Chapter 9

153 10 0
                                        

Nagising ako kasi pakiramdam ko may kumikirot. Ano ba yung-----Ugh! Yung sugat ko! Huhuhu. Naipit ko pala yung sugat ko. Buti nalang at may band aid 'to. Pero kita ko parin yung nga dugo na lumabas. Aish! Bakit ba kasi napaka careless ko? Nakaramdam nanaman ako ng panlalambot. Sh*t.

Napailing nalang ako at tumingin sa alarm clock ko. 9:00 na. Mamaya pa namang 10:00 yung klase ko eh. Buti nalang at Thursday ngayon.

Inayos ko na yung sarili ko at bumaba na ng kwarto.

"Hi manang." bati ko kay manang

"Oh hija kumain ka na dito" sabi nya. Tumango nalang ako at naglagay ng mga pagkain sa plato. "Nga pala hija. Maagang umalis yung asawa mo. May shooting daw para sa album nila" sabi ni manang.

Eh di hindi sya makakapasok? Eh di paano na yung research paper? Gosh! Nakalimutan kong sabihin sakanya kahapon. Naku naman. Careless na nga, makakalimutin pa. Ikaw na talaga Kai!

Kinuha ko yung phone ko at tinext. Sya ewan ko kung mababasa nya 'to pero bahala na.

To Alien:

     Alien! Nakalimutan kong sabihin sayo. May research paper tayo. Partners tayo. Yun lang. :)

Pagkatapos kong kumain naligo na ako at pumuntang Xavier.

---B---T---S---

Nandito na ako sa may gate ng Xavier Academy. Actually kanina pa ako dito. Buti nalang at medyo maaga pa. Hindi kasi ako makapasok gawa ng madaming press dito sa may gate. Ano ba kasing meron? Istorbo naman 'to eh. Isusumbong ko na talaga sila kay daddy eh. Wala naman ang BTS ngayon eh. So sinong pinun--------Si Klyde! Ughh!!! Bakit ko ba nakalimutan na may isapa palang artistang nag-aaral dito.

Bakit ba kasi ayaw pa nilang umalis? Kailangan talagang kuhaan nila ng picture yung pagpasok ni Klyde sa Xavier. Di ba sila nainform na nakakaistorbo sila?

Sinubukan ko ulit makisiksik sa nga tao pero wala din. Nasa labas padin ako. Nak ng tukneneng naman!

Asan na ba kasi si Klyde?

Tsaka si Patch asan na rin?

"Waahhh!!!"

"Andyan na si Klydeeeee"

"OMG! Teen Prince!"

"Waahhhh. I love you Klyde!"

Nag-umpisa ng magwala yung nga tao. Dumating na kasi si Klyde. Bumukas yung pinto ng kotse at mas lalong nagsigawan yung mga tao ng bumaba si Klyde. Ang pogi nya talaga. Naka suot syng school uniform. Naks naman. Bumagay sakanya eh.

Bumaba na rin yung mga body guards nya para harangin at mapadaan si Klyde papasok ng Xavier. Naks naman. Papasok nalang may body guard pa. Ano bang pinunta nito dito? Fan meeting o pag-aaral?

Matapos makadaan ni Klyde ay tumakbo na ako papasok ng room. Jusko five minutes nalang late na ako.

Hingal na hingal akong nakarating sa room namin. Duon ako pumwesto sa may tabi ni Patch.

"Oh ba't ganyan itsura mo? May marathon ba?" bungad nya saakin ng makaupo ako.

"E-Eh kasi tumakbo ako. Malapit na akong malate eh"

"Ahhhh."

Mukhang matamlay ata 'to. Baka naman sakit?

"Uy Patch! Okay ka lang?"

"Oo" sagot nya. Ehhh? Mukha namang hindi eh.

"Haluh? Ano nga kasi"

"Waahhh!! Wala kasi yung BTS eh!"

-_-

Seriuosly? Ano bang ginawa ng BTS dito kay Patch at ganito nalang 'to kaadik sakanila.

