Matapos ang dinner ay dumiretso ako sa kwarto ko dito sa mansion namin. I miss my room so much. Iba pa din 'to kesa sa kwarto ko sa bahay namin ni Vann. Wala pa ding pinagkaiba. Still has it's cream color.
Nakasalampak ako sa kama ko. Parang ayoko ng umalis dito.
Natatandaan ko pa yung araw na umiyak ako ng umiyak dito nung araw bago ang flight namin papuntang ibang bansa para sa kasal ko. Sobrang hindi pabor sakin ang kasal namin ni Vann. Wala akong pake kahit pogi ang asawa ko. Kahit magkababata kami. Ang bata ko pa para ikasal! I even hated my parents back then for putting me in this situation. Iyak lang ako ng iyak sa kwarto kong 'to dati. Iniisip ko yung pwedeng mangyare pag kinasal na 'ko. Naisip ko din na lumayas nalang at wag magpakita sa araw ng kasal ko. Kaso inisip ko pa din ang parents ko. Tsaka saan naman ako pupunta pag lumayas ako, diba? Hays.
"So this was your room looks like"
Napalingon agad ako sa pinanggalingan ng boses. Hindi ko ba nalock ang pinto?
Nagbago na nga pala yung itsura ng kwarto ko. Hindi na sya kagaya ng dati na mukhang pambata talaga. Kaya hindi na alam ni Vann yung itsura ng kwarto ko.
"Why are you here?" tanong ko sa nakapasok na sa kwarto kong alien.
"What? Am I not allowed in your room?" tanong nito at prenteng umupo sa small sofa ko.
"Yes, you're not allowed" sagot ko. Ako nga hindi pwedeng pumasok sa kwarto nya eh.
Nagkibit balikat nalang sya. Hindi ko sya pinansin at tinalikuran.
Mabuti nalang at hinayaan kami ng magulang namin na maghiwalay ng kwarto. I can't even imagine myself with him sharing the same room with the same bed. Baka itulak ko lang sya at mahulog sa lapag.
"Let's go" sabi nya
"Gusto ko mag paiwan dito" sagot ko ng hindi sya nililingon.
"Why?" sabi nya
"Mas gusto ko dito" sagot ko. Nakatalikod pa din ako sakanya.
"You can't" sagot nya.
"Ayokong umuwi. Palagi ka nalang nagagalit sakin, nakakainis ka"
Natigilan ako sa sinabi ko. Sinabi ko ba talaga yan? Hala ka.
Hinigit ko yung kumot ko at nagtalukbong. Ano ba 'tong bibig ko. Pero totoo naman kasi talaga. Walang araw na hindi kami nagsisigawan at nag aaway ni Vann. Ni wala nga akong matandaan na naging okay kami eh.
"Hey...." sabi nya. "Look I'm sorry, okay?" dagdag pa nya.
Teka ano daw? Sorry? Si Vann ba talaga 'to? Shet. Namamaligno na ata ang asawa ko. Dapat na akong tumawag ng ambularyo.
"Come one babo, wag mo kong artehan ng ganyan" asar nyang sabi.
"Pinagsasabi mo dyan?" sabi ko at inalis ang pagkakatalukbong ko at umupo at humarap sakanya ng nakataas ang kilay.
"Wala!" sabi nya at tumayo na
Nagkibit balikat lang ako. "Okay" sabi ko at humiga na ulit.
Pero bago pa ako makahiga ay naramdaman kong nakaangat na ko sa ere.
OMAYGHAD!
He's carying me, bridal style way!
"Omayghad Vann ibaba mo ko!" sagot ko at nagpupumiglas.
"Stay still, baka mahulog ka" sagot nya.
"Ibaba mo ko!" sabi ko pa din.
Pero mas malakas sakin ang asawa ko. Narinig ko nalang ang pinto na bumukas at sumara.

BINABASA MO ANG
Married To The Idol
FanfictionAno sa tingin nyo ang feeling na ikasal sa idol ng lahat? Siguro masaya, maswerte, nakakainggit, feeling mo ikaw na ang pinaka swerte na tao sa mundo. Pwes, NAGKAKAMALI KAYO! Sino ba naman ang taong gustong ikasal sa napakasungit na nilalang, hin...