindi ko naman ineexpect na makikita ko sya ngayon. Sa pagkakaalam ko kasi busy sya ngayon. Ang aga naman ata nya nakauwi. Tsaka bakit pa sya huminto dito? Hindi kaya.........
Baka isasabay nya ako pauwi sa bahay?
"Wala!" sabi nya at pinaharurot yung kotse nya.
Ughhhhh!!!!! Letse ka alien! Isa kang malaking paasa! Akala ko isasabay mo na ako. Walangya ka!
Haaayyssttt!!!! Bakit ba ako nagakaroon ng asawang paasa?!
BINABASA MO ANG
Married To The Idol
FanficAno sa tingin nyo ang feeling na ikasal sa idol ng lahat? Siguro masaya, maswerte, nakakainggit, feeling mo ikaw na ang pinaka swerte na tao sa mundo. Pwes, NAGKAKAMALI KAYO! Sino ba naman ang taong gustong ikasal sa napakasungit na nilalang, hin...