"Ang oa mo!" Hmp!

Tumunog na yung bell. Hudyat na simula ang mga klase. Bumukas at pumasok yung adviser namin. At kasama si.........

"Waaahhhhh!!!"

"Totoo ba 'to?!"

"OMG! Ang asawa koooo!"

"Waaahhh! Klyde!"

Si Klyde.

Classmate namin ang nag-iisang Klyde Delos Santos. Napaka swerte naman talaga ng Star Section. Akalain nyo yun may walo kaming classmates na celebrity. Naks naman!

"Class be quiet" pagpapatahimik ni ma'am saamin. Tumahimik naman yung mga studyante. Natakot siguro? Terror teacher eh. "Okay, You can now Introduce yourself Mr." formal na sabi ni ma'am. Eeehh? Kailangan pa ba nun? Kilang-kila kaya si Klyde. Haaayyy. Hayaan na nga.

"Uhm.... Hello everyone. I'm Klyde Delos Santos. Your new classmate" sabi nya at ngumiti. At nagsimula nanaman magwala ang mga babae. Haluh? Ang pogi ni Klyde.

"Shhh! Quiet!" sigaw ni ma'am na nagpatahimik sa mga sumisigaw. Aish! Kahit kailan talaga 'to si ma'am. "Okay. Mr. Delos Santos you can seat" sabi ni ma'am.

Nagsimula ng maglakad si Klyde. Yung iba naman hindi alam yung gagawin kasi gusto nila sila yung katabi ni Klyde. Mukhang nahihirapan si Klyde na maghanap ng vacant seat kasi halos puno na. Hindi naman sya pwedeng umupo sa upuan ng BTS. Napansin kong papunta si Klyde sa may pwesto namin. Sa may back row. Lumingon-lingon ako sa paligid. Bakit dito lalapit si Klyde eh wala..........

"Hi"

Ay putek! Ang bilis naman nito. Nasa tabi ko na agad. Teka! Tabi kami? Tabi-------T*nga! Bakit ko ba nakilimutan na wala pa akong katabi sa left side ko. Aish! Yung pader lang kasi yung napapansin ko.

Naramdaman kong may sumiko sa aakin sa kanan.

Tinaasan ko ng kilay si Patch. "Oh? Bakit ka naniniko?"

"Ano ka ba naman Kai! Binati ka ni Klyde. Hindi mo ba narinig?"

Ehhh? Binati?

Ayyyy! Oo nga! Nag 'Hi' pala saakin si Klyde. Bakit ko ba hindi napansin? Baka isipin nito snobber ako. Sya nga na artista namamansin. Ako pa kayang normal na babae lang.

"Ughh..... Hello K-Klyde" at ngumiti ako.

Natandaan ko yung sinabi saakin ni Vann na layuan ko daw si Klyde. May balak naman ako kaso........ Bakit pakiramdam ko gusto ko syang maging kaibigan. Ugh! Hindi ko alam!

Napangiti sya. "Akala ko hindi mo na ako papansinin eh"

Napangiti ako sa sinabi nya. So ineexpect nya talaga na babatiin ko sya pabalik. Psh.

"OMG! Bakit nag-uusap sina Kai at Klyde?"

"Haluh? Kailan pa sila naging close?"

"Ugh! Ang landi!"

What the effff? So kanina pa pala sila nakikinig saamin? Arghhh!!! Bakit ko ba kasi nakalimutan na may mga fans din si Klyde dito. Nasabihan pa ako ng malandi. Sapakin ko kayo eh!

"Ugh..... Oo. A-Ano..... M-Makinig ka na kay ma'am"

Tumango nalang si Klyde. Siguro narinig nya rin yung mga bulungan ng mga babae.

Haaayyyyy. Ano kayang magiging reaction ni Vann kapag nalaman nyang classmate sila ni Klyde. Ewan ko ba dun kay alien. May galit ata kay Klyde.

Married To The  IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon