Chapter 14

173 12 1
                                    

"OMG! BTS! V!" super lakas na sigaw ni Fritzie ng maabutan namin ang BTS.

Actually, paakyat na sila sa rooftop. Liningon kami ng BTS kaya hinigit agad ako ni Fritzie pa punta sakanila. Kitang-kita ko ang pagkalito sa mga mukha nila. Nakakahiya naman. Ngayon lang ako nahiya sa BTS.

"B-BTS! Waahh! Naabutan namin kayo.... Hooh! A-Ako nga pala si Patricia. Well, clasmates tayo. Gusto ko lang sabihin kay V na partners kayo ni Kaillene sa reasearch paper. Kailan nyo balak gumawa?" hinihingal na sabi ni Patch.

"Huy. Nakakahiya"  bulong ko kay Patch. Ang loka, hindi manlang ako pinansin.

"Ugh... Yeah. I know. Actually were done" seryosong sabi ni Vann habang nakatingin saakin.

Samantalang ako hindi na mapakali sa kinatatayuan ko. Napapansin ko ring nakatingin saakin si Jeros at JK. H-Hindi na rin ako makahinga ng ayos. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Huminga ako ng malalim. Huhuhu. Gusto ko ng bumaba. Napakapit ako ng mahigpit kay Patch.

"Weh? Omg! Bakit di mo sinabi saakin, Kai?" nagtatakang sabi ni Patch.

"I-I-I can't b-breathe...." unti-unti ng mas bumibilis ang paghinga ko. Ghad!

"Fvck it!" galit na sabi ni Vann.

Nagulat na lang ako at buhat-buta na ako ni Vann. Bridal style pa. Balak ko pa sana umangal kaso wala na akong lakas para umangal at kumawala sa pagkakabuhat saakin ni Vann. Feeling ko nauubusan na ako ng hininga sa bilis nito. Kaya ayokong nagkaka asthma eh.

"Va-Vann..."  hinihingal kong sabi.

"Shh.... Be relax. Just.... Just hold on, arrasso?" (Okay?)

Gusto ko ng pumikit pero hindi ko magawa. Gusto ko nalang matulog para mawala 'tong asthma ko pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung nasaang floor na kami. Tanging naririnig ko nalang ang mga taong pinag chichismisan kami.

"Oh. My. Gosh. This can't be happening"

"Waahhh. Who is she? Bakit sya buhat-buhat ni V?"

"OMG! Anyare kay ateng?"

"If I know drama nya lang yan"

"Vann..." sabi ko.

"Just don't mind them."

Nakarinig ako ng bukas ng pinto. Sa wakas! Nandito na rin kami sa clinic. Pero mas lalo akong nahihirapan huminga at mas lalong napapabilis ang paghinga ko.

"Uhmm... V-V? A-Anong nangyari------"

"Just give her that fvcking nebulizer!" galit na sabi ni Vann. Agaf namang tumango yung nurse at kumuha ng nebulizer. Natakot siguro kay Vann.

Dahan-dahan akong hiniga ni Vann sa kama. "You'll be alright" assuring nyang sabi saakin.

Agad na lumapit saakin yung nurse at binigay saakin ang hose ng nebulizer. Pinasok ko ito sa bunganga ko. Unti-unti ko ng nararamdaman ang buga ng usok ng gamot sa loob ng bunganga ko. Kasabay ng buga usok sa loob ng bunganga ko ay syang pagtaas-baba ng balikat ko. Hindi ko na kaya. May nararamdaman akong luha na bumabagsak sa pisngi ko. I hate this feeling!

Naramdaman kong hinawakan ni Vann yung kaliwang kamay ko. "Please don't cry." may halong lungkot sa kanyang sinasabi.

Halos tatlong minuto ang tinagal ng pagnenebulizer ko. Medyo nakaramdam na rin ako ng ginhawa. Eto ang nagiging dulot saakin ng sobrang kapaguran. Kung kayo kaya tumakbo mula ground floor hanggang fifth floor ng walang tigilan. Though, I don't blame Patch for this.

"Uhm... B-Bibigyan kita ng gamot. Tapos kapag may nararamdaman ka pa rin uhm... Siguro Vann kailangan na syang dalhin sa ospital or iuwi muna sa bahay nila" sabi nung nurse. Inabutan nya ako ng gamot at agad ko naman itong ininom.

Married To The  IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon