Chapter 24

184 14 3
                                    

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa kinauupuan ko. Pangatlong lecture na namin 'to, pero gusto ko na agad umuwi. Kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa tinext ni Vann. Nadala na ako sa mga 'Let's talk later nya eh'. Tapos may jealous pa. Ano bang ginawa ko? Bakit ba nagseselos yon? Hindi pa din kasi ako makapaniwala. Isipin nyo, isang Vann Gabriel Kim nakakaramdam ng selos. Sa loob ng two years na pagiging mag asawa ngayon lang ako nakarinig galing sakanya na nagseselos sya. Ni wala nga syang pake noon sa kung sinong kausapin ko eh----though hindi naman talaga ako malapit sa mga lalaki.

Pero ngayon, sinasabing nagseselos sya. Ilang araw na nakalipas nung sinabing nyang nagseselos sya kay Klyde. Pero hindi ko pa din talaga maabsorb. Pag talaga ako pinagtitripan lang nitong Vann na 'to.

Pero kung nakamamatay lang ang pagtitig, siguro kanina pa ako pinaglalamayan. Hindi ko na kailangan pang lumingon sa likudan dahil alam kong sobrang sama na ng tingin----este titig sakin ng asawa kong alien. Nagawa kong lumingon kanina, pero nakita ko yung galit at nagbabanta nyang mga mata kaya hindi na ko umulit.

"Bago ko kayo palabasin. Any updates for the research paper? Bukas na ang pasahan non. Make sure to do your task. No one is exempted. Kung walang nagawa, authomatic failed, no excuses." sabi ni Sir Liman, ang masungit naming history teacher.

Sh*t bukas na agad yung research paper? Ni hindi pa nga kami nag uusap ni Klyde eh. Parang wala pa akong balak gumawa.

"Buti ka pa makakausap at makakasama mo si Klyde, hays" may halong lungkot na sabi ni Patch sa tabi ko.

Makakausap? Makakasama?

Oh. My. God.

Hindi ko alam pero naglakas loob akong lingunin si Vann na nasa likod ko. At halos manigas na ko sa tindi ng titig nya sakin. Kung grabe na yung titig nya sakin kanina, ngayon doble na. Nakita ko ding nakakuyom yung kamay nya, galit na nga talaga.

Yan ba yung Vann na makakausap ko mamaya? Parang ayoko ng umuwi.

Napabalikwas ako ng upo ng may kumalabit sakin.

"Hey, kanina pa kita tinatawag" boses ni Klyde sa kabilang gilid ko.

Medyo gulat akong napatingin sakanya. "B-Bakit?" tanong ko.

"Are you free later?" tanong nya. Napakunot naman yung noo ko. "For our research paper I mean" sabi nya at ngumiti.

Pero bago pa ako makasagot ay nakarinig ako ng kalabog sa likod. Parang padabog na tumayo sa pagkakaupo. At padabog na pagsara ng pinto sa labas. Hindi ko na ulit kailangan pang lumingon dahil alam ko kunh sino yon. Ang alien kong asawa.

B----T-----S

Justin POV

Uy may exposure ako. Akala ko wala lang ako dito eh. Dapat dyan ay icelebrate!

Pero hindi nanaman ito ang oras ng pagcecelebrate. Nandito kami ngayon sa leisure room namin. At etong mga mokong na nandito, busy-busyhan sa pag gawa ng research paper. Este si Riven at Jeros lang pala ang nagawa. Yung iba? Nag-uusap, tinititigan yung gagawin, pero itong si V kanina pa masama ang mukha eh. Ano nanamn kayang nangyare dito?

"Pano ba tayo gagawa ng research paper?" may halong frustration sa boses ni Jin.

"Research paper lang di nyo alam kung pno gawin? Ang dali dali lang nyan eh" mayabang na sabi ni Jeros.

"Gag*. Pabuhat ka lang kay RM" sabi ni Sceven.

Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Sceven. Yabang yabang nitong Jehorse na 'to, si RM lang din naman gagawa ng research paper nila.

Married To The  IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon