Chapter 7

148 8 0
                                    

Kai POV

"Oh My Gosh! As in Oh My Gosh!"

Kanina pa ganyan ng ganyan si Patch pagkatapos kong ikwento sakanya yung nagyari kanina. Hindi ko nga alam kung anong nangyari dito eh. Bigla nalang naging ganyan.

"Hoy Patch! Tumigil ka nga"

Para kasing abno. Nakakahiya kaya. Pinagtitinginan na kaya kami ng mga studyante dito.

"Waaahhhh. Kasi naman Kai eh. Si Klyde yun oh. The one and only Klyde Delos Santos"

Tinaasan ko sya ng kilay. Oh anong gagawin ko dun sa Klyde na yun? "Psh. Oh eh ano naman ngayon? Tsaka sino ba yun? Parang kilalang-kilala mo?"

Kanina ko pa kasi napapansin eh. Tsaka hindi naman magiging ganyan si Patch kung hindi nya kilala si Klyde eh. Sabi sainyo may pagka stalker 'tong si Patch.

"OMG! Kai! Saang planeta ka ba galing at hindi mo kilala si Klyde?!"

Spell OA? P-A-T-C-H! Sino ba kasi yung Klyde na yun? Famous ba yun? Eh bakit hindi ko kilala? Anak ba sya ng presidente? Macho dancer sa bar? Close ba sila ni Jongki? Sino ba kasi si Klyde?!

"Aish! Ang oa mo naman Patch eh. Sino ba kasi yun?!"

Huminga sya ng malalim. "Si Klyde lang naman ang Teen Prince. Isa syang sikat na artista! Kai artista si Klyde!"

Loading........

Loading......

98%..........

100%

OMG! Artista si Klyde? Eh bakit hindi ko sya kilala? Haayyysssttt! Hindi kasi ako nanunuod ng t.v eh. Pero kung artista sya.........ibig sabihin kilala sya ni Vann. Kaya pala ganun nalang kapogi si Klyde kasi artista sya.

"Pero teka! Bakit hindi sya pinagkaguluhan ng mga studyante dito?"

Totoo naman diba? Kung yung BTS nga grabe kung pagkaguluham nila eh. Si Klyde pa kaya na isa ring artista? Haayyy. Palibhasa puro fans nila yung nandito.

"Yun na nga eh. Ang pagkakaalam ko saglit lang daw si Klyde dito. Nag enroll lang daw. Tapos nabalita nalang dito sa nag enroll si Klyde kung kailan nakaalis na sya." sabi nya ng may halong panghihinayang.

Enroll? Nag enroll si Klyde dito? Kaya pala sabi nya saakin kanina may hahanapin pa sya. I-Ibig sabihin makikita ko sya ulet? Waahhhhhh!!!!

---B---T---S---

Nandito na ako ngayon sa bahay. Actually kakauwi ko lang. Tapos diretcho panuod agad ako dito sa sala. Inaabangan ko yung drama ni Klyde. Wag kayo first time lang 'to. Puro kasi K drama yung pinapanuod ko. Waahhh. Basta para kay Klyde. Hahaha. Oo na. Isa na akong fan ni Klyde.

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga drama"

"Ayyy Klyde!!!"

Ano ba naman eh! Bakit ba lagi nalang nanggugulat si Vann? Panira naman ng moment 'to eh. Ang ganda na pagkakapanuod ko eh. Tapos ang galing pa umarte ni Klyde.

"Psh." sabi nya at umalis.

Aish! Bahala sya dyan. Basta ako manunuod ng drama ni Klyde.

Haayy bakit kaya nagawa kong kaadikan si Klyde kesa sa sariling grupo ng asawa ko? Hmmm.... Siguro kasi....... Aish! Hayaan na nga!

"Hoy babo! Sino yung kasama mong lalaki kanina?"

Ay putakte naman! Sinabi ng wag ng mangulat eh. Tsaka ano daw?!

"Huh? Pubagsasabi mo alien?"

Nae-alien nanaman ba 'to? Anong may kasama akong lalaki? Wala kaya-----------Ehhhh? H-Hindi kaya si.......

"Tss... Nakita ko kayo kanina sa may swing"

Confirm!

Si Klyde nga yung tunutukoy ni Vann.

"Ahhh. A-Ano kasi......"

Haluh ano ba 'to? Bakit ako kinkakabahan? Wala na naman kaming ginawang masama eh? Si Klyde meron! Tinulak nya lang naman ako sa swing. Tapos........... Nagsorry sya. Yun lang.

"What?!"

Aish! Bakit ba sumisigaw 'tong alien na 'to? Konti nalang talaga iisipin kong nagseselos 'to. Pero........ Imposible talaga.

"Nasa swing kasi ko kanina sa may field tapos bigla nalang may tumulak saakin. Yun pala si Klyde. Actually, hindi ko sya kilala. Tapos nagsorry sya. Tapos yun lang."

"Psh! Don't go near to him again"

Napataas ako ng kilay. Bakut naman bawal akong lumapit kay Klyde? Actually, wala naman talaga akong balak lumapit dun. Pero........ Bakit nga? Ano yun? Dahil ba pareho silang artista? Ano namang connect nun?

"Basta! That's my order" at umakyat na sya ng hagdan.

Ano daw?! Pagbabawalan nya akong lumapit kay Klyde tapos wala namang dahilan. Ano kaya yun? Tapos that's his order pa raw. Aba ang kapal naman talaga! May parules-rules pang nalalaman. Jusme baka susunod nyan may listahan na sya ng rules nya.

---B---T---S---

Nandito ako sa may sala. Kakatapos lang namin kumain ng dinner. Hindi ko alam pero feeling ko nahihilig na ako sa panunuod ng t.v. Dati kasi puro cellphone at laptop lang ginagamit ko. Haaayyyy.

Ano ba yan! Wala namang magandang mapanuod eh. Puro korny na drama o di kaya balita. Tss..... Malapit na kasing mag eleksyon. Feeling ko malapit ng mapudpod yung pindutan ng remote sa kakapindot ko eh. Bakit ba kasi ang korny ng mga---------

"The famous "Teen Prince" Klyde Delos Santos will be studying his high school year in the prestigious Academy. The Xavier Academy."

Napatigil ako sa pagpipindot ng marinig ko yung balita.

So pinublic na pala yung pag-aaral ni Klyde sa Xavier. Aish! Tatadrarin nanaman ng press at mga fans ni Klyde yung Xavier. Kung sa BTS nga mula pagpasok hanggang pag-uwi nandun yubg nga press at fans eh. Si Klyde pa kaya na Teen Prince.

"Tss..... Such an attention seeker"

Napalingon ako sa nagsalita. Si Vann. Bakit ba hindi ko maramdaman yung presensya nya kapag lalapit sya saakin? Ano bang klaseng alien powers yung ginagamit nya?

"Huh? Bakit mo naman na sabi?"

May galit ba 'tong asawa ko kay Klyde?

"Tsss... You won't understand babo. Its all showbiz matters"

Grabe ha. Anong akala nya saakin? Stupid? Psh! Eh di wag alamin. Masunurin naman ako eh.

"Yah. Subukan mo lang na suwayin yung sinabi ko isusumbong kita sa magulang mo"

Ehhhh? Nanakot pa? Dinamay pa yung magulang ko. Psh. Ayaw pa kasing aminin na nagseselos sya. Tsss..... Asa pa!

"Oo na. Ayoko rin namang sugurin ng mga fans nun"

Mahal ko buhay ko noh. Tsaka ayokong madamay sa showbiz na yan.

"Good. That's what I like about you"

Married To The  IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon